backup og meta

Alamin: Wastong paraan ng paglilinis ng tenga

Alamin: Wastong paraan ng paglilinis ng tenga

Ang ating mga tenga ay maraming ginagawa para sa atin. Kapag may kausap tayo sa phone, nakikipag-kwentuhan sa friends, nanonood ng tv, nakikinig ng music, ginagamit natin ang ating mga tenga. Kaya naman, napakahalaga na mapanatili ang mga ito na nasa mabuting kalagayan. Kasama dyan ang paglilinis ng tenga gamit ang cotton buds o cleaning kit, di ba? 

Well, baka hindi rin. Ang paglilinis ng tenga ay maaaring mas komplikado sa iniisip natin. Unahin nating pag-usapan kung bakit tayo nagkakaroon ng earwax. 

Bakit gumagawa ng earwax ang mga tenga?

Ang mga tenga mo ay natural na gumagawa ng earwax. Maaaring nakakadiri, pero ang pagkakaroon earwax ay magandang bagay. Self-cleaning organs ang mga tenga mo. At gumagawa sila ng earwax para makatulong na linisin at itulak ang anumang dumi at debris na maaaring ma-stuck sa mga tenga mo. 

Dagdag pa rito, ang earwax ay may anti-fungal at antibacterial properties. At tumutulong itong manatiling in good shape ang mga tenga mo. Kung mas kakaunti ang earwax, makati ang pakiramdam ng mga tenga mo at hindi komportable. Kaya, mabuting bagay ang pagkakaroon ng earwax.

Pero, ang masyadong maraming earwax ay maaaring problema din. Maaaring magbara ang mga tenga mo at mahirapan kang makarinig. Gayundin, prone sa infection ang labis na pagkakaroon ng earwax.

Kailangan mo bang linisin ang mga tenga mo?

Hindi mo talaga kailangang linisin ang iyong mga tenga. Kusang lumalabas ang earwax sa ating tenga, at hindi kailangang gumamit ng cotton buds o ear cleaning kit para linisin ang mga ito. Sa katunayan, kung minsan ang paglilinis ng iyong mga tenga ay maaaring mas makasama kaysa sa mabuti!

Ito ay totoo kapag ipinapasok mo ang cotton buds sa tenga mo. Ang nangyayari, kapag gumamit ka ng cotton buds, sa halip na ilabas ang earwax, itinutulak mo kasama ang anumang dumi at debris sa tenga mo. Ibig sabihin, pwedeng magbara ang tenga mo, o posibleng masira ang eardrums kung hindi mo sinasadyang itulak nang malakas.

Kaya inirerekomenda ng mga doktor na hayaan ang mga tenga mo at pabayaan ang kalikasan na gawin ang trabaho nito. Ngunit may mga pagkakataon na kailangan mo talagang linisin ang tenga mo. Lalo na kung maraming earwax, o impacted at nakakaapekto na ito sa pandinig mo.

Kailan dapat linisin ang mga tenga?

Ang mga taong nagkaroon ng operasyon sa tenga, impeksyon sa tenga, at mga nagsusuot ng hearing aid o ear plugs ay kadalasang mas prone sa buildup ng earwax. Sa ganitong mga kaso, maroon nang maraming earwax na nagiging sanhi ng problema.

Kailangan mo bang gumamit ng ear cleaning kit?

Ang mga taong may impacted na earwax ay baka matuksong gumamit ng ear cleaning kit. Ito ay kit na may iba’t ibang laki ng mga pick na magagamit sa paglilinis ng tenga. Bagama’t maaaring makita ng ilang tao na epektibo ang mga kit sa paglilinis ng tenga, hindi inirerekomenda ng karamihan sa mga doktor na gamitin ang mga ito upang linisin ang mga tenga mo.

Ang paggamit ng anumang matutulis na bagay sa loob ng tenga mo ay maaaring sobrang delikado. At nanganganib na aksidente mong matusok ang loob ng tenga o masira ang eardrums mo. Ang panuntunan ay, kung maaari mong ipasok sa tenga mo, hindi mo dapat ito ginagamit upang linisin ang iyong mga tenga. 

Isa pang dapat iwasan ang ear candling. Ang ear candling ay hindi napatunayan na aktwal na nililinis ang mga tenga ng tao. At sa katunayan ay pwedeng magdulot ng higit na pinsala kaysa sa mabuti.

Ano ngayon ang mga opsyon mo pagdating sa paglilinis ng tenga?

Paano dapat ang paglilinis ng tenga?

Ang isang paraan para gawin ito ay ang paggamit ng mga over-the-counter ear drops. Ang ear drops ay partikular na dinisenyo na makatulong na paluwagin nang ligtas ang anumang earwax na nakaipit sa tenga mo. At nang hindi nakakasama sa sa tenga.

Sundin ang steps na ito sa paggamit ng eardrops:

  • Humiga nang patagilid, nang nakaharap ang tenga na gusto mong linisin.
  • Ilagay ang inirerekumendang dami ng drops sa iyong tenga at maghintay ng ilang minuto para ang likido ay mababad at mapalambot ang anumang naipon sa iyong tenga.
  • Bago umupo, kumuha ng tissue at mag-ready na punasan ang iyong tenga. Ang likido kasama ang pinalambot na earwax ay dapat lumabas nang walang anumang problema.

Kung hindi gumana ang ear drops, ang pag-flush ng warm water ay makakatulong. Heto ang mga steps:

  • Kapag nag-flush ng mga tenga, gumamit ng warm water, hindi mainit.
  • Gamit ang bulb syringe, dahan-dahang i-flush ang likido sa iyong mga tenga upang maiwasang mapinsala ang iyong eardrums.
  • Ang maligamgam na tubig ay dapat mag-flush out sa impacted na earwax at dapat ay mas makakarinig ka.
  • Kung mayroon kang butas sa iyong eardrum, o nagkaroon ng eardrum surgery kamakailan, pinakamahusay na iwasan ang pamamaraang ito ng paglilinis ng tenga.

Kung ang mga method na nabanggit ay hindi gumana, makabubuting humingi ng professional na tulong.

Paano nililinis ng mga doktor ang mga tenga mo?

Gumagamit ang mga doktor ng mga espesyal na tool upang makatulong na linisin ang naapektuhang earwax sa iyong mga tenga. Ang ilang doktor naman ay gumagamit ng microscope. para mas makita ang loob ng iyong tenga, gayundin ang mga vacuum para ligtas na linisin ang earwax nang hindi nagdudulot ng pinsala sa iyong mga tenga.

Gumagamit ang ilan ng mga espesyal na ear pick para makatulong na ligtas na linisin ang iyong mga tenga. Ang mga doktor lamang ang dapat na maglagay ng mga bagay na ito sa loob ng iyong mga tenga dahil sila ay espesyal na sinanay na gamitin ang mga tool na ito upang maiwasan ang pinsala sa tenga.

Sa susunod na matukso kang linisin ang tenga mo, tandaan na ang mga tenga ay organ na naglilinis sa sarili. At ang tanging kailangan mong gawin ay paglilinis sa panlabas na tenga. Pinakamahusay na ipaubaya ang paglilinis ng tenga sa doktor mo. Ito ay para maiwasan ang anumang pinsala.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dos-and-donts-of-cleaning-your-ears, https://www.audika.com.au/hearing-news-blog/advice-and-tips/dos-and-donts-of-cleaning-your-ears, Accessed June 23 2020

Dos-and-donts-of-cleaning-your-ears, https://www.entnet.org/sites/default/files/uploads/PracticeManagement/Resources/_files/cobranded-cerumen_dos-donts.pdf, Accessed June 23 2020

3 reasons to leave earwax alone – Harvard Health Blog – Harvard Health Publishing, https://www.health.harvard.edu/blog/3-reasons-to-leave-earwax-alone-2017051711718, Accessed June 23 2020

Got an ear full? Here’s some advice for ear wax removal. – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/got-an-ear-full-heres-some-advice-for-ear-wax-removal, Accessed June 23 2020

Ear Wax Removal 101: The Best (and Safest) Ways to Clear Clogged Ears – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/ear-wax-removal-101-the-best-and-safest-ways-to-clear-clogged-ears/, Accessed June 23 2020

Kasalukuyang Version

09/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Solusyunan Ang Mabahong Paa?

Tandaan: First Aid Para Sa Carbon Monoxide Poisoning


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement