backup og meta

Ano Ang Alopecia: Alamin Ang Mga Fact Tungkol Sa Kondisyong Ito

Ano Ang Alopecia: Alamin Ang Mga Fact Tungkol Sa Kondisyong Ito

Ang pagkalagas o pagkaubos ng buhok ay pwedeng maging dahilan ng matinding takot at pagkabalisa ng isang tao. Kaya naman dapat mong maunawaan kung ano ang alopecia para malaman ang wastong paggamot para sa kondisyong  ito. Kaugnay nito, ipinapayo sa’yo na basahin ang artikulong ito para sa mga fact na kailangan mong matutunan tungkol sa alopecia.

Fact #1: Ano Ang Alopecia? 

Ang alopecia areata ay ang pagkawala ng buhok o hair loss na pwedeng maganap sa mga bata at matatanda. Pwede itong maganap sa’yong scalp o sa buong katawan at maaaring maging permanente o temporary lamang. Kilala rin ang alopecia bilang autoimmune condition na nagreresulta ng pagkawala ng buhok. 

Fact #2: Bakit Nagkakaroon Ng Alopecia Ang Tao 

Sinasabi na pwedeng resulta ang alopecia ng heredity, hormonal changes, medikal na kondisyon, pagtanda, poor nutrition, at stress.

Madalas na magkaroon nito ang mga lalaki kaysa sa mga babae at dapat ding mag-ingat ang mga tao na may mataas na risk sa mga sumusunod:

  • Type 1 diabetes
  • Celiac disease
  • Rheumatoid arthritis
  • Vitiligo
  • Thyroid disease
  • Multiple sclerosis
  • Inflammatory disease

Batay sa ilang mga artikulo at pag-aaral ang mga sakit na nabanggit ay maaaring makapag-trigger at maging dahilan ng alopecia.

Fact #3: Paano Masasabi Na May Alopecia Ang Isang Tao

Ano ang alopecia at paanong masasabing may ganitong sakit ang isang tao? Kadalasan ang alopecia ay makikita sa mga sumusunod na anyo:

  • Makinis na scalp 
  • Mga balat na walang buhok
  • Pagkakaroon ng mga bilog na hairless patches sa anit
  • Skin-colored na mayroong peach color 

Fact #4: Ano Ang Alopecia At Gumagaling Ba Ito?

Kadalasang gumagaling ang alopecia o tumutubo muli ang buhok na nawala sa isang tao kahit walang paggamot na ginagawa para dito.

Fact #5: Paggamot 

Interesado ang maraming tao sa kung paano pwedeng gamutin ang alopecia dahil nais nilang mapabilis ang muling pagtubo ng kanilang mga buhok. Pero dapat mong malaman at tandaan na ang pagpili ng treatment ay depende sa mga sumusunod:

  • Edad
  • Gaano na karami ang pagkawala ng buhok
  • Tagal o haba ng panahon sa pagkakaroon ng alopecia
  • Medikal na kondisyon sa kasalukuyan

Ang ilang mga doktor at ekspero ay pwedeng magrekomenda ng mga sumusunod na paggamot:

  • Topical steroids
  • Injections ng steroids
  • Topical minoxidil
  • Topical irritants
  • Immunotherapy
  • Mga pills na pwedeng mag-turn down sa immune system

Fact #6: Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Doktor

Kung nagiging sagabal na ang alopecia sa’yong araw-araw na pamumuhay, at mas naging malubha na ang pagkalat at pagkawala ng iyong mga buhok, ipinapayo na magkonsulta ka na sa doktor. Sapagkat ang pagkawala ng iyong mga buhok ay maaaring signal o palatandaan ng pagkakaroon ng malalang sakit na nangangailangan ng medikal na atensyon at paggamot.

Fact #7: Ano Ang Alopecia At Paano Ito Maiiwasan 

Maaari mong maiwasan ang alopecia sa pamamagitan ng ilang mga tip at fact na nakalista sa artikulong ito. Narito ang mga sumusunod:

  • Maging maingat sa pagsuklay ng buhok lalo na kung basa ito.
  • Iwasan ang mga harsh treatments lalo na kung hindi naman kailangan.
  • Tanungin ang iyong doktor sa mga gamot na iyong tine-take kung nakakapagdulot ba ito ng pagkawala ng buhok.
  • Protektahan ang iyong buhok mula sa sinag ng araw at iba pang source ng ultraviolet light.
  • Tumigil sa paninigarilyo.
  • Kung ikaw ay nagki-chemotherapy humingi ng cooling cap sa’yong doktor para maiwasan ang risk ng pagkalagas o pagkawala ng buhok habang nagki-chemotherapy.

Key Takeaways

Ano ang alopecia at paano ito ginagamot? Mahalaga na malaman mo ang ugat ng pagkakaroon ng alopecia upang mas madali kang makakuha o makahingi sa doktor ng medikal na paggamot para sa iyong kondisyon. Huwag mo ring kakalimutan na pwedeng gumaling ng kusa o muling tumubo ang iyong mga buhok lalo na kung hindi naman malubha ang iyong alopecia. Subalit kung nagiging sagabal na sa iyong pamumuhay ang alopecia, at mas nagiging malala na ang pagkawala ng iyong mga buhok, magpakonsulta na agad sa doktor.

Matuto pa tunkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hair Loss, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hair-loss/symptoms-causes/syc-20372926#:~:text=Hair%20loss%20(alopecia)%20can%20affect,it’s%20more%20common%20in%20men, Accessed July 29, 2022

Alopecia Areata, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/alopecia-areata, Accessed July 29, 2022

Treating female pattern hair loss, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/treating-female-pattern-hair-loss, Accessed July 29, 2022

Hair Loss in Women, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16921-hair-loss-in-women, Accessed July 29, 2002

11 Natural Remedies For Hair Loss To Try At Home, https://www.readersdigest.ca/health/conditions/hair-loss-natural-remedies/, Accessed July 29, 2002

Hair loss treatment: A popular plant proven to help soothe scalp and aid in hair growth, https://www.express.co.uk/life-style/health/1268961/hair-loss-treatment-aloe-vera-gel-hair-growth, Accessed July 29, 2022

Kasalukuyang Version

09/30/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Malusog Na Buhok: Paano Mo Malalaman Kung Mayroon Ka Nito?

Paglagas Ng Buhok Dahil Sa Stress, Bakit Nangyayari?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement