Ang mga nunal ay maliliit na dark spot na karaniwang tumutubo sa balat. Ang paglaki na ito ay nangyayari kapag ang mga pigment cell sa balat ay bumubuo ng isang kumpol sa halip na kumakalat nang pantay-pantay. Karaniwang nagbabago ang nunal sa ating katawan sa paglipas ng panahon. Minsan, may mga pagkakataon na ang mga kapansin-pansing pagbabagong ito ay maaaring mag-trigger ng iyong mga alalahanin. Ang nunal na buhay, kung tawagin natin dito sa Pilipinas, ay kilala bilang mga nunal na kadalasang lumalaki sa paglipas ng panahon.
Kailangan ba nating mag-alala tungkol dito? Alamin Natin.
Ang Pagkakaiba ng Nunal na Buhay at Common Mole
Ang karaniwang nunal o common mole ay karaniwang isang 5-millimeter na bilog o hugis-itlog na tuldok na may makinis na ibabaw at may defined edge. Lumalaki ang mga karaniwang nunal mula sa baywang pataas, sa mga bahagi ng balat na laging bilad sa araw, at bihirang makita sa puwit, suso, at anit.
Ang mga karaniwang nunal ay lumilitaw sa iba’t ibang kulay tulad ng pink, tan, o brown. Ang mga taong may mas matingkad na kulay ng balat ay may posibilidad na magkaroon ng mas maitim na mga nunal kaysa sa mga may maputing balat.
Sa kabilang banda, ang nunal na buhay o atypical mole (dysplastic nevi) ay isang uri ng nunal na medyo mas malaki (6mm) kaysa sa karaniwang nunal. Ang ibabaw nito ay maaaring makinis o pebbly ang texture.
Kung ihahambing sa isang karaniwang nunal, ang isang nunal na buhay o atypical mole ay may irregular borders na blur sa balat at may magkahalong kulay (pinkish-brownish mole). Ang mga nunal na buhay ay madalas na matatagpuan sa mga lugar na palaging nakalantad sa araw, tulad ng likod.
Maaaring tumubo kahit saan sa katawan ang isang nunal na buhay o atypical mole. Kahit na sa mga lugar tulad ng anit, suso, puwit, at iba pang bahagi mula sa baywang pababa.
Ang pinakakaraniwan at nunal na buhay ay benign. Gayunpaman, ang mga atypical moles ay may mas malaking pagkakataon na maging isang uri ng kanser sa balat na kilala bilang malignant melanoma.
Anong Mga Pagbabago ang Dapat Ipag-alala?
Karaniwan, ang nunal na buhay ay nasa 1 sa 10 tao.
Kung bahagi ka ng mga istatistikang ito, inirerekomenda ng mga doktor na regular mong suriin ang iyong nunal. Ito ay upang makita kung may mga pagbabago na maaaring isang warning sign ng melanoma.
Dapat kang mag-alala tungkol sa iyong buhay na nunal kapag:
- Nagbabago ito ng kulay at maaaring lumitaw na may pula, puti, kulay abo, o asul na mga batik.
- Ang nunal ay hindi karaniwang lumiliit o lumalaki.
- Nagbabago ang hugis, texture, at taas nito.
- Ang texture sa ibabaw ng nunal ay nagiging tuyo at nangangaliskis.
- Nagsisimula itong nangangati, dumudugo, o tumutulo.
- May pakiramdam na bukol o nagiging matigas.
Upang matiyak ang iyong kaligtasan, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor para sa pagsusuri sa balat at makita kung ikaw ay nasa panganib na magkaroon ng melanoma. Ang mga doktor, madalas ay dermatologist o isang plastic surgeon, ay magpapa-biopsy sa pamamagitan ng pag-alis ng iyong nunal at susuriin ito upang malaman kung ito ay cancerous.
Kailan dapat alisin ang aking nunal?
Hindi iminumungkahi ng mga doktor na alisin ang buhay na nunal at common moles, dahil karamihan sa mga nunal na ito ay hindi nagiging kanser sa balat. Ang pag-alis ng mga nunal na ito ay hindi rin ginagarantiya na hindi ka magkakaroon ng melanoma sa hinaharap.
Maaaring mabilis na lumaki ang melanoma sa anumang bahagi ng iyong katawan, kahit na ipaalis mo ang iyong mga nunal. Maaari rin itong nasa mga lugar na hindi madalas nasisikatan ng araw. Kaya naman hinihikayat lamang ng mga doktor ang kanilang pasyente na ipaalis ang nunal kung magbabago ito ng kulay, texture, at pangkalahatang hitsura, o kung may lalabas na bagong kulay na balat sa iyong katawan.
Melanoma Warning Signs
Ang ABCDE warning sign ay isang gabay na ginagamit upang matukoy ang mga babala ng melanoma.Tandaan ang mga titik na ito sa susunod na suriin mo ang iyong mga nunal.
A for Asymmetry. Ang hugis ng nunal ay hindi pantay. Halimbawa, ang kabilang bahagi ng nunal ay mas bumpier kaysa sa isa.
B for Border. Ang mga sugat ng melanoma ay may baluktot o hindi regular na mga gilid.
C for Color. Ang kulay ng nunal ay maaaring magmukhang kayumanggi o kayumanggi na may mga spot o patches ng puti, pula, rosas, kulay abo, o asul.
D for Diameter. Ang isang nunal ay maaaring isang melanoma kung ang laki nito ay mas malawak sa 6 na milimetro.
E for Evolving. Ang pinaka-nakababahalang senyales ng melanoma ay kapag nagbago ang nunal sa nakalipas na mga linggo o buwan.
Ito ang factors na maaaring magpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng melanoma:
- Sobrang exposure sa araw
- Humina ang immune system
- Family history ng melanoma
- Pagtangkilik sa indoor tanning tulad ng tanning beds.
- Ang mga taong may buhay na nunal (atypical moles) o mga taong napakaraming nunal sa kanilang katawan.
- Mga taong may fair complexion, blond or red hair, light-colored eyes, at mga may pekas.
- Ang lahi o ethnicities with lighter complexions ay mas malamang na magkaroon ng melanoma. Ito ay kung ikukumpara sa mga tanned o itim na lahi o ethnicities.
- Mga taong dumanas ng kanser sa balat noong nakaraan.
- Ang melanoma ay mas laganap sa mga young adult kaysa sa iba pang uri ng cancer. Kalahati ng mga taong na-diagnose na may melanoma ay edad 50 pataas, at ang kalahati ay mas bata sa 50.
- Mga taong may minanang kondisyon sa kalusugan tulad ng Werner syndrome, pigmentosum, retinoblastoma, at hereditary ovarian at breast cancer.
Maaaring magmukhang normal na nunal ang buhay na nunal, ngunit ang maliit na spot na ito ay maaaring humantong sa melanoma. Ang kaalaman tungkol sa kung ano ang dapat na hitsura ng iyong mga nunal ay magiging isang malaking tulong para sa iyo upang matukoy kung may mga pagbabago na kailangan mong alalahanin. Ang mga nunal ay nag-iiba sa kulay, hugis, at texture. Kaya naman, pinakamahusay na kumunsulta kaagad sa isang medical professional, kapag may mga kapansin-pansing pagbabago sa iyong mga nunal sa nakalipas na ilang linggo o kung may mga bagong paglaki ng nunal sa iyong katawan.