backup og meta

Tigyawat Sa Likod: Ano Ang Dahilan Ng Bacne At Lunas Para Dito?

Tigyawat Sa Likod: Ano Ang Dahilan Ng Bacne At Lunas Para Dito?

Ang mga tigyawat at blackheads ay maaaring makita sa kahit na anong parte ng katawan, kasama na ang likod. Ituloy ang pagbabasa upang malaman ang dahilan at lunas ng bacne o tigyawat sa likod.

[embed-health-tool-ovulation]

Ano ang Sanhi Ng Tigyawat Sa Likod?

Ang mga tigyawat sa likod ay sanhi ng parehong mga dahilan sa tigyawat sa mukha. Ilan sa mga halimbawa ng mga sanhi ng tigyawat sa mukha at likod ay sobrang dead skin cells, overactive oil glands at iba pa.

Ang tipikal na tigyawat ay nagde-develop kung ang dead skin cells at oil ay na-trap sa pore, na nagiging dahilan ng blockage. Ang blockage ay kadalasan na nagiging blackhead. Kung ang bacteria ay mapunta sa blackhead, maaari itong maging mahapding tigyawat.

Ang ating mga likod ay may sebaceous glands na tulad ng mga mukha. Ang sebaceous glands ay lumilikha ng sebum. Madaling mabara ng sobrang sebum at dead skin cells ang pores sa ating likod, at ito’y nagiging sanhi ng tigyawat.

Excess Oil Production

Mula sa nabanggit, ang sobrang sebum ay nakababara ng pores at nagiging sanhi ng tigyawat. Kahit na ikaw ay matanda, ang hormones (lalo na kung ang lebel ng hormone ay tumataas) ay nagiging sanhi ng pag-produce ng sobrang sebum.

Acne Mechanica

Ang ilang mga gamit sa sports, damit, at iba pa ay maaaring maging sanhi ng bacne. Ang pressure o pagkamot, na mayroong pawis at/o init, ay nakakapag-irita at hapdi ng pores. Kung ito ay nangyari, maaaring magresulta ito ng acne mechanica.

Pawis

Ang pawis ay hindi direktang dahilan ng tigyawat. Gayunpaman, mas madalas kang may bacteria sa iyong katawan matapos mo mag ehersisyo at magpawis na maaaring magpalala ng iyong tigyawat.

May Mga Tiyak Na Pagkain Bang Sanhi ng Bacne?

Kung susuriin ang sanhi at lunas ng tigyawat sa likod, maraming mga tao ang nagsasabi na may mga tiyak na pagkain tulad ng fast food na maaaring maging dahilan ng tigyawat. Gayunpaman, may ibang mga dermatologist na nagsasabing may napakaliit na patunay mula rito.

Gayunpaman, ang ibang mga dermatologist ay nakikipagtalo na may ilang carbohydrates tulad ng potato chips na nakapagtataas ng lebel ng blood sugar na maaaring maging sanhi ng tigyawat.

Paano Ko Malulunasan Ang Tigyawat Sa Likod?

Sa ideal na paraan, kailangan na makipag-ugnayan sa iyong dermatologist upang malaman ang eksaktong dahilan at lunas ng bacne na akma sa iyo, lalo na kung mayroon kang malalang bacne. Gayunpaman, maaari kang sumubok na lunasan ang mild bacne sa bahay.

Over-the-Counter Treatment

Ang ilang mga pharmacist ay nag-aalok ng gamot na maaari mong bilhin nang walang reseta. Halimbawa, ang benzoyl peroxide ay nakapapatay ng bacteria na nagdudulot ng acne, lalo na kung gagamitin ito araw-araw.

Maraming iba’t ibang tapang na mabibili para sa benzoyl peroxide foaming wash. Mainam na magtanong sa doktor sa tapang na swak para sa iyo. Kadalasan ang 5.3% benzoyl ay mabisa sa mga tao.

Maraming mga tao na maaari ring gamitin ang retinoid habang gumagamit ng benzoyl peroxide foaming wash. Ang retinoid, o adapalene, na may 0.1% gel, ay maaaring tumulong sa pagkawala ng bara ng porse, na nagpapabuti ng resulta mula sa benzoyl peroxide wash.

Paano Ko Maiiwasan Ang Tigyawat sa Likod?

Maraming mga tao ang sumasang-ayon na kailangan nating maghilamos ng mukha ng 1-2 beses kada araw, at ganun din para sa ating katawan. Ang ating mga katawan ay marurumihan sa buong maghapon, kaya’t mainam na maligo.

Mainam na maligo matapos mag-ehersisyo, kung marami kang pawis. Tandaan na iwasan ang malakas na pagkuskos ng mukha.

Huwag Tanggalin Ang Tigyawat

Ang pagtanggal at pagputok ng tigyawat ay nagpapalala nito. Maaari itong maging mas mahapdi at maari ring lalong mairita ang iyong balat. Karagdagan, maaari rin itong humantong sa pagpepeklat.

Iwasan Ang Sikat Ng Araw

Ang paglalagay ng proteksyon sa araw sa iyong likod kung ikaw ay pupunta sa dagat, lalangoy, atbp ay maaaring makatulong upang maiwasan ang tigyawat sa likod. Ang exposure sa araw ay lalong nagpapamula at nagpapahapdi, at nagpapaitim ng iyong mga pagaling na marka ng tigyawat.

Palitan Ang Sapin Sa Kama

Ang pagpapalit ng napagpawisan o maduming damit ay magandang paraan upang maiwasan ang bacne, ngunit huwag mo ring kalilimutan ang pagpapalit ng iyong sapin sa higaan. Ang iyong kama ay maaaring pagmulan ng maraming bacteria at dead skin cells, na maaaring makairita sa balat.

Mas mainam na magpalit ng sapin sa kama kada isa o dalawang linggo. Kung posible, subukan na pumili ng skin-friendly at walang amoy na detergent kung maglalaba ng sapin.

Iwasan Ang Friction

Ang friction sa balat (lalo na lung pawis at/o mainit) ay maaaring maging dahilan ng acne mechanica. Maaari mong iwasan ang friction sa mga sumusunod na paraan:

  • Masyadong masikip na kwelyo
  • Masisikip na damit
  • Pagsusuot ng mabigat na backpacks
  • Athletic gear o pads
  • Purse straps

Mahalagang Tandaan

Ang bacne o tigyawat sa likod ay madaling malunasan kung alam mo ang eksaktong dahilan at mga paraan upang maiwasan ito. Makipag-ugnayan sa iyong dermatologist para sa maayos na diagnosis at lunas.

Alamin ang tungkol sa Tigyawat dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

New insights into acne pathogenesis: Exploring the role of acne-associated microbial populations, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1027811715001457?via%3Dihub, 15 December, 2020

Acne and hormones – How hormones affect your skin, https://int.eucerin.com/acne/article-overview/acne-and-hormones-130, 15 December, 2020

Inner thigh friction as a cause of acne mechanica, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/pde.13817, 15 December, 2020

Patient Information Leaflets acne, https://www.bad.org.uk/for-the-public/patient-information-leaflets/acne/?showmore=1&returnlink=http%3A%2F%2Fwww.bad.org.uk%2Ffor-the-public%2Fpatient-information-leaflets#.X9i7vtgzZPa, 15 December, 2020

Can the right diet get rid of acne?, https://www.aad.org/public/diseases/acne/causes/diet, 15 December, 2020

 

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pag-Moisturize Ng Balat: Ang Sikreto Sa Pagiging Mukhang Bata

Paano Alagaan ang Balat sa Tamang Paraan?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement