backup og meta

Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Labyrinthitis

Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Labyrinthitis

Nakakaranas ka ba ng pagkawala ng pandinig at pagkahilo? Posibleng mayroon kang labyrinthitis. Alamin dito kung gaano katagal ang labyrinthitis at ang ilang impormasyon na dapat matutunan sa kondisyong ito.

Mga Pangunahing Kaalaman

Ano ang Labyrinthitis?

Ang inner ear, na kilala ring labyrinth ng tainga, ay bahagi ng iyong tainga na naglalaman ng organs ng mga pandama ng balanse at pandinig. Kapag namamaga at na-infect ang labyrinth, naaapektuhan nito ang iyong balanse at pandinig, kaya tinawag na labyrinthitis.

Maaaring nagtataka ka, “Gaano katagal ang labyrinthitis?” Madalas itong tumatagal ng humigit-kumulang isa hanggang dalawang linggo, ngunit maaaring mag-iba ito sa bawat tao.

Ano ang mga Uri ng Labyrinthitis?

Mayroong dalawang uri ng kundisyong ito: viral at bacterial. Narito ang summary ng bawat uri.

Viral Labyrinthitis

Ang ganitong uri ay mas karaniwan at kadalasang mula sa viral infection tulad ng trangkaso o sipon. Maaaring lumitaw ang mga sintomas sa loob ng 24 na oras pagkatapos ay unti-unting bumababa sa loob ng ilang araw.

Cytomegalovirus ang pinakakaraniwang sanhi ng nongenetic hearing loss sa United States. Samantala sa mga bahagi ng mundo na kulang sa mga regular na programa ng pagbabakuna, ang congenital rubella ay nananatiling mahalagang sanhi ng sensorineural hearing loss (SNHL). Ang impeksyon ng tigdas at beke ay sanhi din ng childhood hearing loss sa maraming bansa. 

Bacterial Labyrinthitis

May tatlong uri ng bacterial labyrinthitis. Narito ang bawat uri.

Toxic Labyrinthitis

Kung ang impeksyon sa gitnang tainga ay pumasok sa panloob na tainga, maaari itong magdulot ng toxic labyrinthitis. Madalas itong humantong sa pagkawala ng balanse at pandinig.

Syphilitic Labyrinthitis

Maaaring lumitaw ito sa kapanganakan o sa paglipas ng panahon. Ang mga sintomas ay nag-iiba-iba sa bawat tao at kadalasang nangyayari nang paunti-unti. Ang ganitong uri ng labyrinthitis ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng pamamaga ng noo, at malalang pamamaga ng mata.

Acute Suppurative Labyrinthitis

Bihira ang kondisyong ito. Karaniwang sintomas nito ang biglaang vertigo. Maaari ding maging sanhi ng ganitong uri ng labyrinthitis ang meningitis. 

Madalas itong nangyayari mula sa malalang impeksyon sa gitnang tainga na lumilikha ng masa ng solid debris sa loob ng gitnang tainga. Maaaring gawing mahina ng masang ito ang nakapalibot na buto sa inner ear, kaya mas madaling kapitan ng impeksyon ang gitnang tainga.

Mga Sanhi

Ano ang mga Dahilan?

Maraming mga kadahilanan ang maaaring maging sanhi ng labyrinthitis, na maaaring kabilang ang:

  • Mga nakakahawang organismo tulad ng nagdudulot ng Lyme disease
  • Bacterial infections tulad ng bacterial middle ear infections 
  • Herpes viruses
  • Stomach viruses
  • Inner ear viral infections
  • Respiratory illnesses tulad ng bronchitis

Ang kondisyong ito ay maaaring mailipat mula sa ina patungo sa sanggol, sa sinapupunan, o makuha mula sa iba pang viral infections. Kabilang dito ang: 

  • Mumps labyrinthitis, sanhi ng paramyxovirus
  • Measles labyrinthitis, sanhi din ng paramyxovirus
  • Varicella-zoster virus labyrinthitis o Ramsay Hunt Syndrome, sanhi ng VZV
  • HIV related labyrinthitis, sanhi ng Human Immunodeficiency Virus
  • Acquired syphilitic labyrinthine infection, sanhi ng spirochete treponema pallidum

Risk Factors

Sino ang Nasa Panganib?

Maaaring mangyari ang labyrinthitis sa anumang edad, ngunit karamihan sa mga viral na kaso ay nangyayari sa mga nasa hustong gulang na 30-60 taong gulang. Bagama’t hindi gaanong karaniwan ang bacterial labyrinthitis, ang mga batang wala pang dalawang taong gulang ay maaaring mas mahina sa ganitong uri. Gaano katagal ang labyrinthitis at ano ang dahilan nito?

Narito ang mga dahilan na maaaring maglagay sa iyo sa higit na panganib na magkaroon ng ganitong kondisyon.

  • Pag-inom ng over-the-counter medicine, [artikular ang aspirin
  • Umiinom ng partikular ng prescription medications
  • Sobrang stress
  • Pagiging palaging pagoc
  • Pagkakaroon ng allergy
  • Sobra-sobrang pag-inom ng alak
  • Paninigarilyo

Mga sintomas

Ano ang mga Sintomas?

Ang mga sintomas ay kadalasang nangyayari nang mabilis at maaaring maging matindi sa mga unang araw. Pero madalas na nawawala rin pagkalipas ng ilang araw, bagaman maari itong bumalik kung bigla mong igalaw ang iyong ulo. Ang pananakit ay hindi pangkaraniwan, ngunit may iba pang mga sintomas na dapat mong bantayan, tulad ng:

Ano ang mga risk?

Mayroong tyansa na magkaroon ka ng permanenteng pagkawala ng pandinig mula sa bacterial labyrinthitis. Ang mga bata ay mas malamang na magkaroon ng permanenteng pagkawala ng pandinig kapag nagkaroon sila ng labyrinthitis mula sa meningitis. 

Pag-iwas

Paano Mo Maiiwasan ang Labyrinthitis?

Ang regular na pagbabakuna laban sa mga karaniwang bacterial pathogen ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng labyrinthitis. Mahalaga rin ang maagap na pagbisita sa doktor para sa maagang paggamot ng mga impeksyon sa tainga. Kung mayroon ka nang mga sintomas ng labyrinthitis, humingi kaagad ng treatment sa doktor.

Treatment

Paano Sinusuri ang Labyrinthitis?   

Karamihan sa mga doktor ay maaaring mag-diagnose ng labyrinthitis sa pamamagitan ng physical exam. Gayunpaman, ang kumpletong physical scan, na maaaring may kasamang neurological evaluation, ay maaaring isagawa kung hindi ito halata sa pisikal na pagsusulit.

Ang mga sintomas ay maaaring katulad ng sa iba pang mga kondisyon, tulad ng pinsala sa arteries ng leeg, maliliit na stroke, migraine, o pagdurugo ng utak. Ang doktor mo ay maaaring magsagawa ng iba pang mga pagsusuri. Ito ay upang makita kung may iba ka pang kondisyon.

Ano ang Paggamot?

Mahalagang makita ng maaga ang impeksyon upang maiwasan ang karagdagang mga komplikasyon. Kung na-diagnose ka ng iyong doktor na may labyrinthitis, maaari silang magreseta ng antibiotic therapy. Bukod sa kung gaano katagal ang labyrinthitis, dapat mong malaman kung paano ito ginagamot.   

Bilang karagdagan, maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng mga gamot upang mapawi ang iyong mga sintomas. Ang ilan sa mga gamot na ito ay:

  • Over-the-counter na mga antihistamine
  • Corticosteroids
  • Sedatives tulad ng diazepam
  • Mga gamot tulad ng meclizine upang mabawasan ang pagduduwal at pagkahilo
  • Prescription antihistamines tulad ng desloratadine

Upang mapawi ang vertigo habang umiinom ka ng antibiotic therapy, maaaring payuhan ka ng iyong doktor na gawin ang mga sumusunod na pamamaraan:

  • Pahinain ang ilaw sa mga silid
  • Umupo sa isang upuan habang pinapanatiling nakayuko ang iyong ulo kung ikaw ay may vertigo sa kama.
  • Iwasan ang makislap o maliwanag na ilaw, computer screens, at telebisyon sa panahon ng pag-atake ng vertigo.
  • Dahan-dahang bumangon mula sa mga posisyong nakaupo o nakadapa.
  • Umupo ka kung mayroon kang vertigo attack.
  • Iwasan ang biglaang paggalaw.

Maaaring mag-suggest ng mga ehersisyo ang mga occupational at physical therapist. Ang mga ito ay mga ehersisyo na maaaring mapabuti ang iyong balanse kung magpapatuloy ang iyong vertigo sa mahabang panahon. Maaaring irekomenda rin na huwag kang magmaneho ng kotse nang ilang panahon.

Gaano katagal ang labyrinthitis? Kadalasang nawawala ang mga sintomas pagkatapos ng isa hanggang tatlong linggo. At maaaring ganap na gumaling ang mga pasyente pagkatapos ng ilang buwan.  

Makabubuting magdahan-dahan sa mga aktibidad tulad ng sports o pagmamaneho habang nagpapagaling ka. Dahil ang mga sintomas tulad ng pagsusuka o vertigo ay maaari pa ring mangyari. 

Maaaring magsagawa pa ang doktor ng iba pang mga test kung hindi bumuti ang mga sintomas mo pagkaraan ng ilang mga buwan. Gayunpaman, bihira sa kondisyong ito na maging malala. Karamihan sa mga tao ay nakakaranas lamang ng isang episode nito sa kanilang buhay.

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?

Mainam na magpatingin sa iyong doktor kung mayroon kang labyrinthitis upang malaman kung ano ang sanhi. Ang ilang mga sintomas ay maaaring isang senyales ng isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Maaaring kabilang sa mga sintomas na ito ang:

  • Dobleng paningin
  • Paralisis
  • Panghihina
  • Lagnat
  • Bulol magsalita
  • Mga kombulsyon
  • Pagkahimatay

Key Takeaway

Mahalaga ang higit na kaalaman tungkol sa labyrinthitis. Gayundin kung gaano katagal  ang labyrinthitis. Ito ay makakatulong na malaman mo kung paano makita ang mga sintomas at malaman kung kailan mo kailangang humingi ng medikal na tulong.

Matuto pa tungkol sa ear conditions dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Goddard, J. C. & Slattery, W. H. (2010). Infections of the Labyrinth in Flint, Paul W.Cummings, Charles W. (Eds.) Cummings otolaryngology head & neck surgery. (p. 2359). Philadelphia, PA : Mosby/Elsevier.

Inner Ear, https://www.britannica.com/science/inner-ear, Accessed Sept. 10, 2020

What are the types of labyrinthitis?, https://www.mymed.com/diseases-conditions/inner-ear-infection-labyrinthitis-vestibular-neuritis/what-are-the-types-of-labyrinthitis, Accessed Sept. 10, 2020

Meningitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/meningitis/symptoms-causes/syc-20350508, Accessed Sept. 10, 2020

Labyrinthitis, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/labyrinthitis, Accessed Sept. 10, 2020

Lyme disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lyme-disease/symptoms-causes/syc-20374651, Accessed Sept. 10, 2020

Labyrinthitis, https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditions-treated-a-to-z/labyrinthitis, Accessed Sept. 10, 2020

Kasalukuyang Version

03/02/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri ng Hearing Aids: Ano ang mga pagkakaiba at Paano Sila Nakakatulong?

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement