backup og meta

Jisoo Skin Care Tips: Ano Ang Sikreto ng Visual ng Blackpink? Alamin Dito

Jisoo Skin Care Tips: Ano Ang Sikreto ng Visual ng Blackpink? Alamin Dito

Jisoo skincare tips – maraming fans ang nagse-search nito dahil sa pag-idolize nila sa beautiful image ng visual ng sikat na KPOP Girl Group na BLACKPINK. Dagdag pa rito, kilala si Jisoo bilang isang KPOP Idol na mas nakatutok sa skincare routine kaysa sa pagme-make up upang ma-maintain niya ang simpleng hitsura. 

Gayunpaman, hindi rin nagpapahuli ang iba pang members ng KPOP girl group na BLACKPINK dahil marami silang ambassadorships for beauty na bunga ng kanilang healthy skin at beautiful image:

  • Main Dancer- Lisa para sa MAC Brand
  • Visual- Jisoo para sa brand ng DIOR
  • Lider- Jennie para sa Channel Brand
  • Main Vocal- Rose sa YSL Brand

Bukod pa rito, lahat ng members ng Blackpink ay considerate at generous sa pagbibigay ng skincare routine tips, at isa na rito ang visual ng grupo na si Jisoo.

Narito ang Jisoo skincare tips:

  • Pag-moisturize ng lips

Para ma-achieve ang kissable na labi, sinisigurado ni Jisoo na-exfoliated at moisturized ang kanyang lips! Gumagamit siya ng lip scrub para alisin ang tuyong balat sa kanyang labi at lip mask para ma-moisturize ang kanyang lips. 

Mahalaga na pagkatapos na i-exfoliate ang labi ay mapanatili na moisture ito para hindi matuyo. Kaya naman ano pa ang hinihintay? Let’s do this! Gawin ang routine ni Jisoo na maglagay ng lip mask pagkatapos mag-exfoliate para ma-achieve ang kissable lips.

  • Pag-hydrate ng mukha

Ishinare ni Jisoo na mayroon siyang tuyong balat o dry skin, kaya naka focus rin siya sa pag-hydrate at moisturize ng kanyang mukha. Isa sa mga paraan na kanyang isinasagawa ay paggamit niya ng face mask, dahil naniniwala si Jisoo na ang paggamit ng face mask ay nakatutulong para maging healthy ang skin at manatiling bata ang balat.

Gumagamit din si Jisoo ng pore control mask para pakalmahin ang kanyang balat at masigurado na naaalagaan niya ito.

  • Huwag kakalimutang mag-cleanse

Isa ito sa Jisoo skincare tips na hindi mo dapat kalimutan, kahit pagod na pagod ka na.  Mahalaga na mag-cleanse ka dahil nililinis nito ang iyong mukha at tinatanggal ang dumi na nakadikit sa’yong mukha. Madalas tayong nae-expose sa mga alikabok at dumi kaya mahalaga na matanggal natin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng pimples.

  • Alamin ang bagay at angkop sa balat

Napakahalaga na maiwasan ang pagkasira ng balat, at tulad ng pag-aalaga ni Jisoo sa kanyang balat, maganda na alamin ang angkop at bagay na produkto sa’yong mukha upang mas maging effective ang lahat ng produktong ipapahid sa’yong balat.

  • Laging maghilamos ng mukha

Laging una sa routine ng Jisoo skincare tips, ang maghilamos ng mukha. Maganda na bago maglagay ng anumang produkto sa mukha ay gawing malinis na muna ito para maiwasan ang anumang iritasyon sa balat at impeksyon. Ang paghihilamos ng mukha sa gabi ay mahalaga ayon kay Jisoo kung gusto natin maging pimple-free skin at healthy ang ating balat.

  • Gumamit ng toner

Kung gusto mo maprotektahan ang iyong balat mula sa oiliness at impeksyon, gumamit ka ng toner na angkop sa iyong balat. Isa ito sa mga simpleng routine pero tiyak na makakatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng iyong balat.

Key Takeaways

Maraming naghahangad ng pagkakaroon ng Korean skin, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit ang daming tagahanga ni Jisoo. Ang kanyang simple but elegant look at beautiful image ay pangarap ng maraming fans na dahilan kung bakit maraming nakasubaybay sa  skincare routine ni Jisoo upang mapanatili ng kanilang malusog na balat.
Huwag mo ring kakalimutan na ang kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa pisikal na itsura, at wala namang masama kung naghahangad tayo na gawing mas maganda at malusog ang ating skin. Tandaan mo, walang masama sa pag-lapat ng Jisoo skincare tips sa sarili. Subalit siguraduhin lamang na ang mga beauty products at gawain sa pagpapaganda ay angkop sa’yong needs, dahil ang anumang sobra ay hindi maganda. Mas mainam pa rin na kumonsulta sa dermatologist para mabigyan ka ng atensyong medikal na partikular na kinakailangan mo para sa iyong balat, kung sakaling may skin problem ka. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lisa, Jisoo, and more: Best beauty secrets of Blackpink members https://www.zoomtventertainment.com/korean/article/lisa-jisoo-and-more-best-beauty-secrets-of-blackpink-members/809043 Accessed February 18, 2022

 

Blackpink Skincare Secrets: 12 Best Skincare Products Rose, Jennie, Jisoo and Lisa Use https://www.ibtimes.com/blackpink-skincare-secrets-12-best-skincare-products-rose-jennie-jisoo-lisa-use-3261571 Accessed February 18, 2022

Blackpink shares ther skin care and beauty routine https://verykemi.com/blackpink-skin-care-and-makeup/ Accessed February 18, 2022

Get glass skin like Jisoo by using these K-beauty products!

https://yaay.today/kpop/Get-glass-skin-like-Jisoo-by-using-these-K-beauty-products-20201015-0004.html Accessed February 18, 2022

Blackpink Jisoo Skincare Routine 2022 – How She Maintains a Flawless Complexion https://www.kpopstarz.com/articles/304511/20220204/blackpink-jisoo-skincare-routine-2022-%E2%80%94-maintains-flawless-complexion.htm Accesses February 18, 2022

Kasalukuyang Version

07/11/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement