Ano ang scleroderma at bakit humigit-kumulang 250 sa bawat milyong Amerikano nasa nasa hustong gulang ang apektado nito? Bagama’t kadalasang nabubuo sa pagitan ng edad na 35 at 55, mayroon din nito ang mga bata. Mas karaniwan nga lang ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
Kilala ang scleroderma bilang systemic sclerosis, isang grupo ng mga bihirang sakit na kinabibilangan ng pagtigas at paninikip ng balat. Maaari rin itong magdulot ng mga problema sa mga daluyan ng dugo, panloob na organs at digestive tract. Ang scleroderma ay isang autoimmune connective tissue at rheumatic disease. Ito ay nagdudulot ng pamamaga sa balat at iba pang bahagi ng katawan.
Ano ang scleroderma at ugnayan nito sa immune response
Kapag nililinlang ng immune response ang mga tissue sa pag-iisip na sila ay nasugatan, nagiging sanhi ito ng pamamaga. Pag nangyari ito, gumagawa ng maraming collagen ang katawan at humahantong sa scleroderma. Ang sobrang collagen sa iyong balat at iba pang mga tisyu ay nagiging sanhi ng mga patch ng masikip at matigas na balat. Nagsasangkot ng maraming sistema sa iyong katawan ang scleroderma. Mas mauunawaan mo ang kondisyong ito kapag alam mo kung paano nakakaapekto ito sa bawat isa sa mga system na iyon.
Uri ng scleroderma
Mas maiintidihan mo kung ano ang scleroderma kung alam mo ang mga uri nito. Mayroong ilang iba’t ibang uri ng scleroderma na maaaring mag-iba sa kalubhaan. Ang ilang mga uri ay medyo banayad at sa kalaunan ay maaaring bumuti nang mag-isa, habang ang iba ay maaaring humantong sa malala at nakamamatay na mga problema.
Narito ang dalawang pangunahing uri ng scleroderma:
1. Localized scleroderma
Ito ay nakakaapekto lamang sa balat at sa mga istruktura nang direkta sa ilalim ng balat.
2. Systemic scleroderma o systemic sclerosis
Ito ay nakakaapekto sa maraming sistema sa katawan. Ito ang mas malubhang uri ng scleroderma at maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo at mga panloob na organs tulad ng puso, baga, at bato.
Ano ang scleroderma at ugnayan nito sa collagen
Hindi gaanong alam ng mga eksperto ang sanhi ng scleroderma. Gayunpaman, iniisip ng mga mananaliksik na ito ay dulot ng agarang reaksyon ng immune system. Ito ay nagiging sanhi ng pamamaga at pinsala sa mga selula na nasa linya ng mga daluyan ng dugo. Inuutusan nito ang mga connective tissue cells tulad ng fibroblasts na gumawa ng maraming collagen at iba pang mga protina. Ang fibroblasts ay nabubuhay nang mas mahaba kaysa sa normal, na nagiging sanhi ng pagdami ng collagen sa balat at iba pang mga organs. ito ay humahantong sa mga palatandaan at sintomas ng scleroderma.
Ano ang scleroderma at sino ang nagkakaroon nito?
Hindi lang dapat alamin kung ano ang scleroderma dahil mahalaga ding malaman kung sino ang nagkakaroon nito. Kahit sino ay maaaring makakuha ng scleroderma. Gayunpaman, ang ilang mga grupo ay may mas mataas na panganib na magkaroon nito depende sa sumusunod:
- Kasarian. Ang scleroderma ay mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
- Edad. Karaniwang lumilitaw ang sakit sa pagitan ng edad na 30 at 50 at mas karaniwan sa mga matatanda kaysa sa mga bata.
- Lahi. Ang scleroderma ay maaaring makaapekto sa lahat ngunit maaaring mas seryoso ang epekto sa mga African-Americans.
Mga palatandaan at sintomas
Mga Palatandaan
Kung ikaw ay may scleroderma, mahalagang kumain ng malusog, mag-ehersisyo nang regular at huminto sa paninigarilyo. Kung susundin mo ito, mapapanatili mong kontrolado ang presyon ng iyong dugo at mas mapapabuti ang iyong sirkulasyon. Makakatulong rin ang pagbabasa tungkol sa kondisyon mo at ang pakikipag usap sa ibang tao na apektado din.