Ang amoy sa kilikili ay normal. Karaniwan ito kapag pinagpapawisan nang sobra matapos ang pag-work out o pananatili sa ilalim ng araw. Ngunit paano kung palagi kang may amoy sa kilikili? Paano mawala ang body odor? Alamin dito.
Sanhi ng Body Odor
Una, tandaan na ang pagkakaroon ng labis, at malakas na amoy (kilala sa medikal na bromhidrosis) ay maaaring mangyari sa kahit na kanino, sa kahit na anong lahi, edad, o kasarian. Gayunpaman, ito ay mas karaniwan sa mga matatanda dahil ang sweat glands ng mga bata ay hindi aktibo hanggang sa kanilang puberty.
Maaaring mangyari ang bromhidrosis dahil sa hindi maayos na hygiene, namamana na disorders, diet, gamot, o sakit, tulad ng infections o hyperhidrosis (labis na pagpapawis).
[embed-health-tool-bmi]
Sa ibang mga kaso, hindi pansin ng ilang pasyente ang mabahong amoy. Ang partner o magulang ang nagrerekomenda na magtungo sa doktor upang mapatingin ang mabahong amoy.
Paano Mawala ang Body Odor?
Kahit na naniniwala ka na laging mabaho ang amoy ng iyong kilikili, hindi mo dapat matutukoy agad na ikaw ay may bromhidrosis. Maaari mo ring masubukan muna ang self-care tips upang makita kung ang kondisyon ay bumuti.
Nasa ibaba ang ilang tips paano mawala ang body odor o amoy sa kilikili.
1. Gumamit ng antibacterial soap sa pagligo
Ang pagligo ay kailangan at parte ng ating pang-araw-araw na hygiene at pagpapanatili na malinis ang ating katawan. Maraming mga Pilipino ay may ugali na maligo nang dalawang beses kada araw dahil sa mainit na panahon.
Kung ang pagligo araw-araw ay sapat na upang maiwasan ang mabahong amoy ng kilikili, ikonsidera ang paggamit ng antibacterial na sabon. Maaaring masugpo ang bacteria na sanhi ng hindi kanais-nais na amoy ng katawan.
2. Alalahanin ang iyong sinusuot
Paano mawala ang body odor? Sinasabi ng mga eksperto na kailangan mong magsuot ng mga damit na akma sa mga aktibidad.
Sa pang-araw-araw maaaring nais mong manatili sa cotton fabrics na hinahayaan ang iyong balat na huminga. Para sa workout sessions, gumamit ng synthetic fabrics na may kakayahan upang hindi kumapit ang moisture sa balat.
Gayundin, ugaliin na magpalit ng pawis o basang damit kung kinakailangan.
3. Magpalit ng deodorant o antiperspirant
Ang antiperspirant ay nakapagpapabawas ng dami ng pawis na pupunta sa balat sa pamamagitan ng pagbara sa pores. Nakapagtatanggal ang deodorant ng amoy, ngunit hindi ng pawis. Sa pangkalahatan, ito ay gumagana sa kilikili sa pamamagitan ng pagiging mas acidic nito kaya’t less appealing ito sa bacteria.
Kung ang kasalukuyang antiperspirant o deodorant ay hindi na epektibo, maaari mong kausapin ang iyong pharmacist o doktor tungkol sa mas matapang na brand.
4. Irebyu ang diet
Sinasabi ng mga eksperto na kailangan mong tingnan muli ang iyong diet.
Ang mga inuming may caffeine, maanghang na pagkain, at pagkain na may matapang na amoy ay nagpapapawis at nagpo-produce ng matapang na amoy. Kung mahilig ka sa mga pagkaing ito, maaari mong bawasan ito sa iyong diet.
5. Tanggalin ang buhok sa kilikili
Mas maraming buhok sa kilikili na mayroon ka, mas mahaba ang panahon ng pagpapawis at ang tsansa na mag-interact sa bacteria.
Kung hindi ka sigurado tungkol sa akmang paraan ng pagtanggal ng buhok para sa iyo, huwag mag-alinlangan na magtanong sa isang dermatologist.
Kailan Hihingi ng Medikal na Atensyon
Kung wala sa mga self-care tips na ito ang nakatulong, kumonsulta na sa doktor. Lalo na kung ang amoy ay nakaaapekto sa iyong self-esteem. Kailangan ang appointment kung napansin mo na ang pagpapawis mo ay mas labis kaysa sa karaniwan (kahit na wala o may kaunting pagbabago sa mga gawaing pisikal) at ang amoy ay mas malakas kaysa nung una.
Sa pamamagitan ng panayam sa kalusugan, pagsusuri, at maging ang tests, matutukoy ng doktor ang ugat na dahilan ng amoy ng kilikili. Maaaring magrekomenda sila ng mas matapang na deodorant o antiperspirant, permanenteng pagtanggal ng buhok, o medikal/surgical na lunas para sa labis na pagpapawis.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.