backup og meta

Halamang gamot para sa kati, anu-ano ito? Alamin dito!

Halamang gamot para sa kati, anu-ano ito? Alamin dito!

Mahirap i-achieve ang flawless skin kapag mayroon kang makating balat — at sa tulong ng social media. Madali kang makakahanap ng mga halamang gamot para sa kati! Ang paggamit ng halamang gamot ay nagbibigay daan sa katuparan ng pagkakaroon ng malusog na balat. Pwede rin itong makatulong sa paglutas ng problema sa pangangati ng iyong balat.

At sa artikulong ito, malalaman mo ang mga halamang gamot na sasagot sa’yong skin problem. Kaya’t ano pa ang hinihintay mo? Tara na at magbasa! 

Ano ang madalas na itsura ng balat na nangangati?

Kadalasan ang kati sa balat ay nasa anyo ng mga pantal at namumulang balat. Maaaring maranasan ang pangangati sa anumang bahagi ng katawan.

Bakit nakakaranas ng pangangati?

Kahit anong kasarian at edad ay pwedeng makaranas ng pangangati ng balat. Gayunpaman, maraming dahilan ng pangangati. Narito ang mga sumusunod na dahilan ng kati:

Panahon o Weather

Ang pagbabago ng panahon ay maaaring maging dahilan ng kati at pangangati ng balat. Madalas itong nagaganap, habang ang panahon ay nasa transisyon o lumilipat sa taglamig. Kung saan, ang mainit, humid na hangin ng tag-araw ay nagbibigay daan para sa malamig at tuyo nang hangin. Ito ang nagiging dahilan ng pagkatuyo ng balat at pangangati kung minsan. Subalit, hindi ito applicable sa lahat ng tao dahil magkakaiba ng skin type ang bawat indibidwal.

Eczema at Iba pang kondisyon sa balat at allergies

May mga pagkakataon din na ang dahilan ng kati sa balat ay ang “eczema” at “psoriasis”. Ang mga ito ay mga skin condition na pwedeng magdulot ng pamumula at pangangati sa balat.

Sabon

Isa pa sa maaaring dahilan ng pangangati ang sabon. Mayroon kasing mga pagkakataon na ang antibacterial components o fragrances ay nakakairita sa’yong balat.

Kagat ng insekto

Pwede itong maging sanhi ng kati o pangangati, dahil sa dalang mikrobyo, dumi, at bakterya ng mga insekto.

Sino ang madalas makaranas ng pangangati?

Batay sa National Eczema Association (NEA), madalas nakakaranas ng kati ay ang mga sumusunod:

  • Taong stress
  • Indibidwal na may allergy at kondisyon sa balat
  • Mga taong may difficulty sa pagtulog at nagiging depress at balisa
  • Isang tao na mahilig magkamot ng balat. Dahilan para magkaroon ng scratch at kati

Sa panahon ngayon, madali na solusyunan ang problema sa pangangati gamit ang mga halamang gamot. Narito ang mga sumusunod na pwede mong gamitin sa kati ng iyong balat:

Halamang gamot para sa kati: Peppermint oil

Ayon sa pag-aaral na nailathala sa National Library of Medicine, ang peppermint oil ay epektibong paggamot sa makating balat ng buntis na babae.

Ang menthol na nilalaman ng peppermint oil ay makikita sa mga halaman ng pamilya ng mint. Mayroon itong cooling effect na mabisa sa pagpapagaan ng kati at pangangati.

Halamang gamot para sa kati: Aloe Vera

Ang aloe vera ay ginagamit sa maraming natural healing preparations dahil sa medicinal at anti-inflammatory properties nito. Nagbibigay ito ng soothing relief, na epektibo para mapagaan ang pangangati ng balat.

Halamang gamot para sa kati: Tulsi (Holy Basil)

Nagtataglay ng medicinal properties ang tulsi, at kilala ito sa India. Dagdag pa rito, may antimicrobial properties ito na epektibo para protektahan ang balat. Habang ang anti-inflammatory properties nito ay tumutulong sa pagbawas ng pamamaga at pangangati.

Halamang gamot para sa kati: Neem

Sikat sa India ang Neem bilang halamang gamot na nagtataglay ng medicinal properties. Sinasabi rin na ang halamang gamot na ito ay natural antihistamine na ginagamit bilang home remedies sa skin allergies.

Iba pang maaaring gawin sa makating balat bukod sa paggamit ng halamang gamot para sa kati

Bukod sa mga halamang gamot na pwedeng gamitin sa makating balat. Maraming home remedy ang maaaring gamitin para pagaanin ang nararamdaman na kati. Narito ang mga sumusunod:

  • Pag-aplay ng ice pack o wet cloth sa makating bahagi ng balat. Gawin ito sa loob ng 5-10 minuto. Makakatulong ito na mabawasan ang pamamaga at pangangati.
  • Paglalagay ng moisturizing creams at lotions sa refrigerator. Para masigurado ang cooling effect nito kapag nilagay na sa balat.
  • Pwede ring gumamit ng colloidal oatmeal upang bawasan ang skin irritation. Nagtataglay kasi ito ng antioxidant at anti-inflammatory properties.
  • Maaari ring pag-aplay ng baking soda sa balat na makati. Dahil may antifungal properties ito na epektibo sa fungal skin condition na sanhi ng pangangati.
  • Pag-iwas sa mga irritant.
  • Pagligo ng maligamgam na tubig.
  • Pagtsek ng nilalaman ng skincare products bago gamitin. Para maiwasan ang anumang iritasyon ng balat
  • Pagsusuot ng mga damit na komportable at hindi makati sa balat
  • Pag-iwas sa stress

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?

Bagamat na madaling gamutin ang kati ng balat. Pinapayuhan pa rin ang bawat indibidwal na magpakonsulta sa doktor sa oras na maranasan ang mga sumusunod:

  • Pangangati na higit sa 2 linggo at nagkakaroon ng flares up sa regular basis
  • Pagkakaroon ng pangangati na may kasamang hindi pangkaraniwang rashes, bukol at pamamaga
  • Senyales ng impeksyon, tulad ng pamamaga at sores
  • Pangangati sa buong katawan

Key Takeaways

Ang kati o pangangati sa balat ay madaling masolusyunan sa tulong na rin ng mga halamang gamot at home remedies. Subalit, may mga pagkakataon na ang pangangati ay manifestation ng mas malalang health conditions na dapat tugunan. Kaya mainam na magpatingin sa doktor sa oras na maranasan ang mga nabanggit na severe symptoms.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Home Remedies: What Can Relieve Itchy Eczema? https://www.aad.org/public/diseases/eczema/childhood/itch-relief/home-remedies Accessed May 5, 2022

Anti-inflammatory activities of colloidal oatmeal (Avena sativa) contribute to the effectiveness of oats in treatment of itch associated with dry, irritated skin https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25607907/ Accessed May, 5, 2022

The antimicrobial effect of acetic acid- An alternative to common local antiseptics https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0305417908003616 Accessed May 5, 2022

Home Remedies for Itchy Skin https://health.clevelandclinic.org/home-remedies-for-itchy-skin/ Accessed May 5, 2022

The Effect of Peppermint Oil on Symptomatic Treatment of Pruritus in Pregnant Women https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3813175/ Accessed May 5, 2022

Wet Wrap Therapy https://nationaleczema.org/eczema/treatment/wet-wrap-therapy/ Accessed May 5, 2022

Itchy skin https://www.nhs.uk/conditions/itchy-skin/ Accessed May 5, 2022

How To Relieve Itchy Skin https://www.aad.org/public/everyday-care/itchy-skin/itch-relief/relieve-itchy-skin Accessed May 5, 2022

Integrative Approaches to Care https://www.psoriasis.org/integrative-approaches-to-care/ Accessed May 5, 2022

Eczema and Bathing https://nationaleczema.org/eczema/treatment/bathing/ Accessed May 5, 2022

Kasalukuyang Version

07/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement