Takot ka ba at ang iyong anak sa kidlat? ‘Yung tipong hindi mo kayang lumabas ng bahay dahil sa kaba na tamaan ka ng kidlat at maging sanhi ng iyong kamatayan. Huwag kang mag-alala, dahil gaya mo marami ring mga indibidwal na takot sa kidlat.
Sa katunayan, tinatamaan ng kidlat ang isang tao kapag siya ay nasa lugar o path nang discharge ng electricity mula sa atmosphere. Ang kidlat rin ay sanhi ng buildup ng electrical charges sa atmosphere, at kapag ang charges na ito ay naging sapat, isang spark o lightning bolt ang napo-produce. Maaari kang tamaan ng kidlat kung nasa maling lugar, at maling oras ka. Halimbawa, ang isang indibidwal ay nasa open field o malapit sa matataas na bagay tulad ng mga puno, poste o gusali.
Kaya naman, mahalagang magsagawa ng mga pag-iingat sa kaligtasan sa panahon ng mga bagyo, tulad ng paghahanap ng masisilungan sa isang matibay na gusali o sasakyan, pag-iwas sa mga bukas na bukid at anyong tubig, at pag-iwas sa matataas na bagay. Makakatulong din ang pag-alam ng mga dapat gawin kapag tinamaan ng kidlat, upang maging ligtas mula sa trahedya.
Para malaman ang mga dapat gawin kapag tinamaan ng kidlat ang iyong anak, patuloy na basahin ang article na ito.
5 Dapat Mong Gawin Kapag May Tama Ng Kidlat Ang Isang Tao
Kung ang tinamaan ang isang tao o ang iyong anak ng ng kidlat, mahalagang humingi ng agarang medikal na atensyon. Gayunpaman, narito pa ang ilang mga bagay na maaaring gawin upang matulungan ang tao sa pansamantala:
- Call for help
Tumawag para sa emergency medical services at mag-stay kasama ang taong tinamaan ng kidlat hanggang sa dumating ang mga tao at tulong na itinawag.
- Assess the current status of the victim
Suriin ang paghinga, pulso, at level of consciousness. Kung hindi sila humihinga o walang pulso, simulan ang CPR kung ikaw ay sinanay na gawin ito. Ngunit kung hindi mainam na humingi ng tulong sa mga taong sanay sa pagsasagawa nito.
- Assess the situation and area
Maganda kung magiging aware sa patuloy na panganib sa kidlat para sa taong natamaan at sa rescuer. Kung nasa isang lugar kayo na may mataas na peligro (halimbawa, sa isang open field), mataas ang inyong panganib sa kidlat. Kaya naman, kung kinakailangan na lumipat sa mas ligtas na lokasyon, gawin ito.
Dahil hindi pangkaraniwan o unusual para sa isang taong nakaligtas sa tama ng kidlat na magkaroon ng anumang malalaking bali ng buto na magdudulot ng paralisis o malalaking komplikasyon ng pagdurugo, maliban na lamang kung ang tao ay dumanas ng pagkahulog o tumilampon o talsik sa malayong distansya.
Sa making sabi, pwedeng maging ligtas ang paglipat sa biktima upang mabawasan ang panganib ng karagdagang exposure sa kidlat. Gayunpaman, hindi mo dapat ilipat ang mga biktima na may bleeding o tila may mga bali ng buto.
- Keep them warm
Kung ang tao ay may malay at humihinga, ihiga siya at bigyan ng init. Maaaring takpan sila ng kumot o dyaket para panatilihing mainit at maprotektahan sila mula sa ulan.
- Remove any clothing or jewelry from the affected area
Kung ang tao ay nakakaranas ng paso, alisin ang anumang damit o alahas sa apektadong bahagi, at banlawan ng malamig o cool water.
Tandaan, ang mga biktima ng kidlat ay maaaring magkaroon ng panloob na pinsala at dapat silang suriin ng mga medical professionals. Kaya‘t napakahalagang humingi kaagad ng medikal na atensyon.
6 Na Dapat Gawin Habang Nagpapagaling
Kung tinamaan ng kidlat ang iyong anak, o ang ibang tao, mahalagang humingi kaagad ng medikal na atensyon. Sa oras rin na makatanggap na sila ng mga naaangkop na paggamot, narito ang ilang mga bagay pa na maaari gawin habang sila ay nagpapagaling:
1. Rest and recuperate
Kapag tinamaan ng kidlat ang isang tao, maaaring magdulot sa kanila ito ng malawak na hanay ng mga pinsala, kabilang ang mga paso, pinsala sa ugat, at internal injuries. Kaya mahalagang magpahinga at bigyan ng oras ang katawan upang ganap na gumaling.
2. Follow your doctor’s advice
Pinakamahusay na sundin ang payo ng doktor sa mga paraan ng paggamot sa mga pinsalang nakuha dahil sa kidlat. Gayunpaman, maingat na sundin ang kanilang payo para matiyak ang mabilis na paggaling.
3. Stay hydrated
Ang mga pagtama ng kidlat sa isang tao ay maaaring magdulot ng dehydration, lalo na kung nakakaranas ng paso. Kaya’t mainam na uminom ng maraming tubig at iba pang mga fluid upang manatiling hydrated.
4. Eat healthy diet
Tandaan na ang pagkain ng balanseng diyeta na mayaman sa protina, bitamina, at mineral ay maaaring makatulong sa katawan na ayusin at pagalingin ang sarili nito.
5. Manage pain
Ang mga pagtama ng kidlat ay maaaring magdulot ng matinding sakit at discomfort, na maaaring makaapekto sa kalidad ng buhay. Kaya mas mainam na makipag-usap sa doktor tungkol sa pain management strategies, kabilang ang mga over-the-counter pain relief medications, at prescription painkillers.
6. Seek emotional support
Huwag kakalimutan na ang recovering mula sa pinsala ng kidlat ay maaaring isang traumatikong karanasan. Huwag mag-atubiling humingi ng emosyonal na suporta mula sa mga kaibigan, pamilya, o isang propesyonal sa kalusugan ng isip. Dahil, ang pag-recover mula sa tama ng kidlat ay maaaring tumagal, kaya maging matiyaga.