Ang atopic dermatitis ay nagiging sanhi ng maraming pangangati, at sa ilang mga kaso, kahihiyan para sa mga taong may ganitong kondisyon. Mali ang iniisip ng mga tao na ang atopic dermatitis ay nakakahawa. Ito ay maling impormasyon na nagiging sanhi ng maraming pagkalito.
Bukod sa pag-alam kung ano ang atopic dermatitis, napakahalagang malaman kung paano ito gagamutin, at kung paano ito i-manage. Narito ang mga bagay na kailangan mong malaman kung ano ang atopic dermatitis.
Ano ang atopic dermatitis?
Ang atopic dermatitis, na kilala rin bilang atopic eczema, ay isang kondisyon na nagdudulot ng makati, cracked, mamula-mula, at tuyong balat. Ang kondisyong ito ay pinaka karaniwang sa maliliit na bata, ngunit maaari itong mangyari sa mga tao sa anumang edad. Ito isang chronic condition. Ibig sabihin ang isang taong may atopic eczema ay meron nito habang buhay.
Ang kondisyong ito ay hindi nakakahawa, ngunit maaari itong maipasa ng mga magulang sa kanilang anak. Ang atopic dermatitis ay nagdudulot ng discomfort. Ngunit sa wastong paggamot at pamamahala ng mga sintomas, karamihan sa mga taong may ganitong kondisyon ay walang anumang problema sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang ilang mga tao na may ganitong kondisyon ay may mga flare-up kung saan ang mga sintomas ay maaaring lumitaw nang walang babala. Pagkaraan ng ilang oras, ang mga sintomas ay maaaring mawala na kasing bilis ng pagsisimula nito. Minsan ay maaaring mangyari na ang mga tao ay hindi nakakaranas ng anumang mga sintomas sa loob ng maraming taon, at biglang magkaroon ng flare-up.
Ano ang mga sintomas ng atopic dermatitis?
Mga posibleng sintomas ng atopic dermatitis:
- Dry skin
- Mapula-pula na mga patch sa balat
- Banayad hanggang matinding pangangati
- Pagkakaroon ng maliliit na bukol na may tumatagas na likido kapag nakamot
- Bitak o nangangaliskis na balat
Ang mga sintomas ay nag-iiba-iba sa bawat tao, at posibleng makaranas lamang ng banayad na sintomas.Ang mga flare-up ay maaari ding mag-iba sa intensity, kaya mahalaga para sa mga taong may atopic dermatitis na matukoy kung ano ang nag-trigger sa kanilang kondisyon upang maiwasan nila ito.
Ano ang nagiging sanhi ng atopic dermatitis?
Ang kondisyong ito ay maaaring sanhi ng maraming bagay. Ito ay pinaniniwalaan na ang tuyong balat ay gumaganap ng isang papel pagdating sa sanhi ng atopic dermatitis. Ito ay dahil may mga taong may atopic dermatitis ay may tuyong balat. Ang pagkatuyo na ito ay maaaring magpadali na ma-trigger na magdulot ng flare-up. Maari ring mamana ang atopic dermatitis sa iyong mga magulang. Ito ay posibleng mangyari kung isa sa kanila ay may kondisyon.
Ang ilang mga taong may food allergies ay maaari ding magkaroon ng atopic dermatitis. Ito ay dahil maaari itong ma-trigger ng ilang partikular na pagkain na kanilang kinakain.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang atopic dermatitis ay hindi nakakahawa. Ang skin-to-skin contact ay hindi nagiging sanhi ng pagkahawa ng ibang tao.
Ano ang nagti-trigger ng atopic dermatitis?
Food allergies
Ang pagkain ng gatas, itlog, mani, soy products, at wheat, kung minsan ay maaaring mag-trigger ng atopic dermatitis. Lalo na para sa mga taong allergy sa mga ganitong uri ng pagkain.
Skin irritants
Kung minsan, maaaring magdulot ng pangangati sa balat ng isang tao ang pagsubok ng bagong sabon, shampoo, o ibang lotion sa balat. Para sa isang taong may atopic dermatitis, maaari itong maging sanhi ng flare-up.Kahit na ang dishwashing liquid o ilang laundry detergents ay maaaring magdulot ng atopic dermatitis.
Allergens
Ang mga allergy sa pagkain ay hindi lamang ang mga uri ng allergy na maaaring magdulot ng flare-up.
Ang malamig o tuyo na panahon, balahibo ng alagang hayop, pollen, at amag ay maaari ding maging sanhi ng atopic dermatitis.
Ilang uri ng tela
Ang ilang mga uri ng tela ay may posibilidad na makagulo o makairita sa balat nang higit kaysa sa iba. Para sa mga taong may atopic dermatitis, kung minsan ay maaari silang maging sanhi ng flare-up.
Skin infections
Ang mga impeksyon sa balat ay kilala rin na nagiging sanhi ng flare-up ng atopic dermatitis.
Hormonal changes
Ang ilang mga kababaihan ay nakakaranas ng mas malalang sintomas ng atopic dermatitis sa panahon ng pagbubuntis, o bago sila magkaroon ng kanilang regla.
Kailan ka dapat magpatingin sa doktor?
Karamihan ng mga kaso ng atopic dermatitis ay nagdudulot ng minor discomfort at pangangati. Nangangahulugan ito na ang ilang mga tao ay pinipili na hindi na mag paggamot, dahil ang kanilang kondisyon ay hindi nakakaapekto sa kanilang kalidad ng buhay.
Ngunit para sa mga taong may mas malala na sintomas, magandang ideya na magpagamot. Ang mas malala na sintomas ng atopic dermatitis ay maaaring maging dahilan na ang balat ay maging prone sa impeksyon, at ang pagkamot ay maaari ding magdulot ng pangangati at impeksiyon sa balat.
Ito ay totoo lalo na para sa mga bata, dahil karamihan sa kanila ay maiinis sa pangangati, kaya maaaring maging habit nila ang kumamot ng kumamot ng kanilang balat.
Ang mga doktor ay karaniwang nagrereseta ng mga moisturizing lotion upang makatulong na ma-moisturize ang balat. Para sa mga taong may mas malalang sintomas, maaaring magreseta ng corticosteroids upang makatulong sa pamumula at pamamaga.
Gaya ng nakasanayan, kung sa tingin mo ay meron kang mas malalang sintomas, o kung nahihirapan ka sa iyong atopic dermatitis sa iyong pang-araw-araw na buhay, magandang ideya na kumunsulta sa iyong doktor.