backup og meta

Kuntil: Ano ang mga ito, at dapat ba itong ipag-alala?

Kuntil: Ano ang mga ito, at dapat ba itong ipag-alala?

Ang kuntil ay isang flesh-colored growths na lumalabas sa balat. Ito ay komon na makikita sa pagitan ng mga lugar, kung saan ang balat ay nagkukuskusan (skin rubs). Halimbawa, ang leeg, kilikili, singit, hita, talukap ng mata, o ang espasyo sa ilalim ng mga suso o tiyan.

Karaniwang nananatili sa balat ang skin tags at kadalasan, hindi ito nakakapinsala sa tao. Subalit, pwede silang maging dahilan ng pangangati. Kapag ang skin tags ay nagkaroon ng contact sa mga bagay. Tulad ng mga damit, alahas, atbp. Sinasabi na isa itong pangkaraniwang pangyayari sa mga lalaki at babae — lalo na kapag tapos na sila sa edad na 50.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang skin tags. Mga dahilan sa likod nito at paano ginagamot ito? Malalaman din natin ang home remedies na swak sa’yong pangangailangan. Kaya’t ano pang hinihintay? Basahin na ito!

Ano ang kuntil o skin tags?

Ang medical name para sa skin tags ay “acrochordon”. Ito ay malambot at skin-colored growth. Kadalasang matatagpuan ito na nakabitin sa gitna ng mga lugar. Kung saan ang mga balat ay nagkukuskusan (skin rubs). Mapapansin sa skin tags na nakasabit o naka-hang ito. Mula sa ibabaw o surface ng balat sa isang tangkay na may manipis na tissue. 

Mahalagang tandaan na ang acrochordon ay hindi senyales ng kanser sa balat. Hindi rin ito dahilan para humantong sa pagkakaroon ng kanser sa balat ang isang tao. Kung nag-aalala ka tungkol sa isang partikular na skin growth. Kumunsulta sa’yong doktor para sa karagdagang impormasyon.

Ang skin tags ay pwedeng isang genetic condition at tumatakbo sa isang pamilya. Kung ang iyong mga kadugo ay may acrochordon.  Mas mataas ang iyong posibilidad na magkaroon ka nito. Pwede rin na magkaroon ka ng skin tags dahil sa sobrang pagtaas ng timbang. May mga kaso rin, na lumalabas ang skin tags pagkatapos ng pagbubuntis.

Nabubuo ang Acrochordon sa mga lugar tulad ng kilikili, leeg, hita, singit, o ang lugar sa ilalim ng iyong mga suso. Maaari itong mairita kung ito ay madikit sa mga damit, alahas, atbp.

Sinasabi na ang flesh-coloured growths ay painless. Hindi rin ito lumalaki o nagbabago ng hitsura. Mayroong iba’t ibang paraan para maalis ang skin tags sa medikal na paraan. Ngunit, mahalagang maunawaan muna ng isang tao — na ang skin tags ay dapat alisin, sa ilalim ng supervision ng isang doktor para maiwasan ang impeksyon.

Sintomas ng Kuntil

Ang unang sintomas ng skin tags ay ang paglitaw ng isang maliit, malambot, at skin-colored bump. Sa kalaunan ay pwedeng lumaki ito ng 1-2 milimetro — at hindi na hihigit doon. Kung hahawakan o pipindutin mo ito, hindi ka masasaktan.

Gayunpaman, kung sobra mong hahawakan ang iyong skin tags. Pwede itong magdulot ng pangangati at discomfort. Kung susubukan mo namang i-twist ang isang skin tags, maaaring maipon ang dugo sa paglaki, at maging masakit ito kapag inalis.

Ang skin tags ay naka-attach sa ibabaw ng balat ng isang manipis na tissue. Kung saan, kilala bilang isang tangkay (stalk). Madalas na maliit ito sa hitsura at hindi makikita. Maliban na lamang kung magpopokus sa pagtingin dito.

Mga Sanhi ng Kuntil

Sa ngayon, walang malinaw na sagot kung bakit lumilitaw ang skin tags, o kung bakit dumarami ito. 

Subalit, ipinakita ng mga pag-aaral na ang ilang factors ay pwedeng may papel sa pagbuo ng skin tags. Narito ang mga sumusunod:

  • Ang acrochordon ay karaniwang lumalabas sa skin folds o mga lugar kung saan nagkukuskusan ang balat. Sinasabi na ang friction ay isang posibleng dahilan para sa pag-unlad nito.
  • Maraming kababaihan ang nakakakuha ng acrochordon pagkatapos ng pagbubuntis. Ayon sa ilang mga pag-aaral, posibleng ang dahilan nito ay ang hormonal changes na nararanasan ng katawan at pagtaas ng timbang para suportahan ang fetus.
  • Maaari na genetic ang acrochordon. Kung saan, marami sa miyembro ng pamilya ang pwedeng magkaroon ng skin tags, bilang isang predisposed condition.
  • Iminumungkahi rin ng mga pag-aaral na ang acrochordon ay pwedeng isang by-product ng insulin resistance, mataas na BMI, at mataas na triglyceride. Ito ay pwedeng dahil ang mga pasyente na may insulin resistance ay lumalaban din sa glucose — mula sa bloodstream.
  • Ang HPV o human papillomavirus, ay isang impeksyon sa virus na kumakalat sa pamamagitan ng skin to skin contact. Natagpuan na isa ito sa mga dahilan sa likod ng acrochordon.

Mga Risk Factor ng Kuntil

Narito ang mga dahilan upang mas madali kang makakuha ng skin tags:

  • Nagbubuntis
  • Obesity o sobrang timbang
  • Pagkakaroon ng type 2 diabetes o may insulin-resistant
  • Nagkaroon ng human papillomavirus o HPV
  • Mayroong isa o higit pang miyembro ng pamilya na may parehong kondisyon

Kung nagkaroon ka ng skin growth — at hindi ka sigurado kung ano ito. Mahalagang ipakita sa’yong doktor ito. Para makakuha ng mas mahusay na diagnosis. Huwag subukang mag-ahit o magputol ng posibleng skin tags, dahil maaari lamang nitong palalain ang kondisyon.

Diagnosis para sa Kuntil

Ang iyong doktor ay pwedeng makilala o masuri ang skin tags, sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito. Narito ang mga sumusunod na katangian para makilala ang acrochordon:

  • Kulay
  • Texture
  • Kung ang paglaki ng balat ay matigas o malambot

Sapat na ang physical examination para masuri ang acrochordon. Bilang karagdagan, ang iyong doktor ay pwedeng magtanong ng ilang mga katanungan. Tulad ng iyong medical history, genetic predisposition, o suriin ang iyong timbang. Para maunawaan ang pinagbabatayan ng sanhi ng pagbuo ng skin growths.

Kung sa anumang kadahilanan, hindi sigurado ang iyong doktor na skin growth ay skin tags. Maaari silang mag-order ng biopsy upang masuri ito para sa karagdagang pagsusuri.

Paggamot o Treatment

Mayroong iba’t ibang mga paraan para gamutin ang skin tags. Gayunpaman, mahalagang maunawaan na ang acrochordon ay hindi dapat itwi-twist o subukang tanggalin gamit ang isang gunting, o sinulid. Ito ay pwedeng humantong sa labis na pagdurugo, o pagkakaroon ng blood clots na magpapataas lamang ng sakit o pain sa’yo.

Narito ang iba’t ibang paraan ng paggamot sa kuntil:

  • Pag-aalis ng skin tags sa pamamagitan ng operasyon. Kung saan, bibigyan ka ng local anesthesia para mamanhid ang lugar na may skin tags.
  • Paggamit ng cryotherapy upang i-freeze ang paglaki, gamit ang liquid nitrogen.
  • Pag-aplay ng mataas na presyon ng init, o simpleng pagsunog sa skin tags gamit ang elektrikal na enerhiya. Ang prosesong ito ay kilala bilang electrosurgery.
  • Pag-aalis ng skin tags sa paggamit ng surgical thread na pumuputol sa daloy ng dugo nito. Kilala ang prosesong ito bilang ligation.

Ang surgical removal sa ilalim ng supervision ay ang pinakamahusay na paraan para maalis ang skin tags. Kumunsulta sa’yong doktor tungkol sa kung anong paraan ang babagay sa’yo.

Dahil ang skin tags ay benign at painless. Huwag gumamit ng mga pamamaraan batay sa payo mula sa internet para alisin ang mga ito. Maraming home remedies na hindi itinataguyod ng mga dermatologist. Samakatuwid, ang pag-iingat ay dapat gawin.

Lifestyle Changes at Home Remedies

Sinasabi na ang ilang mga pagbabago sa pamumuhay ay pwedeng maging dahilan, para hindi ka maging prone sa skin tags. Gayunpaman, dahil hindi pa rin alam ang pinagmulan nito, hindi pa rin nito ginagarantiya na hindi ka magkakaroon ng skin tags.

Subalit, maraming home remedies na nangangako ng permanenteng pag-aalis ng iyong skin tags. Gayunpaman, walang siyentipikong ebidensya sa likod ng mga ito. Ang ilan sa mga ito ay pwedeng makatulong sa’yo na bawasan ang hitsura ng skin tags.

Narito ang mga sumusunod:

  • Pagpapanatili ng isang malusog na diyeta
  • Regular na pag-eehersisyo
  • Pupunta para sa regular check-up
    • Paggamit ng tea tree oil 
    • Apple cider vinegar
    • Vitamin E
    • Paggamit ng katas ng bawang o garlic juice
    • Paglalagay ng aloe vera
    • Pagpapanatiling kontrolado ang iyong diabetes

Huwag gamitin ang mga home remedy na ito nang hindi kumukunsulta sa’yong dermatologist. Dahil maaari silang magdulot ng matinding pangangati sa ilang mga tao.

Matuto pa tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan ng balat, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin tag: https://medlineplus.gov/ency/imagepages/9902.htm/ Accessed 02/07/2020

Skin Tags and Cysts: When They’re Harmless and When They’re Not: https://health.clevelandclinic.org/skin-tags-and-cysts-when-you-should-worry// Accessed 02/07/2020

Skin Tags (Acrochordon): https://www.drugs.com/health-guide/skin-tags-acrochordon.html/ Accessed 02/07/2020

Skin Tags: Symptoms, Causes, and Treatment Options: https://www.everydayhealth.com/skin-and-beauty/skin-tag-causes-and-treatments.aspx/ Accessed 02/07/2020

Kasalukuyang Version

09/20/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement