Babae man o lalake ay parehong nag-iisip kung paano pangangalagaan ang balat. Kaya marami ang nagtatanong sa kung ano ang pinakamahusay na paraan upang gawing bata at malusog ang skin.
Ayon sa claim ang dry brushing sa mga opsyon na nag-aalok ng maraming benepisyo sa balat. Pero bago mo ito subukan magpakonsulta ka muna sa isang dermatologist para masigurado ang iyong kaligtasan. Maganda rin na alamin mo muna kung ano ang dry brushing, nang sagayon ay makuha mo ang mga benepisyong hatid nito sa balat. Ngunit ang tanong mayroon nga bang benepisyo ang dry brushing?
Kaya naman patuloy na basahin ang artikulong ito upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa dry brushing.
Ano Ang Dry Brushing, Ayon Sa Mga Dermatologist?
Ang dry brushing ay kinabibilangan ng pag-brush ng balat gamit ang isang bristle brush upang alisin ang dead cells ng balat. Sinasabi ng ilan na maaari rin itong makapagbigay ng mga sumusunod na benepisyo sa tao:
- i-promote ang lymph drainage
- palakasin ang immune system
- pag-alis ng flaky skin
- pagpapataas ng sirkulasyon
- pag-detoxify
- pagtulong sa panunaw
- pagpapabuti ng hitsura ng cellulite
Ang claim tungkol sa mga benepisyo nito ay maaaring maging totoo — pero hindi sa lahat ng pagkakataon ayon na rin kay Dr. Shilpi Khetarpal, isang dermatologist. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi masigurado ang claim na ito ay dahil wala pang mga pag-aaral na sumusuri sa dito.
Bukod pa rito, ang dry brushing ay hindi perpekto para sa lahat ng uri ng balat. Lalo na sa mga indibidwal nagtataglay ng bukas na sugat, sunburn, at inflammatory conditions dahil ang agresibong exfoliation at pagtuklap ay maaaring makapinsala sa ating balat.
Ano Ang Nag-Iisang Kumpirmadong Benepisyo Nito?
Ayon sa mga artikulo ang tanging kumpirmadong benepisyo lang ng dry brushing ay ang exfoliation. Ito ang pag-aalis ng dead skin cells mula sa ibabaw ng balat, na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng hitsura nito, lalo na kung sinasabayan ito nang paggamit ng moisturizer.
Anu-ano Ang Maaaring Maging Epekto Ng Dry Brushing?
Hindi naman nakapagdudulot ang dry brushing ng malubhang pinsala sa balat ng tao. Pero maaari itong maging mapanganib sa balat ng tao kung madalas na matigas o madiin ang pagsuklay ng isang indibidwal sa kanyang balat.
Narito ang ilang mga potensyal na epekto ng dry brushing:
- pangangati
- sakit o sakit
- mga gasgas o pinsala sa balat
- pagkatuyo ng balat
Maaari rin ito magdala ng ilang panganib sa ilang partikular na sitwasyon. Kabilang dito ang:
- Impeksyon: Nagaganap ito kapag nag-dry brush ang isang tao habang nagtataglay ng sirang balat. Maaari silang magkaroon ng impeksyon dahil sa friction ng pagsuklay ng balat na pwedeng humantong sa paglala ng sugat. Bikod pa rito, ang impeksyon din ay maaaring makuha kapag madumi ang suklay na ginamit sa pag-dry brush ng balat.
- Pinsala sa mga nunal o paglaki: Ang pag-dry brush sa mga nunal at warts ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng balat o pagkakaroon pa ng mas malaking sugat.
- Pagkalat ng warts: Ang mga virus ay nagdudulot ng warts at cold sores, na nakakahawa. Kung ang isang kulugo ay pumutok dahil sa dry brushing, ang suklay ay maaaring makakuha ng likidong naglalaman ng virus at maging dahilan ng pagkalat sa iba pang bahagi ng iyong katawan.
Recommendable Ba Ang Dry Brushing?
Bagamat sa panahon ngayon ay kilala na ang paggamit ng dry brushing dahil sa impluwensya na dulot ng social media sa tao, hindi pa rin ito masyadong nirerekomenda ng mga eksperto at dermatologist dahil wala pang sapat na pag-aaral upang mapatunayan ang mga health benefits nito.
Bukod pa rito, ang mga taong may kondisyon sa balat tulad ng warts, eczema, o acne ay dapat kumunsulta muna sa isang dermatologist para matiyak na ligtas para sa kanila ang pag-exfoliate ng balat.