Ang Achilles’ heel ay tinatawag ding called Achilles tendon. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang ang mahinang bahagi ng paa ng isang tao na kalaunan ay maaaring humantong sa Achilles injury sa sakong. Ipinangalan ito sa Greek mythological hero na si Achilles na kilalang pinakamalakas na mandirigma noong panahon ng digmaan ng Trojan. Subalit mayroon siyang isang kahinaan, ang kanyang sakong.
Isang fibrous band ng tissue ang Achilles’ heel na nag-uugnay sa muscle ng binti at sa buto ng sakong. Dahil ito ang pinakamalakas na litid sa katawan, ang tiyak na litid na ito ang nagbibigay ng kadaliang kumilos, lakas, at flexibility upang makapagsagawa ng mga pisikal na gawain. Kabilang rito ang paglalakad, pagtakbo, at pagtalon. Subalit kung ito ay mamaga, maaari itong humantong sa injury na tinatawag na Achilles injury. Ano ang Achilles injury? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Achilles Injury?
Dahil ang Achilles tendon (litid) ay isang mahalagang bahagi ng katawan na responsable sa pagkontrol ng stress at pressure sa iba’t ibang pang-araw-araw na gawain, sinoman ay maaaring magkaroon ng Achilles injury sa sakong.
Ang mga atleta ay madalas makaranas ng Achilles injury sa sakong habang sila ay sumasailalim sa training sessions at mga matitinding ehersisyong pampalakas. Maaari itong unti-unting gumaling nang kusa hindi tulad ng injuries sa bahagi ng muscles ng binti kung saan may kaunting suplay ng dugo upang masuportahan ang paggaling.
Achilles Injury Sa Sakong: Mga Senyales At Sintomas
Ang taong may Achilles injury sa sakong ay maaaring makaranas ng isa o higit pang mga senyales at sintomas:
- Pananakit sa likod na bahagi ng binti o malapit sa bahagi ng sakong
- Kahirapan sa paglalakad o pag-akyat sa pamamagitan ng mga daliri sa paa (matatas na lugar, halimbawa: hagdan)
- Pagkapal ng litid
- Pananakit at paninigas ng sakong (partikular na sa umaga)
- Panghihina ng apektadong binti
- Pananakit na lalong lumulubha sa paglipas ng panahon o kung ginagamit ang tiyak na bahagi
- Pamamaga ng Achilles tendon (litid)
- Kahirapang igalaw ang apektadong paa
- Biglang pananakit na tila sinaksak o sinipa ang kalamnan ng binti
- Mabilis na pagputok o pagkakaroon ng tunog at pakiramdam na tila may pumutok (maaaring humantong sa pagputok ng litid)
Achilles Injury Sa Sakong: Mga Sanhi
Ang mga sumusunod ay maaaring magresulta sa Achilles injury sa sakong:
Tendonitis
Ang sobrang paggamit o pagkasira ng apektadong bahagi ay kalaunan maaaring humantong sa tendonitis. Ito ay pamamaga at maaaring maging sanhi ng masakit na pakiramdam sa likod na bahagi ng binti, maging sa bahagi ng sakong. Ang litid ay maaaring kumapal at tumigas dahil dito na maaaring makapagpalubha ng sakit at kabuoang kondisyon.
May dalawang uri ng tendonitis:
- Noninsertional Achilles tendonitis. Nangyayari ang ganitong uri ng tendonitis kung ang maliit na punit sa gitnang fibers ng litid ay magsimulang sirain ang litid. Ang mga nakatatandang may aktibong paraan ng pamumuhay ay maaaring makaranas ng pananakit at pamamaga.
- Insertional Achilles tendonitis. Anomang edad o lebel ng fitness ng isang tao, maaari siyang makaranas nito. Maaaring magkaroon ng bone spurs (karagdagang paglaki ng buto) kung ito ang tendonitis ay mangyari sa bahagi kung saan ang litid at buto ng sakong ay nagtagpo.
Rupture
Dapat agad na humingi ng medikal na tulong kung mayroon ng bahagyang pagkasira (punit) sa litid. Ang ruptute ay maaari ding malaman kung may narinig na mabilis na pagputok o kung may naramdamang pagputok mula sa binti o buto ng sakong.
Ano Ang Achilles Injury? Paggamot Nito
Ang Achilles injury sa sakong ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng RICE method (rest (pahinga), ice (yelo), compression, at elevation (pagtaas)). Subalit sa ibang mga kaso, maaaring kailanganin pa ng mga sumusunod:
- Pisikal na therapy o rehabilitation
- Operasyon
Bago magpasyang sumailalim sa operasyon o therapy program, dapat munang komunsulta sa doktor upang masuri ang pasyente at ang sitwasyon nito.
Pag-Iwas Sa Achilles Injury Sa Sakong
Maiiwasan ang pagkakaroon ng Achilles tendon injuries sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na payo:
- Magsagawa ng stretching bago at pagkatapos mag-ehersisyo o ng anumang pisikal na gawain
- Palakasin ang muscle ng binti
- Pumili ng iba’t ibang ehersisyong gagawin
- Unti-unting dagdagan ang intensidad ng training
Key Takeaways
Ang pagsasagawa ng warm up bago at pagkatapos ng anomang sport o matinding gawain ay makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng Achilles injury. Bagama’t mahalagang gumalaw at manatiling aktibo, lalo na ngayon, mahalaga ring tiyaking hindi masasaktan ang sarili mula sa anumang injury. Laging siguraduhing makinig nang mabuti sa iyong katawan.
Matuto pa tungkol sa Fitness Tips dito.