backup og meta

Pigsa Sa Tenga o Tigyawat: Paano Mo Malalaman Kung Ano Ito?

Napapansin mong may bukol na may nana na umuumbok sa iyong tenga. Ito ay masakit at hindi kaaya-ayang tignan. Gayunpaman, hindi mo mawari kung ito ba ay pigsa sa tenga o tigyawat. Alamin ang pagkakaiba ng dalawa sa pagbabasa ng artikulong ito. 

Pigsa Sa Tenga o Tigyawat: Paano Mo Malalaman Kung Ano Ito?

Pagkakaiba Ng Tigyawat At Pigsa

Kadalasang nalilito ang mga tao kung ang nakikita ba nila sa kanilang balat ay ang karaniwang tigyawat o ito ay pigsa na pala. Ito ay marahil nagkakaroon ng bukol at nana ang parehong kondisyon sa balat. At dahil dito, nararapat na balikan natin ang kahulugan ng dalawa. 

Kinikilalang tigyawat ang isang kondisyon kapag mayroong mga maliliit na pagtubo sa ibabaw ng balat. Ang mga ito ay karaniwang sanhi ng baradong o namamagang oil glands, dahilan para mag-iba ang kulay nito. Maaari rin itong buhat ng pimple-causing bacteria sa balat. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang acne ang siyang dahilan ng pagtubo ng mga tigyawat na karaniwang nakikita sa mukha, dibdib, balikat, at itaas na bahagi ng likod. Bagaman hindi pangkaraniwan, maaari ring magkaroon ng tigyawat sa talukap ng mata, puwet, scalp, tenga, kilikili, maging ang external genitals tulad ng penis o labia.

Samantala, ang pigsa naman ay tumutukoy sa masasakit at puno ng nana na mga bukol. Karamihan sa mga ito ay nabubuo dulot ng Staphylococcus aureus. Ito ay isang uri ng bacterium na karaniwang makikita sa balat at sa loob ng ilong. Minsan, nagkakaroon ng mga pigsa sa mga lugar kung saan nabasag ang balat dahil sa isang maliit na pinsala o kagat ng insekto. Dahil sa opening na nagagawa, mas madaling nakapapasok ang bacteria. Karaniwang nakikitang namumuo ang mga pigsa sa mukha, likod ng leeg, kilikili, hita, at puwet. Posible rin namang magkaroon ng pigsa sa tenga. 

Paano Mo Malalaman Kung Ito Ay Tigyawat Sa Tenga o Pigsa Sa Tenga?

Upang magkaroon ng partikular na pagkakakilanlan sa tigyawat sa tenga at pigsa sa tenga, nararapat na malaman mo ang mga distinguishing features ng bawat isa. 

Mayroong iba’t ibang klase ng tigyawat, at dito nakadepende kung ano ang magiging itsura at mga sintomas nito. 

  • Papules: Maliliit na bukol na maaaring mamaga. Masakit at mainit ito kung hahawakan. 
  • Blackheads:  Ito ay tumutukoy sa mga open pores sa balat na naglalaman ng excess oil at dead skin. Katulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, mukha itong may dumi o dark spot sa bukol. 
  • Whiteheads: Kabaligtaran ng blackheads, ito naman ay mga bumps na nanatiling sarado dahil sa oil at dead skin. Puti o parang dilaw ang kulay nito. 
  • Nodules: Ang mga nodules ay bilugan o maaari rin naman hindi karaniwang hugis na malalim sa balat. Katulad ng papules, ang mga ito ay masakit kapag hinawkan. 
  • Pustules:  Ito ay mga tigyawat na puno ng nana na maaaring maihalintulad sa mga whiteheads. Ang pagkakaiba nga lang ng dalawa ay mayroong nakapaligid na discolored rings ang pustules. Maaari itong magdulot ng peklat kung ito ay kinamot o pinisat mo. 
  • Cysts: Ang mga tigyawat na ito ay puno ng makakapal na dilaw o puting likido na binubuo ng mga dead white blood cells, maliliit na tissue at bacteria (pus). Bukod pa rito, maaari ring magdulot ng mga peklat ang mga cysts. 

Karaniwang naikukumpara ang mga pustules o cysts sa mga pigsa sa tenga. 

Mga Karaniwang Sintomas

Ang pigsa ay maaaring magsimula bilang malambot, pinkish-red, at namamaga at makakating spot. Kalaunan, ito ay parang isang punong lobo, o katulad ng nabanggit, parang mga cyst. Lumalala ang pananakit habang napupuno ito ng nana at dead tissues. Ngunit, nababawasan naman ang sakit kapag naubos na ang laman sa loob. 

Ilan sa mga pangunahing sintomas ng pigsa sa tenga ay ang mga sumusunod:

  • Bukol na halos kasing laki ng pea o maaari ring kasing laki ng golf ball
  • Gitna na kulay puti (na nagmumukhang mga pustules)
  • Mabilis na paglaki
  • Kumakalat sa iba pang bahagi ng balat o nagsasama ang iba pang mga pigsa
  • Weeping, oozing, o crusting

Isa pang maaaring pagkakakilan ng pigsa mula sa tigyawat ay ang pagkaramdam ng pagkapagod o parang may sakit at pagkakaroon ng lagnat. Bago pa man lumaki ang pigsa, posible ka ng mangati dahil dito. Mapapansin mo rin na maaaring mamula ang paligid nito. 

Key Takeaways

Hindi naman maitatanggi na may pagkakaparehas ang parehong kondisyon sa balat base sa itsura ng dalawa. Gayunpaman, dapat mong malaman ang pagkakaiba nila upang mabigyan ng mas angkop na paggamot. Kung hindi ka pa rin sigurado kung ano ang mayroon ka, mainam ng kumunsulta at humingi ng payo sa doktor. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047, Accessed August 9, 2022

Pimples, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22468-pimples#:~:text=Pimples%20are%20a%20common%20skin,%2C%20whiteheads%2C%20cysts%20and%20others, Accessed August 9, 2022

Boils and carbuncles, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/boils-and-carbuncles/symptoms-causes/syc-20353770, Accessed August 9, 2022

What is Acne, https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditions-treated-a-to-z/acne, Accessed August 9, 2022

Boils, https://www.nhs.uk/conditions/boils/, Accessed August 9, 2022

Boils, https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/boils, Accessed August 9, 2022

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Karaniwang Gamot Sa Pigsa, Anu-Ano Nga Ba? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas