backup og meta

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?

Ang pagtiris sa tigyawat ay maaaring mahirap pigilin ng isang taong meron nito. At pag nakita niya ang maliit na puting nana na umuusbong, lalong natutukso na tirisin ito. Ang pagtiris nito ay maaaring humantong sa ilang mga problema, lalo na kapag hindi ito ginagawa ng isang propesyonal. Dapat bang tirisin ang tigyawat?   

Ano ang Dapat Mong Gawin Kung Ikaw ay May Tigyawat o Pimple?

Ayon kay Shilpi Khetarpal, MD, ang pinakamainam na treatment na magagawa ng isang tao ay mag-apply ng benzoyl peroxide. Ito ang pinakamabilis na paraan upang gamutin ang mga pimples at ang produkto at available sa maraming drug stores. Ang benzoyl peroxide ay epektibong treatment para sa ganitong skin condition. Ito ay dahil tinatanggal nito ang bacteria na bumabara sa pores.

May iba’t ibang mga treatment din sa iba’t ibang uri ng acne. Ang mga ito ay maaaring ikategorya sa tatlong uri: mild acne, moderate acne, at severe acne.    

Narito kung paano mo gagamutin ang acne ayon sa kalubhaan nito (tandaang humingi ng payo sa isang dermatologist, lalo na para sa mga malalang kaso):

Mild Acne

  • Gamutin ang blackheads at whiteheads sa pamamagitan ng paggamit ng resorcinol, salicylic acid, and sulfur).
  • Tanggalin ang bacteria, bawasan ang produksyon ng sebum, at magdagdag ng peeling product sa skincare routine para linisin ang mga pores (benzoyl peroxide ang pinakamagandang produkto para dito).
  • Gamutin ang acne inflammation sa pamamagitan ng paggamit ng mga produktong may salicylic acid.

Moderate Acne

  • Ituloy ang paggamit ng OTC treatment para sa acne. Kung nagpapatuloy pa rin ang acne, makipag-ugnayan sa isang dermatologist.
  • Kadalasan, kasama sa moderate acne treatments ang paggamit ng topical gel o cream products at mga antibiotic para maiwasan ang flare-up.
  • Para sa mga umiinom ng antibiotic, mahigpit na sundin ang reseta na ibinigay ng iyong doktor. 

Tandaan na may ilang uri ng antibiotic na may side effect tulad ng pagkakaroon ng stain sa ngipin. Siguraduhing makipag-ugnayan sa iyong doktor at tanungin kung ano ang mga side effect ng antibiotics sa iyo.

Bukod pa rito, ang ilang acne products ay may sangkap na retinoid. Ito ay may ilang side effect tulad ng pangangati ng balat at UV sensitivity. Tandaan ito at bawasan ang exposure ng iyong balat sa araw.

Severe Acne

Ang ganitong kalubhang acne ay magiging mahirap gamutin gamit ang OTC products at iba pang topical treatments. Kaya ang pinakamahusay na treatment para sa ganitong uri ng acne ay pagpapatingin sa isang dermatologist.

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?

Hindi mo dapat tirisin ang iyong tigyawat. Mas makakasama ito sa iyong balat.

Kung tirisin ang tigyawat, maaari itong mauwi sa mga sumusunod:

  • Permanenteng peklat
  • Masakit na acne/pamamaga
  • Pagkalat ng bacteria at impeksyon
  • Mas kapansin-pansin na acne

Maraming mga dahilan kung bakit ipinapayo ng mga dermatologist na hindi dapat tirisin ang tigyawat sa bahay. 

Una, malaki ang posibilidad na maaaring ang ilan na gagawa nito ay hindi malinis ang kamay. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng bakterya. At itulak ang laman ng tigyawat sa loob ng mga pores, na magdudulot ng pamamaga o outbreak.

Pangalawa, ang pagtiris sa tigyawat ay pwedeng magpabagal ng healing process ng katawan. Kaya maaaring matagal mawala ang tigyawat sa balat.

Ang pinakamagandang gawin ay pabayaan ito dahil kusa itong mawawala sa paglipas ng panahon.

Kung gusto mong pabilisin ang pagpapagaling ng nito, maaaring direktang maglagay ng manipis na layer ng benzoyl peroxide dito.

Bilang karagdagan, may ilang mga produkto na dapat iwasan kapag ginagamot ang tigyawat: toothpaste, hydrogen peroxide, at baking soda ang ilan sa mga ito. Ang mga ito ay masyadong nakasasakit sa balat at magpapalala lamang sa kondisyon.

Kailan Dapat Magpatingin sa Dermatologist?

Kung ang topical treatments, mga OTC medications, at mga home remedy ay tila walang epekto, pinakamainam na magpatingin sa isang dermatologist.

Mas mabuti kung mas maaga kang bumisita sa isang dermatologist at ipasuri ang iyong balat. Ito ay upang maiwasan na maging masyadong matindi ang tigyawat sa iyong mukha (maaaring sa pagtiris nito).

Ang mga dermatologist ay nagbibigay ng diagnosis ng skin condition at magrerekomenda ng mga pinakamahusay na treatment para mapabuti ang iyong balat.

Key Takeaways

Dapat bang tirisin ang tigyawat? Ang pagtiris sa tigyawat ay hindi dapat makasanayan ng mga taong may acne. Nakita natin, maraming treatments na pwedeng gawin sa halip na tirisin ito ng hindi malinis na kamay at iba pa. Kung lumala ang acne mo, pinakamainam na bumisita sa dermatologist para sa pinakamahusay na paggamot.  

Matuto nang higit pa tungkol sa pag-iwas at pamamahala ng acne dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Should You Do If You Have a Tigyawat? https://health.clevelandclinic.org/a-dermatologists-advice-on-how-to-get-rid-of-a-pimple/, Accessed October 18, 2021

Prevent and Treat Teenage Acne, https://www.chla.org/blog/rn-remedies/prevent-treat-and-overcome-teenage-acne, Accessed October 18, 2021

Should I Pop My Pimple? https://kidshealth.org/en/teens/popzit.html, Accessed October 18, 2021

How to Treat Painful Pimples, https://www.aad.org/news/how-to-treat-deep-painful-pimples, Accessed October 18, 2021

Popping Pimples, https://www.aad.org/public/diseases/acne/skin-care/popping, Accessed October 18, 2021

Should You Pop That Pimple, https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/live-well/2019/04/should-you-pop-that-pimple/, Accessed October 18, 2021

When Should You See a Dermatologist? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/diagnosis-treatment/drc-20368048, Accessed October 18, 2021

Kasalukuyang Version

11/29/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Blackheads?

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement