backup og meta

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Karaniwang isyu ng tao sa balat ang paltos sa paa. Kaya ang kadalasan na tanong: Puputukin ko ba ito? O hahayaan ko na lang mawala ito ng kusa? Maaaring nakakalito ang sitwasyon na ito at magdulot ng discomfort sa’yo. Ngunit, mahalaga pa ring itanong, “kung ano ang ibig sabihin ng maliliit na paltos ng tubig sa mga paa?” 

Basahin ang artikulong ito, para malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito.

Paglalarawan sa Dyshidrosis

Tumutukoy ito sa kondisyon ng balat na nagdudulot ng maliliit na paltos ng tubig sa paa, palad ng kamay, at gilid ng mga daliri. Ang mga paltos na ito ay karaniwan sa paa. Dahil sa friction nito mula sa hindi angkop na sapatos. Nagdudulot ito ng pinsala sa balat, at nadedebelop ang paltos. Para protektahan ang region habang ang balat ay sumasailalim sa proseso ng pagpapagaling.

Ang dyshidrosis ay isang chronic type ng eczema na nagiging dahilan ng pagkasunog at pangangati ng isang tao sa loob ng ilang linggo. Sa ilang mga kaso, ang paltos ay umuulit bago ganap na gumaling ang balat mula sa nakaraang mga paltos.

Sinasabi na ang iba pang mga pangalan para sa skin inflammation na ito ay ang mga sumusunod:

  • Dyshidrotic eczema
  • Pompholyx eczema
  • Cheiropompholyx
  • Pedopompholyx
  • Acral vesicular dermatitis
  • Chronic hand dermatitis

Ito ay malamang na lumitaw sa mga nasa pagitan ng edad na 20 at 40.

Ano ang Nagiging sanhi ng Paltos sa Paa?

Ang root cause ng pag-aalala sa balat na ito ay hindi pa rin alam. Gayunpaman, ang ilang risk factors ay pwedeng mag-trigger ng pagbuo ng dyshidrosis. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Kasaysayan ng atopic dermatitis
  • Sensitibong balat
  • Stress
  • Exposure sa ilang mga metal (gaya ng chromium, cobalt, o nickel) at semento
  • Mga allergy (tulad ng hay fever)
  • Overactive sweat glands (ang mga kamay ay madalas na nakikipagkontak sa tubig o moist)
  • Paninigarilyo
  • Exposure sa UV radiation treatment
  • Lagay ng panahon (napakainit/malamig, o napakatuyo/maalinsangan na hangin)

Ayon sa American Academy of Dermatology Association, ang mga taong nagdurusa sa dyshidrotic eczema ay mukhang hypersensitive sa ilang mga trigger. Maaari mong maiwasan ang flare-ups sa pamamagitan ng pagbabawas ng iyong pagkakalantad sa mga ganitong pagkasensitibo. Gayunpaman, pwedeng mahirap malaman kung ano ang nagiging sanhi ng iyong hypersensitivity.

May Mga Komplikasyon ba ang Dyshidrosis?

Ang dyshidrosis ay isang uri ng pangangati lamang para sa karamihan na may maliliit na paltos sa paa. Ngunit, may iba na pwedeng hindi makapagtrabaho o makagalaw ng maayos. Dahil ang kanilang mga kamay o paa ay nananakit o nangangati. Ang matinding scratching ay maaari ring magpataas ng panganib ng bacterial infection, gaya ng Staphylococcus, sa apektadong lugar.

Paano Ginagamot ang Maliliit na Mga Paltos sa Paa?

Mayroong potensyal na humupa o gumaling mag-isa ang dyshidrosis. Ang layunin ng paggamot nito ay para mapawi ang mga sintomas, tulad ng pangangati. Nang sagayon, maiwasan din ang karagdagang paglitaw ng mga paltos. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor o dermatologist ng ilang paraan ng pangangalaga sa sarili na pwedeng gawin sa bahay. Ito ay hindi lamang magpapagaan sa mga sensasyon, nguinit maaari rin itong makatulong sa discomfort.

Ang ilang topical treatment na maaari mong isaalang-alang ay ang mga sumusunod:

  • Moisturizing lotion o cream, araw-araw upang maiwasan ang pagkatuyo ng balat
  • Steroid ointment at calcineurin creams para bawasan ang pamamaga ng balat

Bilang karagdagan sa mga treatment na ito. Maaari ka ring magpasyang mag-apply ng malamig na compress 2-4 na beses sa isang araw. Sa loob ng 15 minuto upang maibsan ang pangangati at discomfort. Ang iba pang mga gamot (shots o kapsula) ay maaaring ireseta ng iyong doktor para sa mas malalang sintomas.

Key Takeaways

Maraming mga indibidwal ang mabilis na tumugon sa “course of topical corticosteroids” na sinamahan ng isang cool compress na inilalapat. Ilang beses sa isang araw, partikular sa mga apektadong rehiyon. Ang home remedies na ito ay makakatulong para matuyo ang maliliit na paltos sa paa nang hindi na kailangang i-pop ang mga ito.

Higit pa rito, pwede ring makatulong na simulan ang magandang gawi sa pangangalaga sa balat na nagpoprotekta sa balat. Kung saan, ang regular na paghuhugas ng mga kamay at paa gamit ang mild na sabon at maligamgam na tubig. Kasama ng regular na moisturizing ay ilang madaling kasanayan na pwede mong simulan.

Matuto pa tungkol sa Dermatitis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Blisters, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/blisters Accessed October 25, 2021

Dyshidrosis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dyshidrosis/symptoms-causes/syc-20352342 Accessed October 25, 2021

Dyshidrosis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17728-dyshidrosis Accessed October 25, 2021

Dyshidrotic Eczema, https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/dyshidrotic-eczema Accessed October 25, 2021

Dyshidrotic Eczema, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/d/dyshidrotic-eczema.html Accessed October 25, 2021

Dyshidrotic Eczema, https://nationaleczema.org/eczema/types-of-eczema/dyshidrotic-eczema/ Accessed October 25, 2021

Eczema Types: Dyshidrotic Eczema Causes, https://www.aad.org/public/diseases/eczema/types/dyshidrotic-eczema/causes Accessed October  25, 2021

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Eczema Herpeticum, at Dapat ba itong Ipag-alala?

Long Term Prognosis sa Eczema: Epekto at Pamamahala


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement