Isang uri ng dietary supplement ang fish oil na binubuo ng omega-3 fatty acids. Kapag ininom ito (capsule, liquid, o pill), nagbibigay ang fish oil ng napakaraming benepisyo tulad ng pagpapabuti ng muscle activity, cell growth, paggana ng utak, at pag-iwas sa sakit. Ang mahahalagang fats na makukuha sa fish oil ay hindi naibibigay ng katawan. Kaya’t kailangan itong makuha mula sa pagkain. Bagaman kilala ang maraming benepisyo ng fish oil sa kalusugan, hindi masyadong popular ang fish oil para sa tigyawat. Gaano ito kabisa?
Mga Benepisyo ng Fish Oil Supplements
May dalawang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa fish oil. Ito ang docosahexaenoic acid (DHA) at eicosapentaenoic acid (EPA). Ang DHA at EPA ay makukuha sa fatty fish gaya ng salmon, shellfish, tahong, talaba, mackerel, trout, at alimango. Isa pang uri ng omega-3 ang alpha-linolenic acid (ALA) na matatagpuan sa iba pang pagkaing hindi isda, tulad ng seeds, vegetable oils, at mani. Maraming benepisyo sa kalusugan ang fatty acids na ito.
May tatlong formulations ang fish oil: pill, capsule, at liquid. Kadalasang iniinom ng mga tao ang fish oil dahil sa kakayahan nitong magpagaling ng pamamaga. Based sa mga pag-aaral, nagagawang gamutin ng fish oil supplements ang mga sumusunod na kondisyon:
Sakit sa Puso
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang mga taong umiinom ng fish oil ay may mababang tsansang makaranas ng sakit sa puso. Gayunpaman, sinabi rin sa mga pag-aaral na ito na may kaunti o walang benepisyo ang fish oil sa puso. Tumutulong lang ito upang makaiwas sa sakit sa puso ngunit hindi nito napabubuti ang kalusugan ng puso.
Rheumatoid Arthritis
Nakatutulong ang pag-inom ng fish oil supplements upang guminhawa mula sa rheumatoid arthritis. Ang mga sintomas gaya ng pananakit, paglambot ng kasukasuan, at morning stiffness ay puwedeng masolusyunan ng fish oil supplements. Tandaang hindi ginagamot ng fish oil ang mga kondisyong ito. Binabawasan lang nito ang discomfort mula sa arthritis. Dagdag pa, iniiwasan ng fish oil na uminom ang tao ng nonsteroidal anti-inflammatory medications.
High Blood Pressure
Medyo napabababa ng fish oil ang blood pressure, lalo na ng mga taong may moderate to severe high blood pressure. Maaaring walang makitang pagbaba ng blood pressure sa mga taong may elevated (mild) blood pressure kung iinom sila ng fish oil supplements.
Mataas na Triglycerides at Cholesterol
Kayang makabawas ng triglycerides – isang uri ng fat na matatagpuan sa dugo, ang pag-inom ng mataas na doses ng omega-3. Para naman sa cholesterol, napatataas ng fish oil supplements ang parehong good at bad cholesterol.
Mga Problema sa Balat
Maraming mga pag-aaral ang nagpakitang nagbibigay ng mga benepisyo sa kondisyon ng balat tulad ng kanser sa balat, dermatitis, eczema, allergy, at melanogenesis ang fish oil supplements. Kayang mapabuti ng fatty acids ng fish oil ang skin’s barrier at nakatutulong sa pagpapagaling ng mga sugat. Lumabas sa mga pag-aaral ang positibo nitong resulta sa mga taong may moderate to severe acne.