backup og meta

Paano Gamutin ang Skin Asthma? Heto ang mga Dapat mong Gawin

Paano Gamutin ang Skin Asthma? Heto ang mga Dapat mong Gawin

Ang skin asthma ay karaniwang ginagamit na termino para sa mga kaugnay na kondisyon ng allergy sa balat. Hindi ito medikal na termino, ngunit ito ay karaniwan na iniuugnay sa eczema, o atopic dermatitis. Ang eczema ay ang pinaka karaniwang porma ng allergy sa balat  — ito ay kondisyon kung saan ang balat ay naging dry at makati, na humahantong sa pamamaga at allergies. Dahil ang eczema tulad ng asthma o allergies ay malalang kondisyon, wala itong lunas. Gayunpaman, maraming mga gamot o treatments para sa eczema. Paano gamutin ang skin asthma?

Pag-unawa sa Eczema

Upang maunawaan paano ang gamutan para sa eczema, kailangan muna natin maunawaan ano ito.

Ang eczema ay isa sa mga uri ng dermatitis. Kapag nagkaroon ng eczema, napipinsala ang iyong skin barrier. Ito ay pinsala sa iyong balat sa tinatawag na “skin glue” na nagreresulta sa iyong balat na maging “leaky.” Ang kawalan ng skin barrier na ito ay nagreresulta sa pagiging mas sensitibo ng iyong balat at prone sa infection at pangangati.

Ang eksaktong dahilan ng eczema ay hindi pa alam, ngunit ikaw ay mas magkakaroon ng ganitong kondisyon kung may asthma o allergic rhinitis, o mayroon sa inyong pamilya na may dermatitis.

Kahit na sino ay maaaring magkaroon ng eczema, ngunit ito ay karaniwang nagsisimula sa pagkabata, na karaniwang nakikita sa mga sanggol na 3 hanggang 6 na buwang gulang. Ang sintomas ay:

  • Dry at makaliskis na balat
  • Malalang pangangati
  • Pamumula at pamamaga
  • Pagkapal ng balat
  • Maliit, nakaumbok na bumps na naglalabas ng tubig kung kakamutin
  • Magaspang na bumps sa mukha, itaas na bahagi ng braso, at hita
  • Hives (nakaumbok at mapulang mga bahagi sa balat)

Kung ikaw o ang iyong anak ay may mga sintomas nito, kumonsulta sa doktor. Maaari silang magreseta ng ginhawa para sa pangangati at discomfort. May mabisang gamot sa skin asthma na akma para sa iyo.

Gamot sa Skin Asthma

Ang mga gamot sa eczema ay tumutugon sa iba’t ibang sintomas ng kondisyon. Halimbawa, ang moisturizers ay gumagamot sa dry skin habang ang corticosteroids o phototherapy ay nakababawas ng pamamaga. Paano gamutin ang skin asthma at ano-ano ang mga gamot dito?

1. Moisturizers

Pagdating sagamot sa asthma, ang moisturizer ang pinaka una sa listahan laban sa eczema. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng over-the-counter na moisturizers at barriers upang mag-moisturize ng tuyot na balat at makaiwas sa pagkawala ng tubig sa balat. Ang mga moisturizers ay maaaring nasa porma ng ointments, creams o lotions.

2. Corticosteroids

Ang mga over-the-counter corticosteroids na porma ng ointment ay maaari ding ireseta upang:

  • Mawala ang pangangati
  • Mawala ang pamamaga
  • Mabawasan ang dryness
  • Makaiwas sa flares sa pagbalik

Ang karaniwang corticosteroid para sa paggamot sa eczema ay ang topical hydrocortisone.

3. Antihistamines

Ang gamot na ito ay maaaring magpaginhawa ng mga sintomas ng allergy na kaugnay ng eczema. Ngunit hindi sila tipikal na makatutulong sa pangangati sanhi ng dry na balat. Ang sedating antihistamines tulad ng diphenhydramine ay maaari ding makatulong sa pagtulog.

4. Ibang Reseta ng Gamot

Minsan magrereseta ang iyong doktor ng mas matapang na gamot kung ang iyong eczema ay malala. Kabilang dito ang:

Mas matapang na corticosteroids – Ito ay maaaring tinuturok o iniinom orally.

Topical calcineurin inhibitors (TCIs) – Ang lunas na ito ay maaaring gamitin bilang alternatibo sa corticosteroids kung ang iyong doktor ay may inaalala tungkol sa labis na paggamit ng steroids.

Systemic medicines at biologics – Ang biologics ay matatapang na gamot na makaapekto sa iyong buong sistema, tulad ng Dupixent, na nakababawas ng pamamaga na sanhi ng eczema ngunit may epekto rin sa iyong immune system.

5. Oral o Topical Antibiotics

Maaari ding magreseta ang iyong doktor ng antibiotics upang lunasan ang skin infections kung nangyari.

6. Phototherapy

Ang porma ng treatment na ito ay kabilang ang exposure sa UVA o UVB ultraviolet light sa ilalim ng gabay medikal. Ito ay epektibo sa paggamot ng pamamaga.

Mahalagang Tandaan

Iba-iba ang gamot saskin asthma o eczema. May mga gamot na nagmo-moisturize ng dry at makating balat. Ang ibang mga gamot ay nilulunasan ang pamamaga, tulad ng steroids. At ang lunas na antibiotics para sa infections na sanhi ng eczema.

Maaari ding magreseta ang iyong doktor ng mas matapang na steroids, o systemic medicines. O maaari silang magpayo na sumailalim sa phototherapy upang malunasan ang pamamaga. Laging konsultahin ang iyong doktor bago gumamit nganumang gamot o sumailalim sa kahit na anong gamutan.

Matuto pa tungkol sa Dermatitis dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Atopic Eczema (Atopic Dermatitis), https://www.aafa.org/eczema/, Accessed October 11, 2021

2 Eczema, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9998-eczema, Accessed October 11, 2021

3 Atopic Dermatitis in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=atopic-dermatitis-in-children-90-P01675, Accessed October 11, 2021

4 What are the treatment options for eczema? https://allergyasthmanetwork.org/what-is-eczema/eczema-treatment-options/, Accessed October 11, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Long Term Prognosis sa Eczema: Epekto at Pamamahala


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement