Ang mga kulugo o warts ay kadalasang may direktang senyales, ngunit ang mga itsura nito ay iba-iba dahil sa iba’t ibang lokasyon at kakapalan ng balat sa area kung saan ito tumutubo. Maaari rin silang magpakita bilang itim na tuldok na mga clotted blood vessels na maaaring humantong sa pagdurugo kapag tinanggal. Ang mga kulugo ay kadalasan ay skin-colored at may pakiramdam na magaspang, ngunit maaari rin silang maging maitim (brown o gray-black), manipis at malambot. Alamin ang iba’t ibang uri ng kulugo, senyales, sanhi, at lunas dito.
Uri Ng Kulugo
Karaniwang Kulugo
Ang mga karaniwang kulugo ay kilala sa terminong medikal bilang verruca vulgaris. Maaari itong lumabas kahit saan sa katawan ngunit kadalasan ay nakikita sa mga siko, daliri, tuhod, knuckles, o kahit saan na may broken skin. Lumalabas ang mga ito na tulad ng cauliflower na firm at magaspang.
Plane Warts
Ang mga plane warts ay isang uri ng kulugo na kilala sa terminong medikal bilang verruca plana, at may katangian na malambot at bilog na itsura. Kadasalan ito ay makikita na marami sa mga paa at kamay at sa mga parte na expose sa araw. Ito ang mga uri ng kulugo na kadalasan ay nawawala rin nang hindi ginagamot.
Plantar Warts
Ang plantar warts ay makikita sa mga contact points ng paa tulad ng mga sakong, daliri, at talampakan. Dahil ang mga ito ay contact points, lumalaki sila sa balat habang tinutulak ng pressure ng bigat. Mahirap itong malunasan dahil sa hard white tissue na nasa palibot ng maliit na itim na tuldok sa gitna. Ang maraming plantar warts sa isang bahagi ay tinatawag na mosaic warts.
Filiform Warts
Ang filiform warts ay isang uri ng kulugo na mahaba at manipis na madalas nakikita sa kilikili, talukap, at leeg.
Genital Warts
Ang genital warts ay napapasa mula sa pakikipagtalik. Nakikita ang uri ng kulugo na ito bilang maliit na bumps sa genital area na flesh-colored. Maaari silang maging flat o matambok, tulad ng cauliflower. Ang ilan ay sobrang liit at mahirap na mapansin.
Ano Ang Sanhi Ng Iba’t Ibang Uri Kulugo?
Ang kulugo ay sanhi ng viruses mula sa mga tao papillomavirus (HPV family). Ang impeksyon ay pipilitin ang katawan na maglabas at mag-overproduce ng uri ng hard protein na nakikita sa ibabaw na layer ng balat na tinatawag na keratin.
Dahil maraming myriad ng viruses sa ilalim ng pamilyang ito, maraming iba’t ibang strains na nagiging sanhi ng iba’t ibang uri ng kulugo. Maaari itong kumalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan o ibang tao sa pamamagitan ng contact tulad ng pakikipagtalik.
Pag-Iwas Sa Kulugo
Upang maiwasan ang pagkalat ng kulugo sa iba pang parte ng katawan, siguraduhing iwasan ang pagkakamot o pagkagat nito. Ang pagkagat o pagsubo ng mga daliri sa kamay kung mayroong kulugo ay kinakailangang iwasan. Kung ang kulugo ay kung saan-saan, at madalas kang nagshe-shave sa mukha o binti, mabuting itigil muna ang pagshe-shave sa ganitong panahon.
Siguraduhing alagaan ang basa o napinsalang balat upang maiwasan ang pagkakaroon ng kulugo lalo na ang mga nagkaroon ng contact sa mga magaspang na balat. Halimbawa, siguraduhing magsuot ng shower shoes sa pampublikong paliguan upang maiwasan ang banta ng impeksyon.
Kailan Dapat Humingi Ng Tulong Sa Doktor?
Maraming mga bagay na dapat bantayan. Humingi ng tulong sa doktor kung naranasan ang mga sumusunod:
- Kung mabilis na nagdugo o nagdudulot ng sakit
- Kung ang kulugo ay nasa bahaging madalas matamaan o magdugo
- Biglaang pagbabago ng itsura o pagbalik matapos mawala ay mga senyales din ng pangamba
Kung ang kulugo ay kumakalat sa katawan o nais mo lang ipatanggal ang kulugo dahil sa itsura nito, maaari ka ring pumunta sa iyong doktor upang ipatanggal.
Iba’t-ibang Gamot sa Kulugo
Bagaman hindi lahat ng kulugo ay kinakailangan ng lunas dahil mawawala rin sila matapos ang 1 hanggang 5 na taon, may ibang mga rason na mag-uudyok sa iyo upang ipagamot.
Salicylic Acid
Ang pinaka-accessible na gamot sa kulugo ay salicylic acid. Ito ay nabibili bilang over-the-counter topical formulation tulad ng creams, gels at maging ang medicated band aids. Gayunpaman, sa mataas na concentration, posible na ang malusog na balat na nasa paligid ng warts ay mapinsala rin. Para maiwasan ito, magpahid ng petroleum jelly sa paligid ng balat. Ang paggawa nito sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan ay makatutulong makatanggal ang warts.
Cryotherapy
Isa sa mga karaniwang lunas ay cryotherapy kung saan ang liquid nitrogen o iba pang freezing substance ay ini-spray sa warts upang mapuksa ang cells at matanggal ang virus na nagiging sanhi nito. Matapos ang freezing, ang area na may sugat ay matutuyo at mamamalat bago natural na matanggal nang tuluyan.
Mahalaga na tandaan na ang ganitong paggamot ay mas mainam na gawin ng mga healthcare professionals dahil nangangailangan ito ng maraming session at local anesthetic depende sa iyong kaso.
Precision Methods
Ang precision methods tulad ng laser at electrocautery ay gumagamit ng tiyak na laser beam at electricity, upang patayin ang virus na nasa cells, at matanggal ang kulugo.
Treatment Na Kemikal
Ang mga kemikal na lunas tulad ng cantharidin at candida antigen shots ay mabibili rin. Ang canthiridin ay mula sa blister beetle, insekto na nagbibigay ng ganitong substance na lumilikha ng blister kapag itinurok sa ilalim ng kulugo. Mula rito ang warts ay umaangat upang tanggalin ng doktor.
Ang candida antigen ay maaaring iturok at maging aktibo ang immune system upang matanggal ang wart. Kapareho nito ang immunotherapy, at ang parehong paraan na ito ay hindi pinapayo sa mga buntis na pasyente.
Operasyon
Ang huling paraan ay operasyon. Ang surgical na pagtanggal ng warts ay hindi karaniwan dahil ito ay maaaring magpeklat. Kapareho ng paraan na ito ang shaving ngunit ang materyal na gagamitin ay razor at isinasagawa ito na may anesthesia. Maaaring gamitin ang topical cream upang maiwasan ang pagkakaroon ng peklat.
Iba Pang Paraan
Ilang mga posibleng lunas ay antibiotics, kung may impeksyon, retinoids upang pigilin ang pagtubo ng warts, bleomycin o benoxane upang puksain ang cells, maaari rin maging ang hinahanap na lunas na photodynamic therapy.
Mahalagang Tandaan
Ang kulugo ay kadalasang hindi sanhi ng pag-aalala. Upang malaman ang uri ng warts na mayroon ka, kumonsulta sa iyong doktor o dermatologist. Makapagbibigay sila ng plano upang magbigay solusyon sa iyong problema.
Alamin ang maraming impormasyon tungkol sa Pangangalaga ng Balat dito.