Ang mga kalyo, sa pangkalahatan, ay may kaugnayan sa mga corns at sa matigas at nangangapal na bahagi ng balat. Nabubuo ito dahil sa presyon at priksyon. Gusto ng maraming tao na matutuhan kung paano magtanggal ng mga kalyo mula sa kanilang mga paa, kamay, daliri sa paa, na kung saan ay ginagawa na nila.
Para sa mga pasyente na karaniwang malusog, ang mga kalyo ay hindi nangangailangan ng agarang medikal na atensyon, maliban kung ito ay nagdudulot ng pagiging di komportable.
Gayunpaman, ang mga malubhang kaso ay maaaring mangailangan ng interbensyong medikal.
Mga sanhi at palatandaan ng kalyo
Ang kalyo ay nabubuo dahil sa presyon at priksyon na dulot ng pang-araw-araw na gawi tulad ng sumusunod :
Ang paglalakad o pagsusuot ng mga sapatos na walang mga medyas
Maaaring maging sanhi ng pagkikiskisan at pagbuo ng mga kalyo. Maaari ring dulot ito ng mga medyas na hindi angkop o kasya.
Ang pagpili ng mga sapatos na hindi angkop o kasya
Sa pangkalahatan, ang mga sapatos tulad ng mataas na takong at sandalyas na masikip ay maaaring humantong sa kompresyon at nakadaragdag ng presyon, partikular sa iyong mga paa.
Ang masyadong maluwag ding sapatos, ay isa pang dahilan. Habang ang iyong mga paa ay paulit-ulit na nag-slide dahil sa kaluwagan nito, nagkikiskisan din ang iyong paa laban sa sapatos, na sa huli ay nagkakaroon priksyon.
Ang pagtugtog ng mga instrumento tulad ng mga gitara o paggamit ng mga kasangkapan
Ang paulit-ulit na paggamit ng mga instrumento tulad ng mga gitara at kasangkapan ay may epekto sa paglitaw ng mga kalyo sa mga daliri. Ito ay sanhi ng paulit-ulit na presyur sa iyong mga kamay.
Pagsulat
Ang sobrang pagsulat ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga kalyo sa mga puwang ng iyong mga daliri dahil sa priksyon na dulot ng bolpen o lapis.
Kakulangan ng proteksyon ng kamay
Ang pagganap sa mabigat na gawain na kinasasangkutan ng mga kagamitan (tool) ay lumilikha ng priksyon at presyon. Kapag ginagawa ang mga gawaing ito, magsuot ng guwantes o gear.
May iba pang mga kondisyon na hindi tuwirang responsable para sa pagbuo ng mga kalyo
Bunions
Ang bunion ay isang abnormal na umbok sa paa na nabubuo sa joint na malapit sa isang malaking daliri ng paa. Ito ay mabuto (bony) at madaling makita sa sandaling ito ay nabuo.
Depormidad ng paa
Tumutukoy sa iba pang mga depormidad ng paa na responsable sa sanhi ng priksyon o presyon sa mga lugar na pokus nito. Ang mga halimbawa ng naturang mga depormidad ay bone spurs.
Hammertoe
Isang depormidad na kung saan ang iyong mga daliri ay nagiging baluktot o kulot (curl up) tulad ng claws.
Sintomas ng kalyo
Ang pangangailangang malaman kung paano magtanggal ng kalyo ay maaaring lumitaw kapag nakaranas ka ng mga sintomas tulad ng:
- Pagbuo ng makapal at matigas na bahagi ng balat
- Pagiging “tender” o pananakit sa ilalim ng tumigas na balat.
- Ang balat ay nagiging flaky, waxy, at tuyo
- Ang isang matigas at makapal na bukol ay nabuo
- Ang bahagi ng kalyo ay namamaga o masakit