backup og meta

Ano Ang Gamot Sa Otitis Externa?

Ano Ang Gamot Sa Otitis Externa?

Ikaw ba ay nakararanas ng pangangati, pananakit, at pamamaga ng tainga? Kung gayon, maaaring may tyansang ikaw ay may otitis externa. Narito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa kondisyong ito, maging ang gamot sa otitis externa na makatutulong upang matuto pa tungkol dito.

Ano Ang Otitis Externa?

Ang otitis externa ay isang kondisyong nagiging dahilan ng pamumula at pamamaga ng labas na bahagi ng ear canal. Ang labas na bahagi ear canal ay tubong nag-uugnay sa labas na bahagi ng tainga at sa gitnang bahagi ng tainga.

Kadalasang tinatawag na swimmer’s ear ang otitis externa. Ito ay dahil ang paulit-ulit na na pagkakalantad sa tubig ay dahilan upang mas madaling magkaroon ng impeksyon ang ear canal. Karaniwan, isang tainga lamang ang naapektuhan nito, ngunit maaaring magkaroon ng otitis externa ang isang tao sa parehong mga tainga.

Matuto pa tungkol sa mga uri ng kondisyong ito, maging ang gamot sa otitis externa, at kung paano ito mapipigilan.

Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Otitis Externa?

May dalawang uri ang otitis externa, ito ay ang acute at chronic otitis externa. Narito ang pinaikling impormasyon tungkol sa mga ito upang makatulong na maunawaan ang kanilang mga pagkakaiba.

Acute Otitis Externa

Ang acute otitis externa ay nagtatagal lamang mas mababa sa anim na linggo. Kadalasan itong mula sa impeksyong dulot ng bakterya.

Chronic Otitis Externa

Ang chronic otitis externa ay kadalasang nagtatagal nang higit sa tatlong buwan. Madalas itong sanhi ng autoimmune disorder at allergies.

Anu-Ano Ang Mga Sanhi Ng Otitis Externa?

Iba’t ibang mga bagay ang maaaring maging sanhi ng acute o chronic otitis externa. Mayroon ding mga kaso kung saan ang otitis externa sa sanhi ng mahigit sa isang salik. Narito ang mga maaaring dahilan ng bawat uri ng otitis externa:

Mga Sanhi Ng Acute Otitis Externa 

  • Simpleng trauma na sanhi ng paglilinis ng tainga (hal. Paggamit ng cotton swab)
  • Problema sa balat tulad ng dermatitis at psoriasis
  • Paggamit ng earplugs at hearing aids
  • Labis na moisture sa tainga mula sa paglangoy, at lubhang pagpapawis, at iba pa

Mga Sanhi Ng Chronic Otitis Externa

  • Autoimmune disorders
  • Allergies
  • Problema sa tainga, tulad ng madalas na pagkamot
  • Malubhang pagtulo mula sa sakit gitnang bahagi ng tainga 
  • Malubhang iritasyon mula sa mga bagay tulad ng madalas na paggamit ng mga cotton swab at hearing aid
  • Fungus
  • Impeksyong dulot ng bacteria
  • Malubhang sakit sa balat
  • Diabetes

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Otitis Externa?

Ang mga sintomas ng otitis externa ay maaaring mula sa hindi gaanong malubha hanggang sa malubha. Ang mga sumusunod na sintomas ng bawat yugto ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Mga hindi gaanong malubhang sintomas:

  • Pagtulo ng walang amoy at malinaw na fluid
  • Bahagyang hindi komportableng pakiramdam, lalo kung nababangga ang maliit na bukol sa harap ng tainga 
  • Kaunting pamumula sa tainga
  • Pangangati ng ear canal

Mga katamtamang sintomas:

  • Mahinang pandinig
  • Bahagyang bara sa ear canal at pagkakaroon ng pakiramdam ng baradong tainga ng mula sa dumi, fluid, at pamamaga
  • Lumulubhang pananakit
  • Malubhang pagtulo ng fluid
  • Matinding pamumula sa tainga
  • Mas matinding pangangati

Mga malulubhang simptomas:

  • Lagnat
  • Pamamaga ng lymph nodes sa leeg
  • Pamamaga o pamumula sa labas ng tainga
  • Sobrang baradong ear canal
  • Ang matinding pananakit sa apektadong tainga ay maaari ding maramdaman sa bahagi ng ulo, leeg, at mukha.

Anu-Ano Ang Mga Panganib Ng Pagkakaroon Ng Otitis Externa?

Bagama’t karamihan sa mga kaso ng otitis externa ay walang komplikasyon, lalo kung nagamot nang mabuti, maaari pa ring magkaroon ng ilang mga problema. Halimbawa, ang bakterya ay maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan o sa malalim na bahagi ng balat.

Mayroong ding tyansang magkaroon ng malubhang otitis externa na isang impeksyong banta sa buhay. Ito ay maaaring mangailangan ng agarang atensyong medikal. Ang mga taong may autoimmune disorder, diabetes, at matatanda ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng malubhang otitis externa.

Paano Mapipigilan Ang Pagkakaroon Ng Otitis Externa?

Ang mga simpleng gawi ay maaaring makatulong upang maiwasan tyansa ng pagkakaroon ng otitis externa. Halimbawa, maaaring iwasan ang pagpasok ng daliri, cotton wool buds, at iba pa sa tainga upang mabawasan ang posibilidad na masira ang sensitibong balat ng ear canal.

Sa tuwing naliligo, maaaring subukang iwasan mapasukan ng shampoo, sabon, at tubig ang tainga. Maaari ding magsuot ng earplugs o swimming cap kung maglalangoy upang maprotektahan ito.

Gamot Sa Otitis Externa 

Karamihan sa mga gamutan para sa otitis externa ay kinabibilangan ng paggamot sa impeksyon at hayaang gumaling ang ear canal.

Gamot Sa Otitis Externa: Paglilinis Ng Tainga

Maaaring gumamit ang doktor ng ear curette o pangsipsip na kagamitan upang malinis ang iyong ear canal at maalis ang mga dumi upang maabot ng ear drops ang mga apektadong bahagi ng tainga.

Gamot Sa Otitis Externa: Eardrops

Ang doktor ay maaaring magreseta ng eardrops na naglalaman ng pinaghalo-halong antifungal na gamot, antibiotics, steroids, at acidic na solusyon. Gayunpaman, ito ay depende sa kalubhaan at uri ng otitis externa na mayroon ang pasyente.

Maaari ding itanong sa doktor ang pinakakomportableng paraan ng paglalagay ng eardrops sa tainga. Halimbawa, kung ang malamig na eradrop ay nakababahala sa iyo, maaaring imungkahi ng doktor na gamitin ang kamay upang painitin ang bote nito sa loob ng ilang minuto bago gamitin.

Gamot Sa Otitis Externa: Drainage

Maaaring kailanganin ng doktor na magpasok ng mitsang gawa sa gasa ng bulak upang mailagay ang gamot sa ear canal at matuyo ito kung ang ear canal ay barado ng sanhi ng labis na discharge, o pamamaga.

Gamot Sa Otitis Externa: Antibiotics 

Posibleng resetahan ka ng doktor ng antibiotics kung walang epekto sa iyong tainga ang ear drops o kung may mas malubhang mga sintomas. Maaari ka ring resetahan ng pain relief kung kinakailangan.

Kailan Dapat Kumonsulta Sa Doktor?

Kung nakakaranas ng mga hindi gaanong malulubhang sintomas ng otitis externa, mainam na kumonsulta sa iyong doktor. Mabibigyan ka niya ng mabilis na gamutan upang magamot iyong ang bago tuluyang lumubha.

Kung nakararanas ng anumang mga malulubhang sintomas, lalo kung lagnat o malubhang pananakit, pinakamainam na humingi agad ito ng atensyong medikal. Ito ay posibleng senyales ng malubhang otitis externa, na maaaring nakamamatay kung hindi magagamot.

Key Takeaways

Ang otitis externa ay karaniwang kondisyong madaling magamot kung agarang ipagagamot. Ang pag-alam sa mga sanhi at sintomas ng kondisyong ito, at maging ang gamutan para dito, ay makatutulong upang malaman kung paano ito maayos na magagamot at mapigilan ang pagkakaroon ng kondisyong ito.

Matuto pa tungkol  sa mga Kondisyon ng Tainga dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anatomy and Physiology of the Ear, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomy-and-physiology-of-the-ear-90-P02025, Accessed June 22, 2021

Swimmer’s ear, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/swimmers-ear/symptoms-causes/syc-20351682#:~:text=Outer%20ear%20infection-,Outer%20ear%20infection,isn’t%20treated%20or%20spreads., Accessed June 22, 2021

Swollen lymph nodes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/swollen-lymph-nodes/symptoms-causes/syc-20353902#:~:text=Many%20lymph%20nodes%20are%20located,wrong%20somewhere%20in%20your%20body., Accessed June 22, 2021

Malignant Otitis Externa, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK556138/, Accessed June 22, 2021

Otitis externa, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/otitis-externa, Accessed June 22, 2021

Kasalukuyang Version

11/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri ng Hearing Aids: Ano ang mga pagkakaiba at Paano Sila Nakakatulong?

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement