backup og meta

Ano ang Fungal Acne, at Ano ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano ang Fungal Acne, at Ano ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ikaw ba ay nagtataka kung ano ang nag dudulot ng namumulang kalat-kalat na tigyawat hindi lang sa mukha? Iyon ay tinatawag na fungal acne at ang ganitong uri ng kondisyon sa balat ay dulot ng Malassezia furfur, isang fungus o yeast– ito ay natural na nasa balat. Ngunit ito ay maaaring maipon at maging sanhi ng sobrang pagtubo ng ganitong klaseng tigyawat. Ito ay tutubo sa follicles ng buhok at dadami. Ito ay nagdudulot ng pakiramdam ng pangangati sa nahawaang bahagi at magiging sanhi ng maliit na pamumula sa balat.

Ang fungal acne o kilala rin bilang pityrosporum folliculitis, ay isa ring rason kung bakit patuloy na nagdurusa ang isang tao sa tigyawat, kahit pa ito’y gumagamit ng antibiotic upang gamutin ito. 

Nakahahawa ba ang Fungal Acne?

ano ang fungal acne

Hindi nakahahawa ang fungal acne. Ito ay isa lamang kondisyon sa balat na resulta ng sobrang yeast. Ang yeast ay isang normal na bahagi ng flora ng balat, subalit, ang ilang mga tao ay madaling makapitan ng pagdami ng mga ito dahil sa mga sumusunod na mga dahilan tulad: 

  • Ang temperatura sa paligid (mainit at mahalumigmig na paligid ay umaakit sa yeast na mas tumubo.)
  • Paggamit ng mga produkto na oily (sunscreen at coconut oil)
  • Diabetes
  • Pagod
  • Stress
  • Balat na may likas na maraming sebum
  • Oral contraceptive pills
  • Sobrang timbang
  • Immunity sa microorganism

Ang ganitong uri ng tigyawat ay nagpapabalik-balik. Sa kabutihang palad, mayroong mga paraan upang maiwasan itong mangyari. Ang solusyon ay ang paggamit ng topical na gamutan tulad ng selenium sulfide shampoo, topical ketoconazole, at econazole na solusyon. Lingguhan ang dapat na paggamit upang maiwasan ang pag-ulit.

Maaari ding uminom ng gamot, imbis na topical na gamutan. May ilang doktor ang nagsasabi na ito ay higit na mabisa upang maiwasan ang pagpapabalik-balik ng ganitong uri ng tigyawat kung ikukumpara sa mga topical na produkto. Subalit, ang mga pagaaral na isinagawa ng mga klinika ay hindi pa napatunayang pare-pareho ang resulta sa ganitong uri ng paggagamot. Fluconazole ang pinakamahusay na gamot sa pagpapagaling ng ganitong uri ng tigyawat.

Paanong ang Fungal Acne ay Naiiba sa Iba Pang Uri ng Tigyawat?

Isa sa mga karaniwang pinag hahambingan ng ganitong uri ng tigyawat ay ang hormonal na tigyawat. Ngunit, naiiba ang fungal acne dahil ito ay sanhi ng labis na pagtubo ng yeast sa follicles ng buhok. Sa kabilang banda, ang hormonal na tigyawat naman ay dulot ng sobrang sebum sa follicles ng buhok.

Sa sintomas, ang fungal acne ay nagiging sanhi ng pangangati ngunit hindi masakit kung ikukumpara sa ibang uri ng tigyawat. Ang hormonal na tigyawat ay nagdudulot ng pananakit dahil sa prominenteng pamamaga. Ang ibang uri ng tigyawat tulad ng nodule acne at cystic na tigyawat ay naiiba rin sa fungal na tigyawat dahil ang mga ito ay masakit at malambot kung hahawakan at naglalabas ng nana.

Paggamot sa Ibang Uri ng Tigyawat

Kung paggagamot ang pag-uusapan, ang fungal na tigyawat ay hindi maaaring gamutin gamit ang kontra-bacteria at kontra-pamamaga na mga produkto. Ang fungal na tigyawat ay nangangailangan ng kontra-yeast na mga produkto upang umepekto. Ang topical na kontra fungal na mga produkto ay maaari lamang umepekto sa mga katamtamang antas ng fungal na tigyawat

Sa kabilang banda, ang gamot sa hormonal na tigyawat ay antibiotics at retinoids (katamtaman at malalang tigyawat), topical creams (blackheads at whiteheads), benzoyl peroxide, topical retinoid, at topical antibiotic (pamamaga ng tigyawat).

Kabilang naman ang antibiotic creams at ibang topical solutions sa paggagamot ng cystic na tigyawat, ito ay mag-aalis ng mga bacteria sa balat. Ang salicylic acid ay isa pang produkto na ginagamit para sa cystic na tigyawat. Ito ay nakatutulong na mamatay ang bacteria at mag-alis ng mga dead skin cells. Samakatuwid, ang gamot sa cystic na tigyawat ay animo’y pareho sa hormonal na tigyawat.

Para sa namamagang tigyawat o nodule acne, ang ganitong uri ng kondisyon sa balat ay hindi maaaring gamutin gamit ang mga topical na produkto. Kalimitan, ang paggamot dito ay ginagamitan ng pag-inom ng gamot tulad ng isotretinoin. Ang ibang gamot — kabilang ang oral antibiotics (para sa secondary bacterial infection), adalimumab (immunosuppressant), at systemic corticosteroids (pagbawas sa pamamaga).

Kung gayon, ang hormonal na tigyawat, cystic na tigyawat, at nodule na tigyawat ay mayroong pag kakapareho sa uri ng paggagamot sa bacteria at pamamaga. Sa kabilang banda, ang fungal na tigyawat ay nakatuon sa gamot na tumutukoy sa fungi.

Kung ikaw ay nangangailangan ng higit na kalinawan tungkol sa pagkakaiba ng fungal na tigyawat at ibang uri ng tigyawat, mainam na komunsulta sa dermatologist. 

Key Takeaways

Mahalagang malaman ang mga uri ng tigyawat dahil ito ay makatutulong upang malaman kung anong uri ng gamot ang iyong dapat na gamitin sa iyong balat. Tandaan na ang Fungal na tigyawat ay naiiba sa iba pang uri ng tigyawat na mangangailangan ng ibang uri ng paggagamot. Mainam na rin na ipatingin ang iyong balat sa dermatologist kung ang problema sa iyong tigyawat ay hindi nalulutas.

Matuto pa tungkol sa tigyawat dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

Fungal acne

https://wexnermedical.osu.edu/blog/fungal-acne

https://www.aocd.org/page/PityrosporumFollicu

October 19, 2021 

Fungal acne treatment 

https://dermnetnz.org/topics/malassezia-folliculitis

October 19, 2021

Hormonal acne 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21792-hormonal-acne

October 19, 2021

Types of acne 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12233-acne

October 19, 2021

Cystic acne 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21737-cystic-acne

October 19, 2021

Nodule acne 

https://dermnetnz.org/topics/nodulocystic-acne

October 19, 2021

Kasalukuyang Version

06/10/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement