Kapag may naramdaman tayong kulani at bukol o cyst sa ating katawan, maaari tayong mag-panic agad. Ito ay lalong nakakaalarma kung hindi natin alam kung ano ang sanhi nito at kung hindi tayo nakaranas ng anumang pisikal na sakit sa partikular na bahagi ng katawan. Halimbawa, kung nagkakaroon ka ng bukol sa leeg, gusto mong malaman kung ito ay bukol o cyst, kulani, o tumor. Narito kung paano malalaman ang pagkakaiba ng mga ito..
Ito ba ay isang Kulani?
Sabihin nating mayroon kang hindi gaanong normal na sipon at kapag hinawakan mo ang iyong leeg o tumingin sa ilalim ng iyong braso, napansin mo ang ilang kulani o bukol. Dahil ang bukol na ito ay wala naman noon, nag-aalala ka kung bakit naroroon ito ngayon.
Malaking posibilidad na ito ay namamagang (swollen) lymph node o kulani ang tawag ng mga Pilipino rito.
Ayon sa mga doktor, hindi masamang magkakaroon ng namamagang (swollen) lymph node o kulani. Sa katunayan, sinasabi nila na ito ay isang magandang indikasyon na ginagawa ng ating katawan ang trabaho nito lumaban sa impeksyon. Ang mga kulani ay mahahanap sa iba’t ibang bahagi ng katawan at parte ng ating immune system.
Mga karaniwang dahilan ng Kulani
Ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit ang isang tao ay may kulani dahil mayroon silang isang umiiral na impeksiyon. Karaniwan, ang lugar na kung saan namamaga ang lymph node ay nagbibigay ng bakas kung nasaan marahil ang impeksiyon. Habang gumagaling ka na, ang namamagang lymph node ay nawawala. Sa loob ng ilang linggo, asahan na ito ay mawawala nang ganap.
Iba pang mga impeksiyon na maaaring maging sanhi ng pamamaga ng lymph nodes ay:
- Sipon at trangkaso
- mga sugat sa balat
- strep throat
- tuberculosis
- mga impeksyon sa ngipin o mga cavities
- at iba pa
[embed-health-tool-bmi]
Paano malalaman kung ang Bukol ay isang Kulani?
Ang isang kulani ay kadalasang malambot at maaaring medyo masakit kapag pinindot. Maaari mong salatin (i-prod) ang mga ito gamit ang iyong mga daliri. Maaring maramdaman mo siya na parang “maliliit na sago-sago”.
Isang bagay para maaring malaman kung ito ay bukol o kulani, ay kung nag iiba ang laki nito. Ang mga kulani maaring mawala o lumiit pag paggaling na ang isang tao mula sa kanilang impeksyon. Ang mga bukol, maaring lumaki pa, o mag-iba ang texture. Kinakailangang obserbahin at bantayan ang mga bagong bukol na nakakapa sa katawan.
[embed-health-tool-ovulation]
Bagama’t mayroon kang mga lymph node sa buong katawan mo at maaaring hindi mo maramdaman ang lahat ng ito, ang pinaka karaniwang mga lokasyon kung saan maaari mong suriin ang mga ito sa:
- likod ng mga tainga, medyo sa ilalim ng jawline
- gilid ng dibdib at suso
- sa may kilikili
- likod ng leeg, kaya may nararamdaman kang “bukol sa leeg”
- groin area o “singit”
Kailan kailangang kumonsulta ang isang doktor
Sa maraming kaso, hindi mo kailangang makita ang isang doktor para sa isang kulani, ngunit maaaring kailangan mo ng medikal na atensyon para sa impeksiyon na nagiging sanhi nito. Ngunit, humingi ng medikal na tulong kung ang pamamaga (swollen) lymph nodes ay:
- Mas malaki sa 1 pulgada ang diyametro
- Natatakpan ng pula at namamagang balat
- Mabilis na lumaki, nasa isang lugar lamang, mahirap hawakan, at napakasakit
- Matatagpuan malapit sa collarbone o sa ibabang bahagi ng iyong leeg – dahil maaaring nagpapahiwatig ito sa kanser
- Draining; ibig sabihin nag pproduce ito ng nana
At panghuli, humingi ng medikal na tulong kung kasama ng pagkakaroon ng kulani, ay nakararanas ka rin ng mga sintomas tulad ng:
- Pagbaba ng timbang
- Pagod
- Hirap sa paghinga
- Pagpapawis sa gabi
- Pagtatagal ng lagnat
Binibigyang-diin ng mga doktor na ang pamamaga (swollen) na mga lymph node ay hindi nakamamatay. Gayunpaman, maaari silang magpahiwatig ng mas malubhang mga kondisyon.
Ito ba ay isang bukol o cyst?
Bukol o cysts ay \”capsules\” o \”sacs\” na anyo sa balat o sa loob ng katawan. Iyan ang dahilan kung bakit ang ilang mga cysts ay nagpapakita bilang bukol na maaaring makita at masalat, habang ang iba ay hindi nakikita.
Ang mga doktor ay nagpapaliwanag na ang mga bukol o cyst ay hindi solid. Ito ay puno ng mga likido at iba pang mga semisolid na materyal.
Ang karaniwang mga sanhi ng cyst
Ang nakakapagdudulot ng interes, ang karamihan sa mga bukol o cyst ay nangyari nang walang maliwanag na dahilan. Gayunpaman, ang ilan sa mga kilalang dahilan ay:
- ang pagkakaroon ng isang parasite
- Ang isang pisikal na sakit o pinsala na “nagpa-pop” sa isang daluyan ng dugo
- Mga depekto sa selula
- fluid buildup dahil sa mga blockage sa ducts
Kung paano sabihin kung ang bukol ay isang cyst
Karaniwan, ang isang cyst ay nararamdaman tulad ng isang maliit na bukol sa ilalim ng balat at kapag pinindot mo ang mga ito, ito ay makinis at maaaring gumulong o lumipat ng kaunti. Habang karaniwan ay benign, maaari silang maging sanhi ng iba pang mga sintomas depende sa kung saan ito matatagpuan.
Ang mga tao ay madalas na nakakakita o nakakaramdam ng mga cyst sa mga sumusunod na lugar:
Balat
Ang mga karaniwang lokasyon ng mga cyst ay sa balat na nasa anit, likod ng leeg, o itaas na likod. Ang mga cyst sa balat ay karaniwang mukhang makinis at kakulay ng laman o maputi-dilaw.
Pulso
Ang isang cyst o bukol sa pulso ay maaaring biglang lumaki at maaari pang maging sanhi ng paghina ng paghawak (grip) ng pasyente.
Tuhod
Kapag tinupi mo ang iyong tuhod ay nararamdaman ang isang cyst na parang pinakuluang itlog, Tinatawag ng mga doktor ito bilang Baker’s cyst. Dahil sa mga cyst sa tuhod, ang iyong mga kasukasuan ay maaaring makaramdam ng pamamaga o pagiging masikip.
Suso
Bagama’t hindi ka makakita ng cyst sa iyong suso, maaari mong maramdaman o masuri ito kapag nagsasagawa ka ng breast self-exam. Ang isang cyst o bukol sa dibdib ay kadalasang nararamdaman na malambot at maaaring magbago sa laki at may sensitibidad ito, depende sa yugto ng menstrual cycle. TANDAAN Kung nakakaramdam ka ng bukol sa iyong suso, kumonsulta kaagad sa iyong doktor para sa pagsusuri.
Obaryo
Hindi mo mararamdaman ang isang cyst o bukol sa obaryo, ngunit malamang na magkakaroon ka ng mga sintomas tulad ng hindi regular na regla at mild na spotting. Higit pa rito, kung pumutok ang cyst, maaari kang makaramdam ng biglaan, matinding pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan. Kung naranasan mo ito, humingi kaagad ng tulong medikal.
Kailan Magpatingin sa Doktor
Ayon sa mga ulat, maraming uri ng mga cyst na tumutubo sa pulso at obaryo ang kusang nawawala. Ang iba, sa kabilang banda, ay kailangang ma-drain o gamutin, lalo na kung sila ay nagdudulot ng mga sintomas.
Ang pangkalahatang tuntunin ay kung nakakaramdam ka ng kakaibang pamamaga o bukol sa iyong katawan, dapat kang kumonsulta sa doktor at ipasuri ang mga ito. Sa pagsusuri at nakita ng mga doktor na solid ang cyst, maaaring kailanganin mo ng karagdagang pagsusuri dahil maaaring tumor ito, hindi tulad ng mga cyst na puno ng likido, ang mga tumor ay matigas na masses, ibig sabihin ay matatag at solid ang mga ito. Bukod pa rito, hindi mo madaling ilipat ang mga tumor gaya ng magagawa mo sa mga cyst.
Magagawang sabihin ng mga doktor kung ang tumor ay benign o malignant sa pamamagitan ng biopsy. Ang ideya ay ang pagkuha ng sample ng tissue mula sa bukol o cyst at susuriin kung ito ay kanser.
Pangunahing Konklusyon
Kapag nagkakaroon ng mga kulani o bukol kahit saang parte ng katawan, normal na mag-alala. Ang pinakamainam na gawin ay makipagkita sa isang doktor. Kung ito ay kulani lamang o namamaga (swollen) lymph nodes, dahil mainam na malaman kung ano ang sanhi ng kondisyong ito. Kung cyst, ang iyong doktor ay magsasabi sa iyo kung kailangan mo o hindi ang karagdagang medikal na paggamot.
Matuto nang higit pa tungkol sa kalusugan ng balat dito.