Ano ang eczema? Ang eczema, na kilala rin sa tawag na atopic dermatitis, ay kakikitaan ng patsi-patsing balat dulot ng pamamaga, at pamumula. Maaari itong maging makati, magaspang at maaaring magbitak-bitak. Sa artikulong ito, titingnan natin ang mga sintomas, dahilan, at mga paraan ng panggagamot sa eczema gayunin ang mga remedyong pantahanan.
Ano Ang Eczema: Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng ganitong uri ng dermatitis ay iba-iba hindi lamang sa kung saan makikita ang mga pantal kundi maging sa edad ng kung sino ang magkakaroon ng eczema. Sa seksyong ito, titingnan natin kung ano ang hitsura ng eczema para sa mga sanggol, bata, at mga adulto.
Mga Sanggol
Para sa mga sanggol hanggang dalawang taong gulang, ang eczema ay inaasahang makita sa anit or sa mga pisngi. Ang mga pantal na ito ay mayroon ding tendensiyang mag-bubble at magtagas ng fluid. Ang pangangati nito ay maaaring makasagabal sa pagtulog at magdulot ng pagkairita at pagkakamot. Tiyaking maiiwasan ito sapagkat maaari itong magdulot ng impeksyon sa balat.
Mga Bata
Para sa mga bata, dalawang taong gulang hanggang sa bago dumanas ng pagdadalaga at pagbibinata, ang mga pantal na ito ay kadalasang makikita sa mga crease ng katawan. Ang mga crease ng siko o tuhod o ng itaas na bahagi ng hita sa ilalim ng puwitan ay madalas na nagkikiskisan sa isa’t isa. Kaya naman, mas malaki ang tyansa na maging irritated ang mga bahaging ito. Ang mga bahagi gaya ng leeg, palapulsuhan, at bukong-bukong ang mas hantad sa eczema.
Ang hitsura ng mga pantal ay maaaring nakaumbok at may bahid na mas maliwanag o mas madilim kaysa sa kulay ng balat. Maaaring tumigas ang mga ito o mag-develop sa pagiging mga knots na palagiang kumakati habang nasa prosesong tinatawag na lichenification.
Mga Matatanda
Para sa mga matatanda, ang mga pantal ay maaaring sumakop sa malaking bahagi ng katawan. Ngunit kagaya ng sa mga bata, kadalasang makikita ang mga ito sa mga crease ng katawan. Maaari din itong maging palasak sa leeg-pataas na bahagi gaya ng leeg, mukha, at mga bahagi sa paligid ng mata sa pamamagitan ng dry at palagiang nangangating balat. Kumpara sa mga bata at mga sanggol, ang mga pantal ay maaaring mas maging malakaliskis at maaaring magdulot ng mga impeksyon sa balat dahil sa pagkalantad.
Mga Dahilan
Ang mga karaniwang dahilan ng eczema ay ang mga sumusunod:
- Irritants
- Allergens
- Microbes
- Pagkain
Irritants
Ang mga irritants ay maaaring makita bilang stripping ingredients sa mga sabon o shampoo at iba pang produktong panlinis gaya ng mga detergent at disinfectants.
May mga irritants din na makikita sa mga pagkain gaya mga katas mula sa mga prutas, mga katas, karne, at mga gulay.
Allergens
Ang mga allergens ay iba-iba batay sa tao ngunit ang mga karaniwan ay ang mga dust mites, alagang hayop, pollen, amag, at balakubak. Ang mga karaniwang microbes gaya ng staphylococcus aureus, fungi, at mga virus ay maaari ding maging sanhi ng pangangati at iritasyon, at kalaunan, eczema.
Trigger Foods
Ang mga pagkain na kadalasang hindi napoproseso ng tyan gaya ng dairy, itlog, mani, buto, soya, at wheat ay maaari ding magpalala ng eczema.
Higit sa pa sa mga irritants na ito, ang stress at mga hormones ay maaaring magpalala ng sintomas lalo na sa mga nagdadalantao and sa mga tiyak na yugto ng pagreregla.
Mga Paraan ng Panggagamot at Medikasyon sa Eczema
Ang eczema ay isa sa mga kondisyong dermatitis na wala naman talagang lunas. Kadalasan, ang eczema ay kusang gumagaling sa paglipas ng panahon. Maraming mga paraan ng paggagamot na nakapagpapababa ng tyansa ng mga sintomas at nakapagtatanggal ng hini kanais-nais na mga splotches.
Sa ibang mga pagkakataon, ang mga bahagi ng balat na apektado ng atopic eczema ay naiimpeksyon. Ang mga senyales ng impeksyon ay kinasasangkutan ng:
- Lumalalang Eczema
- Fluid na Tumatagas mula sa Balat
- Manilaw-nilaw at mamuti-muting mga spot na makikita sa apektadong bahagi o dilaw na crusting sa ibabaw
- Ang balat ay namamaga.
- Pangkalahatang Di-komportableng Pakiramdam; naiinitan at nanginginig
Para sa eczema, ang sumusunod ay ang mga mungkahing paraan ng panggagamot o pamamahala:
- Antibiotics dahil ang uri ng dermatitis na ito ay maaari ding maihanay bilang nangangailangan ng antifungal.
- Antihistamines, na mga anti-inflammatories para sa mga allergic triggers, nakatutulong para sa pagtulog dahil ang pagkaantok ang isa sa mga side effect at nakatutulong din sa pamamahala ng allergic triggers.
- Moisturizers. Ang pagka-dry at pangangati ng eczema ay dahil sa dehydration ng balat. Makatutulong ang mga moisturizer para ayusin ang barrier ng iyong balat.
- Corticosteroids, na isang medikasyong anti-inflammatory na nasa iba’t ibang anyo, napatitigil ang pamamaga at ang pangangati. Ang corticosteroids ay maaaring makita sa mga topical cream o ointment o maaari ding inumin o iturok bilang systemic cortisoteroids.
- Phototherapy ay isang opsyon para sa paraan ng panggagamot na isinasagawa ng mga eksperto dahil ito ay kinasasangkutan ng targeted light exposure. Ang mga naaapektuhang bahagi ay nakahantad sa ultraviolet A (UVA), ultraviolet B (UVB), o kombinasyon ng dalawa para magamot ang mga hindi malala at di-gaanong malalang kaso.
Sa kadahilanang walang maaaring tuluyang makagamot sa karamdamang ito, mahalaga ang pagdodoble-ingat sa iyong balat sa kabila ng katagumpayan ng mga pamamaraan na matanggal ang mga sintomas nito.
Paano Maiiwasan ang mga Trigger?
Ngayong alam na natin kung ano ang eczema, alamin naman natin kung ano ang mga trigger nito
Mga Irritant
Para maiwasan ang mga dermatitis flare-up, maaari mong subuking bawasan ang iyong exposure sa mga karaniwang irritants, na ang sumusunod:
- Mga Kemikal
- Mga Sabon
- Mga Detergent
- Mga Pabango
- Usok
- Mga Tiyak na Uri ng Tela
Para mabawasan ang eczema na dulot ng mga nabanggit, maaari mong subukang:
- Gumamit ng mga walang-amoy, banayad na mga detergent at sabon.
- Magsuot ng breathable, koton na mga damit.
- Labhan ang mga damit nang palagian, at labhan ang mga bagong biling damit bago suotin ang mga ito.
- Panatilihing malinis at maayos ang iyong mga kuko para maiwasan ang mga sugat at impeksyong dulot ng pagkakamot.
- Magpahid ng sunscreen, mas mainam kung iyong mga nagbibigay nang mas malawak na proteksyon laban sa UVA at UVB rays, na may SPF 15 pataas.
- Magbanlaw kaagad matapos lumangoy sa swimming pool o dagat.
Mga Nalalanghap na Allergens
Ang mga allergen gaya ng dust mites ay pumapasok sa mga sapin sa kama, unan, at mga carpet, at sa ibang mga bahagi na mamasa-masa. Palitan nang mas madalas ang iyong mga sapin sa kama at siguraduhin na ang mga ito ay nalalabhan nang maigi palagi.
Mga Trigger Foods
Ang ilang mga trigger foods ay nakapagpapalabas ng eczema at upang matukoy ito, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong allergist/immunologist. Gayundin, bantayan ang mga kinakain mo para mabilis na matukoy kung ano ang mga pagkaing nagti-trigger.
Stress
Ang stress, galit, at pagkabigo ay maaaring magdulot ng karagdagang pangangati at magpasimula sa isang itch-scratch cycle na maaaring magpalala ng iyong kondisyon.
Panggagamot sa Eczema: Tip para sa Pangangalaga sa Tahanan
Bukod pa sa mga iminumungkahing paraan ng panggagamot, may ilang mga tip sa pangangalagang pantahanan na makatutulong para sa eczema at sa iyong balat sa kabuoan.
Paliligo ng Maligamgam at Banayad na Panlinis
Subukang maligo ng maligamgam na tubig gamit ang mild na sabon o ng banayad na panlinis at page-air dry o pagdadampi sa balat hanggang sa matuyo sa halip na pagkuskos dahil ito ay maaaring magdulot ng iritasyon. Panatilihing maikli ang iyong mga kuko sa daliri para maiwasang masugatan ang iyong balat kung sakaling ito’y iyong kakamutin.
Mag-moisturize
Maglagay ng lotion o moisturizer matapos tuyuin ang iyong balat upang makatulong sa pagpapanatili ng moisture.
Ang pag-iwas sa dagliang pagbabago ng temperatura ay nakatutulong din para mapanatili ang moisture at gayundin ay maiwasan ang mga sitwasyon o pangyayari na makapagpapapawis sa iyo. Isang paraan para magawa ito ay ang pagkakaroon ng humidifier para sa mga mainit na panahon.
Komportableng Pananamit
Magsuot ng mga damit na gawa sa malalambot na mga tela gaya ng koton at pag-iwas sa masisikip na damot o damit na maaaring makapagdulot ng gasgas sa iyong balat dahil sa pagiging magaspang nito. Ang pag-alam kung ano ang iyong mga trigger at pagsasagawa ng aktibong pagsisikap na maiwasan ito ay mahalaga para sa paggamot sa eczema.
Key Takeaways
Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.