backup og meta

Sanhi Ng Rosacea: Alamin Kung Anu-Ano Ito

Sanhi Ng Rosacea: Alamin Kung Anu-Ano Ito

Ang Rosacea ay tumutukoy sa isang pangmatagalang kondisyon ng balat na pangunahing nakakaapekto sa mukha ng pasyente. Ito ay mas laganap sa mga babae kaysa sa mga lalaki, at mas common sa mga kaso ng mga taong may lighter at fairer skin. Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagpapakita ng mas matinding sintomas kapag naapektuhan ng rosacea, kaya dapat maintindihan ang mga sanhi ng rosacea.

Mga Nagti-Trigger Ng Rosacea

Ang mga palatandaan at sanhi ng rosacea ay maiintindihan ng mas maayos sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga nag-trigger ng rosacea.

Sa karamihan ng mga kaso, ang mga unang sign ng rosacea ay ang pamumula sa noo, pisngi, baba, at iba pang bahagi ng mukha. Ito ay lumalabas at bumabalik nang paulit-ulit. Ang pulang kulay ay maaaring mas mahirap obserbahan sa mga pasyente na may mas maitim na kutis.

Habang lumalaki ang rosacea, ang mga sintomas ay nagsisimulang maging mas matindi sa paglipas ng araw, hanggang sa tuluyang lumitaw ang pamumula sa iyong mukha.

Ang aktwal na sanhi ng rosacea ay hindi alam. Maaaring lumitaw dahil sa kumbinasyon ng environmental at hereditary factors ang sanhi ng rosacea. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng rosacea ay hindi nauugnay sa antas ng kalinisan ng isang tao.

Nakalista sa ibaba ang ilang halimbawa ng rosacea trigger na maaaring magdulot ng flare-up:

  • Pagkain ng maanghang na pagkain at/o maiinit na inumin
  • Matitinding temperatura
  • Exposure sa mataas na antas ng hangin o sikat ng araw
  • Vigorous exercise
  • Mga produktong cosmetic
  • Mga inuming nakalalasing 
  • Pisikal na pagpapakita ng mga emosyon, halimbawa galit na facial expression 
  • Mga gamot o medication sa pagpapalawak ng blood vessels

Sintomas Ng Rosacea

Kasama sa Rosacea ang mga sintomas tulad ng:

  • Enlarged nose. Habang nagkakaroon ng rosacea, ang kondisyon ay maaaring humantong sa pagkapal ng balat sa o sa paligid ng ilong, na ginagawa itong tila namamaga o bulbous. Ito ay kilala bilang rhinophyma. Ang ganitong uri ng sintomas ay mas madalas sa mga lalaki kaysa sa mga babae.
  • Eye Irritation at mga katulad na problema. Maraming mga pasyente na may rosacea ang nakakaranas ng mga problema sa mga mata. Karaniwang kasama sa mga sintomas ang pagkatuyo, pamamaga, pangangati, at pamumula. Ang pasyente ay maaaring magkaroon ng blepharitis, namamagang talukap ng mata. Sa ilang mga kaso, ang mga sintomas na nakakaapekto sa mga mata ay lumilitaw bago ang mga sintomas ng balat.
  • Pula at swollen bumps sa mga apektadong lugar. Ang isang key symptom ng rosacea ay ang paglabas ng pula at namamagang mga bukol, na kahawig ng acne.Sa ilang mga kaso, ang mga bukol na ito ay naglalaman ng nana o discharge. Ang skin bumps sa mga apektadong bahagi ay halos palaging nagiging sanhi ng pakiramdam na malambot at napakainit o mainit hawakan.
  • Facial redness. Bukod sa pagkakaroon ng pula at namamagang bukol, ang pangunahing katangian ng rosacea ay ang pamumula ng buong mukha. Ito ay sanhi ng pagdami ng maliliit na daluyan ng dugo sa pisngi, ilong, at iba pang bahagi ng mukha, na nagreresulta sa pamamaga at matinding pamumula ng mukha.

Paggamot Ng Rosacea

Ang isang doktor o dermatologist ay makapagbibigay ng accurate treatment plans at mga pamamaraan na naaayon sa iyong mga pangangailangan. Mayroon ding mga maaaring gawin upang makatulong sa pagkontrol ng mga sintomas at pag-trigger ng rosacea.

Mga Dapat Iwasan:

  • Pag-inom ng mga inuming nakalalasing
  • Pagkain ng maaanghang na pagkain o inumin
  • Pag-inom ng hot drinks
  • Masyadong maraming iniinom na may caffeine
  • Pag-overwork ng iyong sarili
  • Masyadong maraming ehersisyo
  • Pagkain ng keso o heavy dairy products
  • Pagpunta sa mga mainit, mahalumigmig na lugar, o may matinding sikat ng araw

Mga Dapat Gawin:

  • Mag-apply o magsuot ng sunscreen na may mataas na SPF na aprubado ng dermatologist araw-araw bago lumabas
  • Gumawa ng mga aktibong hakbang para ma-manage ang stress level. 
  • Kung naapektuhan ng blepharitis, kumunsulta sa iyong doktor at sundin ang mga iniresetang hakbang sa paglilinis o maintenance.
  • Siguraduhin na ang iyong skincare products ay banayad at hindi nagdudulot ng mga side effect na nakakapinsala sa iyong balat, at sa mga lugar na apektado ng rosacea.
  • Takpan ang iyong mukha kapag ikaw ay nasa malamig na kapaligiran

Key Takeaways

Ang Rosacea ay hindi isang kritikal na kondisyon ng balat, pero nagdudulot ito ng ilang panganib, at maaaring magdala ng frustration para sa mga taong sinusubukang pabutihin o pagaanin ang mga epekto ng mga sintomas nito.
Maaaring alam ng isang pinagkakatiwalaan at kwalipikadong dermatologist kung ano ang pinakamainam para sa iyo. Ang ilang mga preemptive na hakbang ay maaaring makatutulong nang malaki sa pag-manage ng mga pag-trigger at epekto ng rosacea.

Matuto pa tungkol sa Iba pang mga Sakit sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rosacea, https://www.nhs.uk/conditions/rosacea/, Accessed January 14, 2021

Rosacea Resource Center, https://www.aad.org/public/diseases/rosacea, Accessed January 14, 2021

Rosacea, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rosacea/symptoms-causes/syc-20353815, Accessed January 14, 2021

Rosacea: a Clinical Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5134688/, Accessed January 14, 2021

Skin conditions by the numbers, https://www.aad.org/media/stats-numbers, Accessed January 14, 2021

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement