Naranasan mo na bang magising sa isang hindi inaasahang tigyawat na tila nag hi sa iyo nang tingnan mo ang iyong sarili sa salamin? Ay naku! Dito, ibabahagi namin sa iyo ang ilang essential oil para sa tigyawat para mapangalagaan ang iyong balat.
May mga araw na talagang hindi nakikisama ang iyong balat. Marami ang nakakaranas ng ganitong uri ng pag-aalala. Maaari mong makita ang iyong sarili na sumusubok ng iba’t ibang mga produkto pero walang epekto. Kung ito ang kaso, maaari kang pumili ng isang mas simpleng lunas sa balat tulad ng mga essential oil para sa tigyawat.
Ano ang mga Essential Oils?
Ang mga essential oils ay puro extracts na nagmula sa iba’t ibang halaman. Ang terminong “essential” ay tumutukoy sa katangian nito na mapanatili ang natural na fragrance at flavor mula sa plant source.
May sariling espesyal na komposisyon ng kemikal, na responsable para sa pabango, pagsipsip, at mga epekto sa katawan ang bawat essential oil. Nag-iiba ito depende sa piniling plant extract.
Inihahanda ng mga chemist at manufacturer ang mga solusyong ito sa pamamagitan ng mechanical pressing o distillation. Ang isang pound ng lavender oil, halimbawa, ay nangangailangan ng humigit-kumulang 220 pounds ng mga bulaklak ng lavender.
Ang mga essential oils ay aktwal na gumagawa ng eksena sa mundo ng mga mamimili. Gusto ito mga tao dahil maaaring dala nilang mga benepisyo:
- Pinapaginhawa ang pananakit ng ulo
- Pinapabuti ang pagtulog
- Pinapalakas ang mood
- Binabawasan ang pagduduwal
- Pinapaginhawa ang stress at pagkabalisa
- Binabawasan ang nakikitang mga peklat
5 Essential Oil Para sa Tigyawat
Isa sa mga pinaka-karaniwang alalahanin sa balat ng mga tao ay masakit na acne breakouts. Iminumungkahi ng pananaliksik na ang essential oils ay nagbibigay ng antibacterial at anti-inflammatory properties, kaya ang kanilang mga formulation ay kapaki-pakinabang para sa balat.
Nasa ibaba ang ilan sa mga pinakakaraniwang essential oil para sa tigyawat na maaari mong subukang gamitin sa bahay:
Tea Tree Oil
Ang tea tree oil ay isang tiyak na top pick na mabibili. Ito ay kilala bilang isang anti-acne ingredient salamat sa mga anti-inflammatory properties nito. Bukod dito, ang mga antibacterial properties nito ay nakakatulong na disimpektahin ang iyong mga pores, habang binabawasan din ang pamamaga ng apektadong lugar.
Rosehip Oil
Ang ilang mga tao ay gumagamit ng rosehip oil bilang isang mabisang moisturizer.
Ang mga anti-inflammatory properties ng langis na ito ay kapaki-pakinabang din sa mga taong dumaranas ng iba pang mga sakit sa balat tulad ng eczema. Bukod pa riyan, ang beta carotene, gayundin ang mga vitamin C at E, ay nakakatulong na mapanatili ang kalusugan at itsura ng balat.
Maaari kang makakuha ng langis ng rosehip sa pamamagitan ng pag extract ng mga buto ng wild rose bushes.
Rosemary Oil
Ang rosemary ay isang halaman na pinakakilala na ginagamit sa pagluluto. Ngunit, ginagamit din ito ng ilan bilang isang sangkap para gamutin ang acne at itaguyod ang malusog na balat at buhok.
Grapeseed Oil
Ito ay isa pang sikat na cooking oil na maaari ding gamitin bilang skincare product.
Isa itong anti-inflammatory, antioxidant, at antibacterial, dahil mataas ito sa omega fatty acids. Dahil dito, maaaring isama ang essential oil na ito sa iyong skincare routine bilang isang moisturizer.
Cinnamon Oil
Bukod sa pandagdag sa iyong kape o sa iyong mga baked goods, higit pa ang nagagawa ng cinnamon para sa iyong balat. Ito ay isang malakas na anti-inflammatory at antioxidant, na may mga bahagi tulad ng cinnamic acid. Ang paglalagay nito sa iyong mukha ay maaaring makatulong sa paggamot ng inflammatory acne tulad ng mga cyst, nodules, at pustules.