backup og meta

Sintomas ng impeksyon sa tenga, anu-ano nga ba?

Sintomas ng impeksyon sa tenga, anu-ano nga ba?

Mga Pangunahing Kaalaman

Ang mga tenga ang bahagi ng katawan na kadalasang hindi nabibigyang pansin. Dahil sa ating mga tenga, nakakarinig tayo ng musika, nakakatulog sa isang lullaby, at marami pang iba. Hinahayaan tayo na magkaroon ng sense of balance at equilibrium, at ang impairment ay maaaring humantong sa pagkahilo. Ang tenga ay maaari ding prone sa impeksyon. Kaya naman, magandang ideya na maging maingat sa mga sintomas ng impeksyon sa tenga.

Ang gitnang tenga o middle ear ay may isang mahalagang papel sa pangunahing tungkulin ng tenga. Ito ang  tumutuklas ng tunog. Tungkulin nito ang pagpapadala ng tunog mula sa isang bahagi ng tenga (panlabas na tenga) patungo sa isa pa (panloob na tenga). Ang gitnang tenga ay isa ring bahagi nito na pinakamalapit sa lalamunan, na ginagawa itong madaling maapektuhan ng bacteria. 

Matuto pa tungkol sa impeksyon sa gitnang tenga, kung ano ang sanhi nito, mga sintomas ng impeksyon, at kung paano mo mapapanatili na malusog ang iyong tenga.

Impeksyon sa Gitnang Tenga: Kahulugan at Mga Sanhi

May tatlong bahagi ang tenga:

  • Outer ear: Ang panlabas na tenga ay may pananagutan sa pagkuha ng mga sound wave at pagpasok nito sa tenga.
  • Middle ear: Ito ang puwang sa pagitan ng panlabas at panloob na tenga.
  • Inner ear: Ang bahaging ito ng tenga ay naglalaman ng auditory nerves na nagpapadala ng mga signal sa iyong utak.

Isang puwang sa likod ng eardrum ang gitnang tenga (middle ear). Dito makikita mo ang mga buto tulad ng stirrup (stapes), anvil (incus), at hammer (malleus). Ang mga buto na ito ay nagvi-vibrate para marinig mo ang mga bagay. Ang bahaging ito ng tenga ay naglalaman din ng mga eustachian tubes at mga adenoids. Mahalagang matuto nang higit pa tungkol sa dalawang bahaging ito ng gitnang tenga upang maunawaan kung bakit nangyayari ang mga sintomas ng impeksyon sa tenga.

Ang eustachian tube ay ang koneksyon sa pagitan ng gitnang tenga at lalamunan. Ito ang pumipigil sa build up ng pressure at fluid sa tenga. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagbubukas nito sa tuwing humihikab, bumabahing, o lumulunok ka.

Ang tube na ito ay maaaring mamaga o magsikip kapag may allergy o sipon ka. Ito ay maaaring humantong sa pag-iipon ng pressure at secretion sa gitnang tenga. Maaari itong magdulot ng impeksyon.

Impeksyon sa Tenga

Ang isa pang paraan para ma-infect ang gitnang tenga ay sa pamamagitan ng adenoids, na bahagi ng sistema ng katawan na lumalaban sa impeksyon. Ang mga adenoid ay isang patch ng mga tisyu na matatagpuan sa nasal cavity, malapit sa opening ng eustachian tube.

Namamaga ang mga adenoids lalo na kung sinusubukan nilang labanan ang mga mikrobyo na makapasok sa katawan. Maaari nitong harangan ang eustachian tube nagiging sanhi ng pag-iipon ng pressure at fluid sa gitna ng tenga. Ito ay maaaring humantong sa isang impeksyon.

Tinatawag na otitis kung minsan ang mga impeksyon sa gitnang tenga. Ang impeksyon ay nangyayari kapag ang gitnang tenga ay na-infect dahil sa isang build-up ng mga nakakapinsalang bakterya. Ito ay maaaring mangyari sa lahat ng edad, ngunit madalas na sa mga bata.

Ang iba pang posibleng dahilan ng impeksyon sa gitnang tenga ay nangyayari kapag:

  • Namumuo ang noninfectious fluid sa gitnang tenga (Otitis media na may effusion)
  • Nananatili o umuulit ang pagtitipon ng likido sa gitnang tenga ng walang impeksyon (Chronic otitis media na may effusion)
  • Ang isang impeksyon ay hindi nawawala kahit na may treatment (Chronic suppurative otitis media)

Sintomas

Isa sa mga pinakakaraniwang senyales na mayroon kang impeksyon sa tenga ay kapag hindi mo marinig ang mga bagay nang maayos at kapag may pananakit ng tenga. Ang iba pang mga sintomas ng impeksyon sa tenga ay kinabibilangan ng:

  • Tumatagas na likido mula sa tenga
  • May problema sa pandinig
  • Masakit ang tenga
  • Pakiramdam na may pressure sa tenga
  • Nangangaliskis na balat sa paligid o sa loob ng tenga
  • Lagnat

Ang mga bata, na pinaka-madaling kapitan sa mga impeksyon sa tenga, ay maaaring hindi masabi ng husto kanilang nararamdaman. Abangan ang mga palatandaang ito sa mga bata o sanggol kung pinaghihinalaan mo na mayroon silang impeksyon sa tenga:

Mga Sintomas sa mga bata o sanggol:

  • Lagnat na 38 degrees Celsius o mas mataas
  • Pagkapagod o kawalan ng enerhiya
  • Hindi nagre-respond sa mga tunog
  • Pagiging makulit, hindi mapakali, o umiiyak nang higit sa karaniwan
  • Biglang pagkawala ng gana kumain
  • Pagkuskos o paghila ng tenga
  • Problema sa pagpapanatili ng kanilang balanse
  • May lumalabas na discharge sa tenga

Pinaka-madaling kapitan ng mga impeksyon sa gitnang tenga ang mga katatapos lang magka-sipon, lalo na ang mga bata. Kung isa kang magulang, tiyaking subaybayan ang iyong anak para sa mga sintomas ng impeksyon sa tenga pagkatapos ng anumang upper respiratory infection. 

Risk Factors

Karaniwan, ang mga sintomas ng impeksyon sa tenga ay tumatagal ng mga tatlo hanggang pitong araw at ang impeksyon ay kusang nawawala. Gayunpaman, ang malala o matagal na paulit-ulit na impeksyon sa tenga ay maaaring magdulot sa iyo ng panganib na:

Bakit Mas Nanganganib ang mga Bata sa Impeksyon sa Tenga?

Ang mga batang may edad dalawa hanggang apat ay mas nasa panganib na magkaroon ng impeksyon sa tenga dahil:

  • Ang mga eustachian tube ng mga bata ay mas maikli at makitid. Ibig sabihin, ang bacteria mula sa lalamunan ay madaling maglakbay hanggang sa gitnang tenga. Ginagawa rin nitong mas madaling magbara ang mga tube at hindi gaanong angulated. Sa kabaligtaran, ang mga eustachian tube ng mga adult ay mas angulated, kaya ang secretions mula sa ilong ay hindi madaling makarating sa mga tenga.
  • Isa pa, ang mga adenoid ay pinakamalaki sa panahon ng pagkabata. Nangangahulugan ito na mas madali nilang harangan ang mga eustachian tubes.

Treatment

Karaniwan, nagagawa ng mga doktor na masuri ang mga impeksyon sa tenga kung makakita sila ng nana o likido na naipon sa mga bahagi ng gitnang tenga. Karaniwan itong ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng otoscope, isang instrumento na ginagamit upang tingnan ang kanal ng tenga.

Ang isang paraan na maaaring subukan ng iyong doktor na tuklasin ang impeksyon sa gitnang tenga ay sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin sa pamamagitan ng otoscope. Kung ang eardrum ay lumilitaw na matigas, kadalasan ay mayroong akumulasyon ng likido sa likod nito.

Inirereseta lamang ang mga antibiotic para sa mga impeksyon sa gitnang tenga kung hindi ito maalis ng immune system ng iyong katawan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Prevention

Ang mga impeksyon na nakakaapekto sa middle ear ay karaniwang hindi isang dahilan para sa labis na pag-aalala. Gayunpaman, ang karagdagang pag-iingat ay dapat gawin para sa mga sanggol at bata dahil ang impeksyon ay maaaring makaapekto sa kanilang pandinig o development. Ang ilang mga paraan upang maiwasan sintomas ng impeksyon sa tenga ay ang mga sumusunod:

  • Magsanay ng mabuting kalinisan sa kamay. Ang regular na paghuhugas ng iyong mga kamay ay ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang mga sipon, na maaaring maiwasan ang mga impeksyon sa tenga.
  • Kung ang iyong sanggol ay bottle-fed, huwag padedehin habang siya ay nakahiga.
  • Siguraduhing up to date ang mga pagbabakuna ng iyong anak.
  • Iwasan ang secondhand smoke o huminto sa paninigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay maaaring magpalala ng mga sintomas ng impeksyon sa tenga.

Key Takeaways

Ang mga impeksyon sa tenga ay nangyayari kapag mayroong naipon na likido at bacteria sa gitnang tenga, ang bahagi na pinakamalapit sa lalamunan. Karaniwan, ang mga sintomas ng impeksyon sa tenga ay banayad at nawawala sa loob ng ilang araw nang walang paggamot. Gayunpaman, kung matindi ang pananakit ng tenga o may napansin kang madugong discharge, pinakamahusay na kumunsulta kaagad sa isang medikal na practitioner.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The middle ear, https://www.hear-it.org/The-middle-ear-1, Accessed Aug. 14, 2020

Eustachian Tube Dysfunction, https://familydoctor.org/condition/eustachian-tube-dysfunction/, Accessed Aug. 14, 2020

Middle Ear Infections (Otitis Media), https://kidshealth.org/en/parents/otitis-media.html, Accessed Aug. 14, 2020

Ear infection (middle ear), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ear-infections/symptoms-causes/syc-20351616, Accessed Aug. 14, 2020

Ear Infection, https://www.cdc.gov/antibiotic-use/community/for-patients/common-illnesses/ear-infection.html, Accessed Aug. 14, 2020

Middle-Ear Infection (Otitis Media), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/middle-ear-infection-otitis-media-a-to-z, Accessed Aug. 14, 2020

Head and Neck Surgery on Acute Otitis Media in Children, Clinical Practice Guidelines of the Philippine Society of Otolaryngology

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri ng Hearing Aids: Ano ang mga pagkakaiba at Paano Sila Nakakatulong?

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement