backup og meta

Sanhi ng Hormonal Acne, Anu-ano nga ba?

Sanhi ng Hormonal Acne, Anu-ano nga ba?

Ang pagbabago ng mga hormones sa katawan ay nalilito minsan. Ito ay nakakaapekto sa kalooban, disposisyon at maging sa tigyawat. Matuto pa sa sanhi ng hormonal acne, sintomas, at gamot. Alamin dito ang sanhi ng hormonal acne.

Paliwanag sa Hormonal acne

Mula sa pangalan nito ang hormonal acne ay nagdudulot ng pangit na paglabas ng mga tigyawat dahil sa hormonal imbalances, partikular ang pagtaas ng androgens tulad ng testosterone.

Maaaring madalas na maranasan ang pagkakaroon ng tigyawat sa mukha. Gayunpaman, ito ay maaaring makaapekto sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng dibdib, balikat, at sa likod sa iba’t ibang uri:

Ito ang mga kadalasang direktang epekto ng labis na sebum o langis sa oil glands.

May ibang tao na kilala ito bilang adult acne, bagaman ito ay karaniwan sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga kababaihan tuwing nagkakaroon ng regla at menopause.

Hormonal Acne vs. Fungal Acne: Paano ito Nagkakaiba?

Dahil ang parehong uri ng tigyawat ay nagsisimula sa follicles ng buhok, ang fungal acne at hormonal acne ay madalas na napagpapalit. Ang fungal acne ay lumalabas kung labis ang mga yeast, samantala ang hormonal acne ay nagdudulot ng breakouts dahil sa labis na mga sebum o langis.

Mga Sintomas ng Hormonal Acne

Habang nagdadalaga/nagbibinata, ang hormonal acne ay karaniwan sa T-zone – ilong, baba, at noo. Ang adult hormonal acne ay nagsisimula sa ibabang bahagi ng mukha, kabilang na ang panga at ibabang bahagi ng pisngi.

  • Comedones (mayroong dalawang kategorya ang: whiteheads at blackheads)
  • Maliit na tigyawat
  • Maliit na tigyawat na may nana
  • Nodule
  • Cysts

Mga Sanhi ng Hormonal Acne

Anumang uri ng tigyawat ang mayroon ka, ito ay resulta ng mga baradong pores. Lumalabas ang hormonal acne dahil sa pagbabago ng mga hormones at tumataas ang inilalabas na langis ng balat. Ang langis na ito ay mula sa mga bacteria sa iyong pores kung saan din tumutubo ang buhok ang nagdudulot ng tigyawat.

Ang baradong pores ay dulot ng:

  • Labis na sebum o langis
  • Patay na selula ng balat
  • Bacteria

Mayroong ilang mga hindi kontroladong hormonal acne na naidudulot ng:

  • Pagbabago sa lebel ng hormone ng babae, tulad ng habang may regla (regular man o iregular), pagbubuntis, menopause, o matapos ang pagtigil sa paggamit ng birth control
  • Iba pang epekto sa lalaki na sumasailalim sa testosterone therapy
  • Genetic predisposition o lahi sa pamilya
  • Iba pang epekto ng mga gamot (halimbawa na ang steroids)
  • Mga kasalukuyang medikal na kondisyon (PCOS o polycystic ovary syndrome, obaryo, at metabolic na mga karamdama)

Ilan sa mga nakokontrol na nagdudulot ng hormonal acne ay:

  • Stress
  • Kakulangan sa tulog
  • Paggamit ng mga produkto para sa buhok at balat na hindi oil-free o non-comedogenic

Sa karagdagan, ang polusyon, mataas na kahulamigmigan, paggalaw ng mga tigyawat, at mababang kalidad ng diet ay maaaring magpalala ng mga tigyawat.

Paanong nakaaapekto ang Progesterone at Testosterone sa Pagkakaroon ng Tigyawat?

Mayroong kaugnayan sa pagitan ng pagbabago-bago ng hormone tulad ng progesterone at testosterone at pagkakaroon ng tigyawat.

Ang progesterone (sex hormone levels) habang nasa buwanang dalaw ay mayroon malaking kaugnayan sa pagkakabuo ng tigyawat bago ang pagreregla.

Tumataas ang lebel ng progesterone sa kalagitnaan ng sirkulasyon, na maaaring magpasigla sa sebaceous glands ng balat. Maaari din itong magdulot ng pagtaas ng temperatura sa katawan at mapalala ang pagpapawis, na magreresulta sa pagbabara ng pores. Ang acne breakouts bago at habang nireregla ay dahil sa naiipong sebum at iba pang dumi.

Samantala, ang testosterone ay gumaganap tuwing nasa pagdadalaga/pagbibinata kung kailan madalas maranasan ang malalang breakouts. Tulad sa progesterone, ang pagtaas ng testosterone ay nagpapataas din ng sebum mula sa skin glands.

Ano ang Maaari mong Gawin dito? Paano mo ito Magagamot?

Bagaman hindi palagian ang pagkontrol sa tigyawat dahil sa pagbabago-bago ng hormones, mayroong iba’t ibang paraan kung paano ito magagamot. Narito ang ilan sa mga karaniwang gamot na maaaring gawin:

  • Oral contraceptive pills
  • Anti-androgen na mga gamot
  • Retinoids
  • Tea tree oil
  • Light therapy

Maaari mo rin idagdag sa mga nakatala ang ilang gawain tulad ng pagbabago sa dyeta ay araw-araw na paglilinis sa balat.

Mahalagang Tandaan

Maaaring sabihin ng iba na ang hormonal acne ay hindi maiiwasan dahil sa maraming kadahilanan. Ngunit katulad ng iba pang nararanasan breakout, mayroong paraan para sa’yo upang magamot ito.

Palaging tandaan: Huwag personal na putukin ang mga tigyawat; maaari lamang nitong magpalala ng sitwasyon. Palaging komunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa tigyawat dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne, https://www.nhs.uk/conditions/acne/ Accessed December 22, 2021

Acne, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047 Accessed December 22, 2021

Acne: Tips for Managing, https://www.aad.org/public/diseases/acne/skin-care/tips Accessed December 22, 2021

Adult Acne, https://www.aad.org/public/diseases/acne/really-acne/adult-acne Accessed December 22, 2021

Adult Acne Versus Adolescent Acne – Nevena Skroza, MD, Ersilia Tolino, MD, Alessandra Mambrin, MD, Sara Zuber, MD, Veronica Balduzzi, MD, Anna Marchesiello, MD, Nicoletta Bernardini, MD, Ilaria Proietti, MD, and Concetta Potenza, MD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5788264/ Accessed December 22, 2021

Hormonal Acne, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21792-hormonal-acne Accessed December 22, 2021

Tea tree oil, https://www.nccih.nih.gov/health/tea-tree-oil Accessed December 22, 2021

The relationship of diet and acne – Apostolos Pappas, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2836431/ Accessed December 22, 2021

Kasalukuyang Version

07/21/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement