backup og meta

Bakit Nagkakaroon ng Kuliti sa Mata at Ano ang Gamot para Dito? Alamin!

Bakit Nagkakaroon ng Kuliti sa Mata at Ano ang Gamot para Dito? Alamin!

Noong bata ka, napaniwala ka rin ba sa sabi-sabi ng mga matatanda na dahil sa paninilip kaya nagkakaroon ang isang tao ng kuliti sa mata? Ngunit, ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit nagkakaroon ng kuliti sa mata? At ano ang maaring gawin upang gumaling ito? 

Ano ang Kuliti sa Mata?

Ang kuliti ay tumutukoy sa isang mapula at masakit na bukol malapit sa gilid ng takipmata. Tulad ng pigsa o tagyawat, ito ay kadalasang naglalaman ng nana na maaaring mabuo sa panloob na bahagi ng takipmata. Nabubuo ang kuliti kapag ang isang maliit na oil gland sa iyong eyelash follicle o balat ng takipmata ay naharangan at nahawaan.

Sa Ingles, ito ay kilala bilang stye o medikal na termino na hordeolum. 

May dalawang uri ng kuliti sa mata, ito ang internal stye at external stye. 

Maaari itong matulad sa isa pang bukol sa takipmata na tinatawag na chalazion. Ang chalazion ay isang bukol na kadalasang nangyayari sa likod ng iyong takipmata. Ngunit, ito ay karaniwang hindi masakit at hindi sanhi ng bacterial infection. 

Karaniwan ang mga kaso ng kuliti sa mata, lalo sa mga bata. Madalas isang takipmata lang ang naapektuhan ngunit maaari posible ring magkaroon ng kuliti sa magkabilang takipmata. Gayunpaman, hindi naman ito nakakahawa at madali ring mawala matapos ng ilang araw. Ang ilang mga kaso rin ay maaari namang magamot sa bahay ngunit sa ilalim pa rin ng gabay ng isang eye specialist. 

Ano ang mga Senyales ng Kuliti sa Mata?

Ang pangunahing senyales ay isang namamaga, masakit, pulang bukol sa gilid ng takipmata. Ngunit, maaari ka ring magkaroon ng mga sumusunod na senyales:

  • Discharge mula sa mata
  • Pagkapunit ng mata
  • Pakiramdam na makati at masakit ang mata
  • Pakiramdam na mayroong kakaiba sa iyong mata
  • Crusting sa talukap ng mata
  • Pagkasensitibo sa ilaw

Higit pa rito, ang kuliti rin ay maaaring magdulot ng pagtutubig ng mata. 

Paano Nagagamot ang Kuliti sa Mata?

Hindi naman nangangailangan ng partikular na paggamot ang karamihan sa mga kaso ng kuliti sa mata. Sa katunayan, madalas naman ito nawawala makalipas ang ilang araw o linggo.

Upang mapabilis ang pagbuti ng pakiramdam at mabawasan ang pananakit at pamamaga, maaari kang gumawa ng self-care plan upang magamot ang iyong kuliti sa bahay. Narito ang ilang mga dapat at hindi dapat gawin upang pamahalaan ang iyong kuliti:

  • Maglagay ng warm compress sa iyong mata sa loob ng 5 hanggang 10 minuto, 3 o 4 na beses sa isang araw. Ang compress ay dapat na mainit ngunit hindi masyadong mainit na nasusunog ang iyong takipmata.
  • Panatilihing malinis ang paligid ng iyong mata.
  • Iwasang hawakan o kuskusin ang iyong mata.
  • Iwasang maglagay ng eyeshadow o kahit anong makeup sa bahagi ng mata.
  • Huwag munang gumamit ng mga contact lens habang ito ay patuloy na pinapagaling.
  • Huwag subukang pisilin o i-pop ang anumang bukol malapit sa iyong mata. Ang paggawa nito ay maaaring magkalat ng impeksiyon.

Makatutulong din kung mapanatiling malinis ang kamay sa pamamagitan ng parating paghugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga bagay-bagay.

Kung ang iyong kuliti naman ay nangangailang ng medikal na atensyon, maaaring magrekomenda sa iyo ang doktor ng alinman sa mga sumusunod:

  • Antibiotic
  • Minor surgery (upang tanggalin ang nana)
  • Steroid injection (upang mabawasan ang pamamaga)

Maaari ring niyang gamuting anumang underlying condition na maaaring nagdulot o nagpapalala ng kuliti sa mata.

Paano Naiiwasan ang Pagkakaroon ng Kuliti?

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng kuliti sa mata ay sa pamamagitan ng good eye hygiene. Siguraduhing malinis ang iyong mga mata at alisin ang makeup at dumi. Itapon ang lumang makeup para sa mata. Halimbawa, ang mascara ay dapat palitan tuwing 2 hanggang 3 buwan. 

Gayundin, hindi mo dapat ibinabahagi ang makeup sa ibang tao. Palaging hugasan ang iyong mga kamay bago hawakan ang iyong mga mata. Kung magsuot ka ng mga contact, hugasan ang iyong mga kamay bago ilagay o ilabas ang mga ito. 

Mahalagang Mensahe

Ang kuliti sa mata ay isang karaniwang at hindi nakakapinsala o nakakahawang kondisyon. Maaari itong magdulot ng kaunting pangangati, ngunit madalas namang nawawala nang kusa. Makakatulong ang mga hakbang sa paggamot sa bahay tulad ng paglagay ng warm compress. Kung hindi pa rin ito gumagaling, maaaring magreseta ang iyong doktor ng antibiotic na maaaring mong inumin.

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sty, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sty/symptoms-causes/syc-20378017#:~:text=A%20sty%20is%20a%20red,inner%20part%20of%20your%20eyelid. Accessed May 30, 2022

Sty, https://familydoctor.org/condition/sty/ Accessed May 30, 2022

Sty, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/sty/ Accessed May 30, 2022

Stye, https://kidshealth.org/en/parents/stye.html Accessed May 30, 2022

Stye, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17658-stye Accessed May 30, 2022

Stye, https://www.nhs.uk/conditions/stye/ Accessed May 30, 2022

Kasalukuyang Version

05/21/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement