backup og meta

Mabisang Gamot sa Vitiligo: Heto ang Dapat mong Tandaan

Mabisang Gamot sa Vitiligo: Heto ang Dapat mong Tandaan

Ang vitiligo ay bihirang kondisyon sa balat na nangyayari kung ang immune system ay nagsimulang atakihin ang pigment producing skin cells (melanocytes). Bilang resulta, ang mga patch na puti o pink ay makikita sa balat. Ang mga patch na ito ay maaapektuhan ang social esteem ng mga tao dahil sa social beauty standard at sa pressure na makibagay. Bagaman ang kondisyon ay hindi nakahahawa at walang banta sa buhay, mayroong mabisang gamot sa vitiligo na nasa porma ng topical ointment, light therapy at surgery.

Ano ang Sanhi ng Vitiligo?

Hindi pa natutukoy ang tiyak na sanhi ng vitiligo. Gayunpaman, iminungkahi ng mga mananaliksik na ito ay maaaring nagmula sa genetic factors, disorder ng immune system, o skin trauma. Kabilang dito ang labis na pagkasunog o contact sa matapang na kemikal.

mabisang gamot sa vitiligo

Ang pinaka karaniwang uri ng vitiligo ay ang nonsegmental vitiligo, na nasa 80 porsyento ng mga kaso. Dito, mayroong mga symmetrical spots sa parehong side ng balat. Halimbawa, kung mayroon sa pisngi, karaniwan na mayroon ding katulad sa kabilang pisngi.

Ang ganitong uri ng vitiligo ay maaaring may iba’t ibang pattern at nagpapakita sa iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng mga kamay at paa (acrofacial vitiligo), mga labi at daliri (lip-tip vitiligo), o malaking portion ng likod o dibdib (generalized vitiligo). Mayroon ding universal vitiligo (pattern na natatakpan ang higit sa 80 porsyento ng katawan) at inflammatory vitiligo (kung saan makati, na may boarder na pink sa paligid ng puting spot).

Bagaman ang mga doktor ay tinutukoy ang vitiligo na nakikita matapos ang injury sa balat (gasgas, scrape, sunog, sugat) bilang Koebner Phenomenon.

Ang pangalawang uri ay segmental vitiligo, na nakikita sa isang side ng katawan na hindi napupunta sa gitna. Ito ay mas madaling kumakalat kaysa sa nonsegmental vitiligo at nagsisimulang matakpan ang katawan sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon. Ang segmental vitiligo ay hindi masyadong tumutugon sa mga lunas ng vitiligo maliban na lamang kung nagsimula ito nang maaga. Gayunpaman, nagagamot ito sa surgical melanocyte-keratinocyte transplant.

Sintomas at Diagnosis

Maaaring magsimula ang vitiligo sa kahit na anong edad, bagaman kadalasan itong nagpapakita bago dumating sa edad na 30. Ang mga sintomas ng vitiligo ay:

  • Kawalan ng kulay sa loob ng bibig
  • Kawalan ng kulay ng balat na nagsisimula sa patches sa balat mula sa mukha, mga kamay maging sa ari
  • Nagsisimulang maging puti ang mga buhok sa anit o grey kahit na bata pa

Kung nakakitaan mo ng anumang abnormal na discoloration ang iyong balat, bisitahin ang iyong dermatologist para sa mas maraming pagsusuri.

Upang ma-diagnose ang vitiligo, sinusuri ng mga dermatologist ang balat sa pamamagitan ng special lamp at nirerebyu ang history ng pasyente. Kapaki-pakinabang din ang blood test at biopsy sa balat sa pagkumpirma ng diagnosis. 

Mabisang Gamot sa Vitiligo

Walang gamot sa vitiligo; gayunpaman may mga optional na pamamaraan upang mabawasan ang kawalan ng pigment sa balat. Mahalaga na tandaan na ang pagiging mabisa ng gamot ay nakadepende sa tao at ang uri ng vitiligo. Nakaaapekto rin ang laki ng apektadong bahagi sa pagiging matagumpay ng lunas.

Topical na Gamot sa Vitiligo

Corticosteroid Creams. Ang mga cream na ito ay nakababawas ng inflammation. Bilang resulta ang ilang mga kulay ay maaaring bumalik sa puting patches.

Calcineurin Inhibitor Ointments. Ang mga cream tulad ng tacrolimus (Protopic) o pimecrolimus (Elidel) ay maaaring magpabagal ng pagkawala ng pigment sa balat.

Light Treatments para sa Vitiligo

Ultraviolet B Light Treatment. Para sa vitiligo na maliit na bahagi ng balat, ang ultraviolet B light ay maaaring isagawa sa tulong ng handheld device. Gayunpaman, ang mga tao na kailangan ng lunas sa maraming bahagi ng katawan ay maaaring tumayo sa loob ng closet-sized lightbox ng ilang mga minuto habang nakasuot ng goggles. Ang treatment na ito ay karaniwang nangangailangan ng maraming sesyon sa loob ng anim na buwan.

Ultraviolet A Light with Psoralen. Ang Psoralen mula sa halaman ay kemikal na mas nagpapasensitibo sa iyo sa ilaw. Maaari itong ikonsumo nang iniinom o pinapahid kung ang iyong balat ay na-expose sa ultraviolet A light mula sa araw o artificial sources.

Surgical Vitiligo Treatment

Cellular Suspension Transplant. Kukuha ang doktor ng apektadong bahagi ng iyong balat at ilalagay ang pigment cells (melanocytes) sa solution. Ang melanocytes ay ilalagay sa apektadong bahagi upang ang balat ay magkaroon ng bagong melanocytes at magpakita muli ng kulay.

Skin Grafting. Ang pamamaraan na ito ay karaniwan sa mga mayroong maliliit na patches ng vitiligo. Kukuha ang doktor ng maliit na section ng malusog na balat at ilalagay ito sa bahagi ng balat na walang pigment.

Blister Grafting. Maglalagay ang doktor ng paltos sa iyong malusog na balat upang malagay nila ang itaas na bahagi ng paltos sa bahagi ng balat na nawawalan ng kulay. 

Depigmentation. Tumutukoy ang depigmentation sa pagtanggal ng natitirang pigment sa balat. Naiiwan ang puting balat ng tao. Iminumungkahi ito ng dermatologist sa mga taong may universal vitiligo.

Key Takeaways

Ang vitiligo ay kondisyon kung saan ang immune system ay inaatake ang cells na nagpo-produce ng kulay sa balat. Hindi nakahahawa ang vitiligo o may banta sa kalusugan. Maraming mga lunas para sa vitiligo na naglalayon na maiwasan ang pagkawala ng pigmentation.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitiligo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12419-vitiligo, January 14, 2021

Vitiligo, https://medlineplus.gov/vitiligo.html, January 14, 2021

Vitiligo, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/vitiligo-treatment, January 14, 2021

Vitiligo, https://kidshealth.org/en/teens/vitiligo.html, January 14, 2021

Patterns of Vitiligo, https://www.umassmed.edu/vitiligo/blog/blog-posts1/2020/05/patterns-of-vitiligo/, January 14, 2021

Vitiligo, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/vitiligo-a-to-z, January 14, 2021

Kasalukuyang Version

03/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement