backup og meta

Hindi Pinapawisan: Alamin Kung Ano Ang Anhidrosis

Hindi Pinapawisan: Alamin Kung Ano Ang Anhidrosis

Ang anhidrosis ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay hindi pinapawisan. Ito ay maaaring magtunog-kumbinyente sa ilang mga tao ngunit ang anhidrosis ay maaaring maging sanhi ng iba pang komplikasyon. 

Ano ang Pawis? 

Bago natin sagutin kung bakit hindi pinapawisan ang ibang tao, kailangan muna nating ipaliwanag kung ano ang pawis. Ang pagpapawis ay isa sa mga trabaho ng balat o ng integumentary system. Ang pawis ay tubig at asin. Bukod pa sa mga ito, ito ay naglalaman ng mga bakas ng ibang mga kemikal gaya ng lipids, protina, asukal, at ammonia. 

Mabuti ba o Hindi ang Pagpapawis? 

Bagaman ang pawis ay hindi kaaya-ayang bagay na taglayin, mahalagang gampaning pangkatawan pa rin ito. Ito ay isang natural na byproduct ng katawan. Pinabababa ng pawis ang temperatura ng katawan kung ito ay tumataas dahil sa lagnat, ehersisyo, o mainit na panahon. 

Sa pangkalahatan, ang pawis ay nakabubuti bagaman ito ay nagdudulot ng pangangamoy. Ito ay maituturing na “masama” para sa maraming tao dahil sa amoy. Gayunpaman, ang pawis, sa sarili nito ay walang amoy. Ang nagbibigay ng hindi kaaya-ayang amoy ay ang ammonia at mga bacteria sa katawan. 

Ano ang Mangyayari kung Hindi Pinapawisan? 

Gaya ng sa lahat ng bagay, ano mang sobra o kulang ay maaaring makasama. Mayroong dalawang kondisyon na kaugnay sa pagpoprodyus ng pawis. Ang sobrang pagpapawis ay isang di-kaayusang tinatawag na hyperhidrosis. Ang anhidrosis ay ang kabaligtaran ng kondisyong ito. 

Bagaman ang sobrang pagpapawis ay maaaring nagdudulot ng pagkainis at pagkapahiya, ang hindi naman pagpapawis sa katunayan, ay isang kondisyong banta sa buhay ng isang tao. Kung wala ito, hindi maaalis ng katawan ang mga sobrang toxins at mapababa ang tempratura nito. 

Ang pagpapanatili ng normal na temperatura ng katawan ay mahalaga para makapanatiling buhay. Ang mahabang panahon ng pagdanas ng mababang temperatura ay maaaring magdulot ng hypothermia. Habang ang kabaligtaran naman ay ang hyperthermia. Kung ang temperatura ng katawan ay tumaas sa 40°C sa loob ng mahabang panahon, maaaring maganap ang overheating. Ito ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, o heatstroke.

Ano ang dahilan ng Anhidrosis? 

Ang anhidrosis ay kondisyon kung saan hindi pinapawisan ang isang tao. Nangyayari ang kondisyong ito kung ang isang bata ay ipinanganak na walang sweat glands, metabolic disorders, o mga nakuhang dahilan. Ang ibang mga sakit ay maaaring magdulot ng anhidrosis sa pamamagitan ng pagsira sa karaniwang gampanin ng mga sweat glands. 

Ilang mga sakit at kondisyon na maaaring makaapekto sa pagpapawis: 

  • Mga Sakit sa Connective Tissues (halimbawa, Sjögren syndrome)
  • Psoriasis 
  • Atopic Dermatitis 
  • Miliaria (heat rash) 
  • Multiple Sclerosis 
  • Shy-Drager Syndrome 
  • Peripheral Neuropathies 
  • Pagkahantad sa Toxins

Karagdagan pa, ang ilang mga karaniwang medikasyon na maaaring maging bahagi o pangkalahatang sanhi ng anhidrosis bilang side effect ay ang Amlodipine, Atropine, Benztropine, Clonidine, Diltiazem, Felodipine, Hyoscine, Nifedipine, Scopolamine, at Verapamil. 

Ano-ano ang mga Senyales at Sintomas ng Anhidrosis? 

Ang generalized anhidrosis ay nakaaapekto sa malalaking bahagi ng katawan. Ang kawalan ng pagpapawis ay kadalasang nagdudulot ng heat exhaustion, heat intolerance, hindi kakayahang magawa ang mga pisikal na gawain, o pagkahilo. Sa ilang mga kaso, ang anhidrosis ay maaaring gawing manhid ang isang tao sa sakit. 

Ang segmental o focal anhidrosis ay maaaring magdulot ng sobra namang pagpapawis sa ibang bahagi ng katawan. Ito ay bilang pamalit para sa kawalan ng pawis at napataas na build-up ng init. Sa kadahilanang may kakaunting kakayahang magpawis, ang heat exhaustion ay hindi gaanong inaasahang mangyari sa segmental anhidrosis kaysa sa generalized anhidrosis. 

Paano Masusuri ang Anhidrosis? 

Maaaring ideklara ng doktor ang anhidrosis sa isang pasyente sa pamamagitan ng check up at mga pagsusuri sa balat. Matapos ito, isang sample ng balat ang maaaring kunin at suriin sa ilalim ng microscope upang malaman kung may problema ang mga sweat glands. Gayunpaman, kung ang dahilan ay dulot ng isang medikasyon, maaaring itigil ang pag-inom nito o gumamit ng alternatibo. 

Para makilala ang anhidrosis, ang iyong doktor ay maaaring mag-request para sa isang thermoregulatory sweat test. Una, ang isang espesyalisadong pulbura ang ikakalat sa balat. Sunod, ang pasyente ay uupo sa isang mainit na silid o bulwagan hanggang sa magsimula siyang magpawis. Kalaunan, ang mga bahagi ng balat na nakalikha ng pawis ay magiging kulay lila habang ang mga bahagi na walang pawis ay magiging kulay dilaw. 

Ang maalinsangan at mainit na kapaligiran ay maaaring makapag-block ng mga sweat glands, na nagbubunga ng kondisyong tinatawag na miliaria. Ito rin ay kilala bilang heat rash o prickly heat. Ang heat rash ay mukhang maliliit na mga vesicles (kapareho ng mga tigyawat o whiteheads). 

Ano ang Lunas para sa Anhidrosis? 

Hindi gaya ng hyperhidrosis o labis na pagpapawis, ang anhidrosis ay may limitadong opsyon ng panggagamot. Sa kadahilanang ang overheating ay ang pinakadelikadong komplikasyon, ang mga pasyenteng may anhidrosis ay dapat na umiwas sa mainit at maalinsangang kapaligiran. Pinakamahalaga, ang pananatiling hydrated at pagiging nasa isang air-conditioned na silid ay makatutulong para makontrol ang temperatura ng iyong katawan. Karagdagan pa, ang pananamit ay dapat na magaan at breathable para maiwasan ang pananatili ng init. Sa huli, ang paggamit ng spray bottle o pag-inom ng malalamig na inuming walang caffeine ay makapagpapababa ng temperatura ng iyong katawan.

hindi pinapawisan

Sa kabutihang-palad, ang mga maliliit na bahagi ng anhidrosis ay maaaring hindi na mangailangan ng panggagamot. Gayunpaman, ang mga malalawak na bahagi ay maaaring maging mapanganib. Sa oras na ito, wala nang gamot o operasyon na maaaring makapagpagaling dito. Ang pagtutuon sa mga tunay na dahilan ay maaaring makapagpagaling sa anhidrosis sa maraming mga kaso. 

Gayundin, ang anhidrosis na dulot ng heat rash ay hindi na nangangailangan ng panggagamot. Kadalasan, ang heat rash o prickly heat ay gumagaling sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Kung sa palagay mo ay maaaring mayroon kang miliaria o anhidrosis, makipag-ugnayan sa iyong doktor o dermatologist para sa isang konsultasyon. 

Sa kabuoan, ang anhidrosis ay ang hindi kakayahan na magpawis. Sa kasalukuyan, walang gamot o medikasyon na maaaring gamitin para epektibong magamot ito. Kung naitatanong mong, “Bakit kaya hindi na ako pinagpapawisan?,” o naiinitan maging matapos ang isang magaang gawain, kailangan mo na ng medikal na atensyon. 

Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fitzpatrick’s Dermatology (9th ed.), chapter 81, Accessed November 18, 2020

Anatomy, Skin Sweat Glands https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482278/ Accessed November 18, 2020

Diseases and conditions: anhidrosis https://www.nchmd.org/education/mayo-health-library/details/CON-20033498 Accessed November 18, 2020

Anhidrosis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anhidrosis/diagnosis-treatment/drc-20369404 Accessed November 18, 2020

Anhidrosis https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK555988/ Accessed November 18, 2020

Drugs/medications known to cause anhidrosis https://www.sweathelp.org/pdf/Anhidrosis.pdf Accessed November 19, 2020Heat rash https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heat-rash/symptoms-causes/syc-20373276 Accessed November 20, 2020

Kasalukuyang Version

04/26/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement