backup og meta

Fungus sa Mukha: Bakit Ito Nangyayari at Paano Ito Malulunasan

Fungus sa Mukha: Bakit Ito Nangyayari at Paano Ito Malulunasan

Ang yeast ay isang uri ng fungus na namumuhay sa balat. Ang iyong digestive system ay tirahan din sa yeast. Karagdagan, kung ikaw ay babae, matatagpuan din ang yeast sa bahagi ng iyong puke. Nagiging sanhi ng infection ang yeast kung sobra ang lumago sa iyong balat o iba pang bahagi. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ikaw ay may fungus sa mukha?

Ang candidiasis ay kilala rin bilang yeast infections, ito ay nakaaapekto sa balat na naka-contact ng balat na mayroon nito. Maaari mong makita ang infection sa iyong kilikili, sa ilalim ng iyong suso, sa leeg, sa tiyan, o maging sa bahagi ng singit. Gayunpaman, ang fungus sa mukha ay posible rin.

Bagaman ang ilang rashes at blemishes sa iyong mukha ay maaaring mula sa hormones, minsan sila ay sanhi ng yeast infection.

Ang mga taong gumagamit ng antibiotics ay may banta na magkaroon ng oral thrush, isang yeast infection na naaapektuhan ang lining ng bibig at minsan ay ang corner nito (angular cheilitis). Kung ito ay nangyayari sa matatanda, ito rin at senyales na sila ay may HIV o ibang isyu sa kanilang immune system.

Sintomas

Ang mga sintomas ng fungus sa mukha ay:

  • Rashes
  • Tigyawat
  • Pangangati o mahapding pakiramdam
  • Fluid-oozing patches

Ang mga sintomas ng yeast infection sa bibig at lalamunan ay:

  • Puting patches sa loob ng mga pisngi, dila, itaas na bibig, at sa lalamunan
  • Pamumula at hapdi
  • Masakit kung ngumunguya o kumakain
  • Pamumula at cracking sa paligid ng bibig
  • Tulad ng pakiramdam na cotton sa bibig
  • Pagkawala ng panlasa

Mga Sanhi

Normal na pumoprotekta ng katawan ang immune system mula sa mapaminsalang organisms, tulad ng viruses, bacteria, at fungi. Ito rin ay nagpapanatili ng balanse ng microbes. Kung humina ang immune system, mabilis na dumarami ang candida fungus, na sanhi ng fungus sa mukha at bibig.

Mga Banta

Ang fungus sa mukha ay iniuugnay sa mga sumusunod na banta:

  • Infancy o pagtanda
  • Mga pasyente na may kasalukuyang malalang karamdaman, tulad ng cancer, primary immunodeficiency, o HIV
  • Ibang mga parte na may yeast infection

Ang mga bagong silang ay may banta rin ng yeast infection sa vaginal lining ng kanilang nanay.

Iniuugnay rin ang oral candida infections sa mga sumusunod na banta:

  • Paninigarilyo
  • Injury sa bibig
  • Broad-spectrum na antibiotics
  • Paggamit ng gamot na nakakapag-dry ng bibig, tulad ng antihistamines at diuretics
  • Paggamit ng dental appliances tulad ng dentures lalo na kung hindi akma at hindi na-sanitize o nalinis nang maayos
  • Kakulangan sa nutrisyon
  • Mga pasyente na may asthma na gumagamit ng corticosteroids, tulad ng beclometasone, budesonide, at fluticasone

Komplikasyon

Ang fungus sa mukha at bibig ay maaaring mas malala sa mga tao na mahina ang immune systems, tulad ng mga naggagamot sa cancer o HIV/AIDS.

Kung hinayaang hindi nagamot, maaaring lumala ang oral thrush sa mas serysong kaso ng systemic candida infection.

Ang hindi nagamot na fungus sa mukha ay maaaring kumalat sa buong katawan. Partikular na sa oral thrush, ang sakit ay maaaring magtungo sa esophagus.

Lunas

Ang pinaka mainam na lunas at pag-iwas para sa fungus sa mukha at bibig ay ang pangkalahatang kalusugan at good hygiene.

Ang lunas para sa fungus sa mukha ay ang antifungal na gamot. Maaaring magreseta ang doktor ng ointment o cream para sa iyo. Ang ilang creams ay mabibili bilang over the counter na gamot. Maaaring kailangan ng oral antifungal na gamot para sa malalang candida infections.

Karaniwang ginagamit ang antifungal na gamot upang lunasan ang fungus sa bibig, lalamunan, o esophagus. Ang mild hanggang moderate na infections sa bibig at lalamunan ay karaniwang ginagamot ng antifungal na nilalagay sa loob ng pito hanggang labing-apat na araw.

Pag-iwas

Ang fungus sa mukha ay maiiwasan sa pamamagitan ng:

  • Pananatiling malinis ang balat
  • Paglimita sa pagkain ng mga pagkaing naglalaman ng sugar
  • Pagpapanatili ng lebel ng blood sugar na kontrolado
  • Ang pagkuha ng lunas para sa yeast infection sa ibang parte ng katawan ay posible

Upang maiwasan ang yeast infection sa bibig:

  • Siguraduhin na magsipilyo o linisin ang bibig ng tubig matapos gumamit ng corticosteroid inhaler.
  • Isagawa ang maayos na dental hygiene kabilang na ang pagsisipilyo dalawang beses kada araw at pag-floss isang beses kada araw.
  • Siguraduhin na ang iyong mga dentures ay nasa maayos na kondisyon. Tanggalin ito tuwing gabi. Kailangan na mag-fit ang dentures at hindi makaiirita sa bibig. Hugasan ito araw-araw. Konsultahin ang iyong dentista para sa pinaka mainam na paraan ng paglilinis ng partikular na uri ng denture.
  • Magtakda ng regular na appointment sa iyong dentista, lalo na kung ikaw ay gumagamit ng dentures o may diabetes.

Key Takeaways

Ang fungus sa mukha at bibig ay sanhi ng sobrang dami ng tiyak na microbe na karaniwang namumuhay sa katawan. Ang mga sintomas ng yeast infection ay kabilang ang rashes na may mahapdi at makating pakiramdam. Kung ang infection na ito ay nangyari sa bibig, maaaring mawala ang iyong panlasa at mahirapan sa pagkain o pagnguya.
Sa kabutihang palad, ang yeast infection ay nagagamot at naiiwasan. Upang magamot ang yeast infection, kailangan na gumamit ng antifungal na gamot. Maaari mong maiwasan ang yeast infection sa pamamagitan ng pagsasagawa ng good hygiene at pananatiling malusog.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Yeast Infection, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/candidiasis-yeast-infection, Accessed October 20, 2021

Yeast Skin Infection, https://www.uofmhealth.org/health-library/abr7621, Accessed October 20, 2021

Candida infection of the skin, https://medlineplus.gov/ency/article/000880.htm, Accessed October 20, 2021

Candidiasis in Children, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P01888, Accessed October 20, 2021

Candida infections of the mouth, throat, and esophagus, https://www.cdc.gov/fungal/diseases/candidiasis/thrush/index.html, Accessed October 20, 2021

Yeast Infection—Skin, https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=924384, Accessed October 20, 2021

Oral candidiasis, https://dermnetnz.org/topics/oral-candidiasis, Accessed October 20, 2021

Oral thrush, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oral-thrush/symptoms-causes/syc-20353533, Accessed October 20, 2021

Candida infections of the mouth, throat, and esophagus, https://www.cdc.gov/fungal/diseases/candidiasis/thrush/index.html, Accessed October 20, 2021

Thrush, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10956-thrush, Accessed October 20, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement