backup og meta

Pagsusugat ng Balat sa Puwet, Maaaring Humantong sa Matinding Impeksyon

Pagsusugat ng Balat sa Puwet, Maaaring Humantong sa Matinding Impeksyon

Kamakailan lang, nag-viral sa social networking app na TikTok ang isang babaeng nagngangalang Sam matapos niyang ibahagi ang kanyang kwento. Ayon sa kanya, ang pagsusuot ng masikip na salawal ay naging dahilan para “kainin” ng kanyang puwet ang salawal at makaranas ng pagsusugat ng puwet. Kalaunan ay nauwi ito sa matinding impeksyon sa balat na maaaring nakamamatay kung hindi agad magagamot.

Pagsusugat ng Puwet: Isang Babae ang Nagbahagi ng Kanyang Kuwento

Ayon kay Sam, nagsimula ang lahat ng ito dahil pinili niyang magsuot ng masikip na maong shorts sa isang date. Dahil ito ay pares ng high-cut na shorts, naging sanhi ito ng pag-angat ng tela kaya’t kinain ito ng kanyang puwet.

Inamin ni Sam na hindi siya naging komportable dito at sinubukang ayusin ang kanyang shorts nang ilang beses sa buong araw. Gayunpaman, pinili niyang ipagsawalang bahala ito at nagpakasaya kasama ng kanyang kasintahan. Pagsapit ng gabi, nakaramdam siya na nagsisimula nang mag-sugat ang kanyang puwetan at hindi na naging komportable. Sa sumunod na araw, napansin niyang may bukol sa kanyang puwet kung saan nagsimulang magsugat dahil sa kanyang shorts.

Sa paglipas ng mga araw, ang bukol na ito ay naging napakasakit, kaya’t nagpasya siyang bumisita sa doktor. Pagpunta niya, huli na ang lahat. Kinakabahan siyang dinala sa intensive care unit o ICU dahil sya ay may cellulitis at nagkaroon ng sepsis.

Kailangang magsagawa ng mga doktor ng pagtatanggal ng napinsalang laman sa bahaging nagkaroon ng sugat sa kanyang puwet upang matanggal ang naimpeksyong laman. Kalaunan, gumaling din siya at hindi na nakaranas ng malubhang epekto matapos ng insidente. Gayunman, maaari sanang maiwasan ito kung nagsuot siya ng mas komportableng damit.

Bakit Nangyari Ito?

Isa sa posibleng dahilan kung bakit siya nagkaroon ng cellulitis at sepsis ay dahil sa pagsusugat na nagdudulot ng pamamaga, sunod na rito ang impeksyon, na maaari ring dumaan sa blood vessels. Isa itong uri ng iritasyon sa balat kung saan kumikiskis ang balat sa anumang bagay, kadalasan sa damit na nagiging sanhi ng iritasyon. Maaari ding magsugat kapag nakiskis ang balat sa sa balat ng iba o ng ibang parte ng katawan, o kung kumikiskis ang balat sa magaspang na bagay.

Kadalasan, hindi isang seryosong problema ang pagsusugat. Gayunman, dahil nakapagdudulot ito ng iritasyon sa balat, ang tuloy-tuloy na pagsusugat ay maaaring magdulot ng mas malubhang impeksyon.

Ano ang Cellulitis?

Ang cellulitis ay isang uri ng impeksyon sa balat. Nangyayari ito kapag ang ilang uri ng bacteria ay pumasok sa balat na may sugat na naging dahilan ng impeksyon. Kadalasan itong pumapasok sa mga sugat o singaw sa balat. Ngunit kay Sam, ang masikip niyang damit ang naging sanhi upang magsugat ang kanyang balat. Dito pumasok ang mikrobyo.

Kabilang sa karaniwang sintomas ng cellulitis ang:

  • Pamumula ng balat
  • Pamamaga ng apektadong bahagi ng balat
  • Pagiging sensitibo ng balat
  • Pagsakit ng bahagi ng balat
  • Pagkakaroon ng agnat
  • Pagpapaltos

Ang pinakakaraniwang paraan ng paggamot ng cellulitis ay ang pag-inom ng antibiotics. Bagaman kung malala na ang impeksyon, maaaring maging opsyon ang pagtatanggal ng tissue na apektadong parte. Kadalasan, gumagaling nang husto ang mga pasyenteng may cellulitis. Gayunpaman, kung hindi agad maaagapan, maaaring lumala ito nang mabilis at maaaring ikamatay.

Ano ang Sepsis?

Para naman sa isa pang komplikasyon ni Sam, ang sepsis o septicemia, ay tumutukoy sa pagkalason ng dugo sanhi ng mikrobyo. Tulad din ng cellulitis, nangyayari ito kapag ang bacteria ay nakapasok sa katawan, partikular na sa daanan ng dugo o bloodstream.

Ang pulmonya, impeksyon sa balat, UTI, at impeksyon sa gastrointestinal tract ay maaaring magdulot ng sepsis bilang komplikasyon at kung hindi maagapan at masolusyonan ang impeksyon. Isa itong seryosong karamdaman na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Kasama sa mga sintomas nito ang mabilis na tibok ng puso, lagnat, pagsusuka, pagiging sensitibo sa liwanag, pagkahilo, panlalamig ng mga kamay at paa, at matinding pananakit at pagbabawas ng kaginhawaan.

Ang gamutan sa sepsis ay paggamot sa impeksyon sa pamamagitan ng nararapat na antibiotics, pagbibigay ng oxygen kung may problema sa baga at nahihirapan huminga, at padaanin ang fluids sa swero, depende sa kung anong organ ang apektado. Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin din ng dialysis.

Paano Maiiwasan ang Pagsusugat sa Puwet?

Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang pagsusugat ng puwet:

  • Magsuot ng maluluwag na damit
  • Gumamit ng pulbos o mga produktong panlaban sa pagsusugat kung nais mong magsuot ng masisikip na damit gaya ng workout clothes.
  • Iwasan ang mga damit na magagaspang ang tela
  • Kung nagkasugat ang balat, hayaan itong maghilom at iwasang maglagay ng anumang magagaspang na tela sa ibabaw nito.

Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, mababawasan mo ang tsansa ng pagsusugat ng balat sa puwet at mga seryosong problema sa balat.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Chafing Information | Mount Sinai – New York, https://www.mountsinai.org/health-library/special-topic/chafing, Accessed October 10, 2021
  2. Cellulitis – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cellulitis/symptoms-causes/syc-20370762, Accessed October 10, 2021
  3. Septicemia | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/septicemia., Accessed October 10, 2021
  4. Chafing: How to prevent it, how to treat it | Ochsner Health, https://blog.ochsner.org/articles/chafing-how-to-prevent-it-how-to-treat-it, Accessed October 10, 2021

Kasalukuyang Version

09/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement