
Ang otitis media with effusion ay isa pang kondisyon na nakaaapekto sa gitnang tenga. Nangyayari ito kapag naipon ang likido sa gitnang tenga. Ngunit, hindi tulad ng nauna, hindi ito nagdudulot ng impeksyon. Kung kaya, hindi rin nagkakaroon ng lagnat, pananakit ng tenga, o pus build-up bilang mga sintomas.
Bukod sa dalawang nabanggit, mayroon ding tinatawag na swimmer’s ear o otitis externa. Ang nasabing impeksyon ay nagaganap sa outer ear canal, mula sa eardrum hanggang sa labas ng ulo. Madalas itong dinadala ng tubig na nananatili sa tenga, na lumilikha ng mamasa-masang kapaligiran dahilan para lumaki ang mga bacteria.
Para Saan Ang Pampatak Sa Tenga?
Ilan sa mga impeksyon sa tenga ay kusa namang gumagaling matapos ang ilang araw. Kadalasan, ang kailangan lang nito ay pagalingin ang pananakit at bigyan ng oras upang gumaling ito. Gayunpaman, ilan sa mga paraan ng paggamot ay maaaring ikonsidera at isagawa:
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap