Malaking concern ng mga Pilipino ang dermatitis o herpes. Dahil kadalasan kapag nagsimula ang isang pulang pantal ay madaling kinokonekta ng tao ang bagay na ito, sa karaniwang uri ng impeksyon sa balat – dermatitis. Subalit, madalas din itong sintomas ng ibang sakit, lalo na kapag mayroon itong “trigger”.
Sa artikulong ito, tutulungan ka na makilala ang dermatitis o herpes. Basahin dito ang mga sumusunod na paglalarawan.
Dermatitis o Herpes: Kahulugan
Dermatitis
Bagama’t totoo na ang dermatitis ay isang broad term na tumutukoy sa anumang uri ng pamamaga ng balat. Nagdudulot pa rin ito ng mga kakaibang katangian mula sa ibang kondisyon ng balat, tulad ng herpes.
Ang dermatitis ay may several types na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Atopic dermatitis (eczema)
- Contact dermatitis
- Seborrheic dermatitis (balakubak, cradle cap)
- Diaper dermatitis (pantal)
- Dyshidrotic dermatitis
- Perioral/Periorificial dermatitis
- Stasis dermatitis
- Neurodermatitis
- Nummular dermatitis
Bukod dito, mayroon din itong iba’t ibang mga sanhi at manifestation. Ngunit ang karaniwan dito ay ang makating tuyong balat, at mga pulang pantal. Pwede rin itong maging sanhi ng blister, ooze, crust, o pag-flake ng balat.
Sa kabilang banda ang herpes ay tumutukoy ng isang grupo ng virus na bumubuo ng masasakit na paltos at mga sugat sa balat. Pinakakaraniwan dito ang herpes zoster at herpes simplex virus. Ang former causes ng paglitaw ng bulutong-tubig at shingles— kung saan may dalawang different types ito: type 1 (HSV-1) at type 2 (HSV-2).
Ang Type 1 (oral herpes) ay kadalasang nagpapakita ng mga sintomas tulad ng cold sores o fever blisters. Samantala, ang type 2 (genital herpes) ay nailalarawan sa pamamagitan ng genital sores (sexual organs). Gayunpaman, ang pagkakaroon ng parehong type 2 sa maselang bahagi ng katawan at type 1 sa paligid ng bibig ay kapani-paniwala rin.
Dermatitis o Herpes: Mga Sanhi
Maaaring ma-characterize ang dermatitis kung nagkaroon ka ng contact sa isang irritant. Kung saan, ito ang naging sanhi ng allergy reaction. Kadalasan, maaaring lumitaw ang mga reaksyon na ito dahil sa poison ivy, pabango, lotion, o alahas na gawa sa nickel.
Ang dry skin, viral infection, bakerya, stress, genetic composition, at mga alalahanin sa immune system ay ilan sa iba pang dahilan ng dermatitis.
- Pagkalantad o exposure. Tandaan na ang mga kemikal at iba pang substances ay maaaring magdulot ng ilang uri ng dermatitis.
- Environmental factors. Maaaring baguhin ng iyong immune system ang protective barrier ng iyong balat, bilang resulta ng iyong kapaligiran. Dahil dito, mas maraming moisture ang lumalabas, na maaaring mag-ambag sa dermatitis. Ang exposure sa paninigarilyo ng tabako at iba pang polusyon sa hangin ay ilang possible environmental causes.
- Genetics. Ayon sa mga pag-aaral, kung ang isang tao sa’yong pamilya ay may dermatitis, malaki ang tyansa na makakuha ka rin nito. Ipinapaliwanag din ng karagdagang pananaliksik ang dahilan sa likod ng genetic changes sa pamamagitan ng discovery ng protina. Ang protina na ito ay responsable para sa pagtulong sa’yong katawan na mapanatili ang magandang balat.
- Immune system. Minsan ang iyong immune system ay maaaring tumugon sa maliliit na irritant o allergens kung mayroon kang atopic dermatitis. Dahil dito, maaari itong magdulot ng pamamaga sa nasabing bahagi.
Ang iyong edad, trabaho, at iba pang mga kondisyong pangkalusugan ay karaniwang mga kadahilanan ng panganib para sa dermatitis.
Gaya ng nabanggit, ang herpes ay isang pangkaraniwang viral infections. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng partikular na herpes simplex virus na HSV-1 at HSV-2.
Kanino ito madalas nangyayari?
Karaniwan ito para sa mga sanggol o bata na makakuha ng type 1, mula sa contact ng isang adult na mayroon din nito. Ang adult ay maaaring makahawa sa ibang tao nang walang nakikitang sugat (visible sores). Sa kabilang banda, pwedeng makuha ng isang tao ang pangalawang uri ng virus sa pamamagitan ng sex.
Dermatitis o Herpes: Mga Sintomas
Tandaan na ang signs at sintomas ng anumang impeksyon sa balat ay maaaring maging iba sa bawat tao. Ngunit ang ilang mga karaniwang signs para sa dermatitis ay ang mga sumusunod:
- Pangangati
- Tuyong balat
- Flaking skin (tulad ng balakubak)
- Makapal na balat
- Mga pantal sa namamagang balat (iba-iba ang kulay depende sa kulay ng iyong balat)
- Paltos (minsan ito ay may pag-agos at crusting)
- Bukol sa hair follicles
Ang herpes virus ay maaaring makahawa sa mga tao. Subalit, maaaring wala silang makita o maramdaman mula rito. Pwedeng maranasan ng isang tao ang mga sumusunod kung sa kalaunan ay lumitaw ang mga palatandaan o sintomas:
- Pangangati, tingling at burning sensation
- Masakit na sugat
- Mga problema sa pag-ihi
- Vaginal discharge
- Malambot na mga bukol sa lugar ng singit
- Flu-like symptoms
- Impeksyon sa mata
Paalala, doktor lamang ang magkukumpirma kung nahawa ka o hindi ng virus.
Dermatitis o Herpes: Communicability
Bagama’t maaari itong magparamdam ng self-conscious at pagiging uncomfortable ng isang indibidwal, ang dermatitis ay hindi nakakahawang kondisyon ng balat.
Gayunpaman, ang herpes ay ibang kaso. Dahil ang virus na nagdudulot ng genital herpes ay kadalasang naililipat sa pamamagitan ng vaginal, oral, o anal intercourse. Ang pagkasira sa iyong balat ay maaaring maging dahilan para makapasok ang virus sa’yong katawan. Pwede rin itong makapasok sa’yong katawan, sa pamamagitan ng balat ng iyong bibig, sa ari, vaginal opening, urinary tract opening, o maging sa anus.
Kapag ang mga paltos o sugat ay nakikita sa indibidwal. Ang herpes ay malamang na kumalat (person to person). Maaari itong kumalat anumang sandali, kahit na ang indibidwal na may herpes ay walang sintomas.
Lagi ring tandaan na ang herpes ay maaari ding mailipat mula sa isang bahagi ng katawan patungo sa susunod. Pwede mong ikalat ang impeksyon sa’yong mga daliri. Kung hinawakan mo ang mga sugat sa iyong ari. Maaari mo rin itong ikalat sa ibang bahagi ng iyong katawan, gaya ng bibig o mata.
Key Takeaways
Ang iyong doktor lamang ang makakagawa ng isang malinaw na distinction at differential diagnosis para sa dermatitis at herpes. Kumunsulta sa’yong doktor kung pinaghihinalaan mo ang iyong sarili na magkaroon ng alinman sa mga ito.
Matuto pa tungkol sa dermatitis dito.