backup og meta

Peklat Ng Tigyawat, Paano Ito Matatanggal Sa Natural Na Paraan?

Peklat Ng Tigyawat, Paano Ito Matatanggal Sa Natural Na Paraan?

Ang acne ay isang pangkaraniwang kondisyon ng balat. Humigit-kumulang 80% ng mga indibidwal sa pagitan ng edad na 11 at 30 ang nakakaranas nito. Dahil dito, maaaring isa sa mga tanong ay kung paano maalis ang peklat ng tigyawat sa natural na paraan, at ano ang dapat gawin para maiwasan ang mga ito? Magbasa para malaman mo.

Ano Ang Acne Scarring?

Ang acne scarring ay ang after effect ng pamamaga dahil sa acne blemishes. Lumalawak ang inflamed acne pore, na nagreresulta sa pagkasira sa wall ng pore at pagkawala ng tissue ng balat. Ang ilang peklat ng tigyawat ay mababaw at maaaring gumaling nang mabilis. Gayunpaman, kung ang substance ng blemishes ay kumalat sa nakapaligid na tisyu maaari itong magdulot ng mas malalalim na peklat. Kailangan ng pangmatagalang proseso para mamanage.

Mga Uri Ng Acne Scars

Ang acne ay maaaring banayad, katamtaman, o malubha. Ang mga banayad na anyo ng acne ay mga whiteheads at blackheads, na kadalasang gumagaling nang natural. Gayunpaman, ang malalang anyo ng acne ay maaaring magresulta sa mga peklat ng tigyawat.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng acne scarring: 

  • Discoloration scarring, kung saan ang apektadong balat ay nananatiling mas maitim kahit na ang acne ay naalis na. Kabilang dito ang pula, lila o kayumangging discoloration na maaaring kusang kumukupas sa loob ng ilang buwan. 
  • Indentation scarring, na karaniwang nangyayari pagkatapos ng matinding acne. Ang mga indentation scar ay nangyayari kapag ang tuktok na layer ng balat ay hindi ganap na gumaling, na nag-iiwan ng mas malalim na marka.

Ang mga indentation scar ay hindi ganap na nawawala, bagaman ang kanilang hitsura ay kadalasang bumubuti sa paglipas ng panahon.

Nasa ibaba ang mga uri ng naka-indent na acne scars:

  • Ice-pick scars – makitid, hugis-V na peklat
  • Rolling scars – mga peklat na karaniwang may malalawak na depressions na may sloping edges 
  • Boxcar scars – malapad na peklat; may matutulis na gilid
  • Atrophic scars – mga peklat na flat at payat
  • Hypertrophic o keloid scars – makapal, hindi pantay na mga peklat na halata sa ibabaw ng balat.

Epekto Ng Peklat Ng Tigyawat Sa Isang Indibidwal

Ang pagkakapilat ng acne ay maaaring magdulot ng maraming pag-aalala, at katanungan kung paano maalis ang mga peklat nang natural.

Ang pag-aalala ay maaaring nagmumula sa mga negatibong pang-unawa tungkol sa acne. Isang online na multi-national survey ang isinagawa at nagpakita na hindi maganda ang tingin ng lipunan sa acne. Karamihan sa mga indibidwal ay nagsabi na gusto itong itago o takpan ang kanilang mga acne scars. Ang dahilan ay nagdudulot ito ng kahihiyan, kamalayan sa sarili, mababang self-esteem at self-confidence. Ang mga peklat ng tigyawat ay maaari ding pagmulan ng pagkabigo, kalungkutan, galit, at/o pagkabalisa na maaaring mauwi sa hindi normal na social function at mapanirang ideya sa sarili.

Paano Maalis Ang Peklat Ng Tigyawat Sa Natural Na Paraan? 

Mayroong iba’t ibang paraan para gamutin ang mga acne scars, depende sa kung gaano kalubha ang iyong mga peklat, bagama’t marami sa mga opsyon na ito ay kailangan ng pagpunta sa doktor. Pinakamabuting magpatingin muna sa isang dermatologist para masuri ang iyong mga peklat kung ito ay talagang mga peklat. Maaari din matukoy ang pinakamahusay na diskarte para mapabuti ang iyong mga peklat.

Narito ang ilang mga paggamot para sa acne scarring:

Treatment Para Sa Discoloration Scarring

Para sa discoloration scarring, ang mga topical treatment ay maaaring gamitin para malabanan ang hyperpigmentation. Ang mga topical retinoid ay maaaring gamitin para makatulong na mapabuti ang texture ng iyong balat, at maaaring makatulong na mabawasan ang pagkawalan ng kulay para hindi gaanong makita ang mga peklat.

Maipapayo rin na gumamit ng higit pang sunscreen para maprotektahan ang iyong balat kapag lumabas ka upang maiwasan ang karagdagang post inflammatory hyperpigmentation.

Treatment Para Sa Indentation Scarring

Maaaring gumamit ng iba’t ibang paggamot para sa pagkakapilat ng indentation. 

Ang mga peklat ng ice pick at boxcar ay maaaring mapabuti sa dermabrasion, laser resurfacing, at chemical peels. Kabilang dito ang pag-alis ng mga layer ng balat para hindi gaanong makita ang peklat.

Ang boxcar at rolling scars ay maaaring mapabuti sa paggamit ng mga subcision technique at ang pag-iniksyon ng mga filler sa ilalim ng balat. Ang mga ito ay tumutulong sa pagpapakinis ng mga depressed scars.

Pwedeng alisin at isara ang sugat ng mas malalaking peklat. Ito ay para maging mas manipis, hindi gaanong kapansin-pansin ang peklat ng tigyawat.

Maaaring gamutin ang hypertrophic scars gamit ang surgical revision, o cryotherapy, kapag ang mga peklat ay na frozen off. Ang mga topical steroid ay maaari ding gamitin sa peklat.

Kahalagahan Ng Maaga At Agresibong Paggamot

Paano maalis ang peklat ng tigyawat? Ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang acne scarring ay ang paggamot nang maaga. Maaaring isang mahabang proseso ang paggamot sa acne bago ang peklat ng tigyawat. Ngunit ito ay mahalaga para mabawasan ang panganib ng malubhang acne scarring at mabawasan ang mga potensyal na komplikasyon ng acne.

Bahagi ng pag-iwas sa acne scarring ay ang pagsisikap na hindi pisilin o kurutin ang iyong mga tigyawat dahil ito ay maaaring lumikha ng peklat.

Pangalawa, kung ang iyong acne ay nasa maagang yugto pa, maaari mong subukan ang mga over-the-counter (OTC) na gamot tulad ng benzoyl peroxide para mabawasan ang pamamaga.

Panghuli, huwag kalimutang kumunsulta sa isang dermatologist para sa pagsusuri ng sanhi ng iyong acne at maibigay ang tamang paraan ng paggamot. 

Kung magpapatuloy ang mga sintomas, kumunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Acne dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Cleveland Clinic: Disease & Conditions – Acne Scars, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21222-acne-scars, Accessed Feb 8 2022

2 DermnNet NZ: All about the skin – Acne scarring, https://dermnetnz.org/topics/acne-scarring, Accessed Feb 8 2022

3 NCBI – How People with Facial Acne Scars are Perceived in Society: An Online Survey, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4906107/, Accessed Feb 8 2022

4 Houston Methodist Leading Medicine – Will Acne Scars Fade Over Time? https://www.houstonmethodist.org/blog/articles/2021/jun/will-acne-scars-fade-over-time/, Accessed Feb 8 2022

5 NCBI – Why Topical Retinoids Are Mainstay of Therapy for Acne, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5574737/, Accessed Mar 3 2022

6 Mayo Clinic – Acne scars: What’s the best treatment? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/expert-answers/acne-scars/faq-20058101, Accessed Mar 3 2022

7 Mayo Clinic News Network – Mayo Clinic Q and A: Treatment Options for Acne Scars That Don’t Improve Over Time, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-q-and-a-treatment-options-for-acne-scars-that-dont-improve-over-time/, Accessed Mar 3 2022

Kasalukuyang Version

06/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement