backup og meta

Vitamin D Laban sa Cancer, Epektibo raw Ayon sa Pag-aaral!

Vitamin D Laban sa Cancer, Epektibo raw Ayon sa Pag-aaral!

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na kailangan ng katawan ang vitamin D upang mapanatili ang kalusugan ng mga buto. Dahil dito, naiiwasan ang iba pang mga kondisyon tulad ng osteoporosis na nagpapahina sa ating mga buto. Bukod pa rito, alam mo bang mabisa rin ang vitamin D laban sa cancer? 

Ano ang Vitamin D?

Ang vitamin D ay ang tawag sa grupo ng mga fat-soluble na prohormone (mga sangkap na may mababang hormonal activity sa kanilang mga sarili ngunit ang katawan ay maaaring maging mga hormone). 

Tinutulungan ng vitamin D ang katawan na gumamit ng calcium at phosphorus upang mapalakas ang mga buto, maging ang mga ngipin. 

Uri ng Vitamin D

May dalawang pangunahing uri ng vitamin D na mahalagang makuha ng mga tao.

  • Ergocalciferol (vitamin D2)  mula sa mga halaman.
  • Cholecalciferol (vitamin D3) na natural na ginagawa ng katawan kapag ang balat ay na-expose sa ultraviolet radiation dahil sa sikat ng araw.

Ang parehong anyo ay na-coconvert sa 25-hydroxyvitamin D sa atay. Patuloy ang paglakbay ng naturang bitamina patungo sa dugo hanggang sa mga bato, kung saan ito ay mas kinikilala bilang 1,25-dihydroxyvitamin D o calcitriol. Ito ang aktibong anyo ng vitamin D sa katawan. 

Karamihan sa mga tao ay nakakakuha ng vitamin D sa mga sumusunod na paraan:

  • Sikat ng araw
  • Iba’t ibang mga pagkain tulad ng matatabang isda, fish liver oil, mga itlog, gatas, mga juice, at mga cereals
  • Mga drugs at supplements

Ang mga taong may mababa ang vitamin D sa dugo ay mas mataas ang panganib sa iba’t-ibang malubhang sakit, kabilang ang ilang uri ng cancer. Kung kaya, marami ang naniniwala na mabisa ang vitamin D laban sa cancer. 

Paano Naging Epektibo ang Vitamin D Laban sa Cancer?

Ayon sa mga lumang pananaliksik, napag-alaman na mas mababa ang mga insidente ng pagkamatay dulot ng ilang partikular na uri ng cancer sa mga nakatira sa bandang southern latitude, kung saan mas mataas ang antas ng sun exposure para sa mga tao. Ito ay sa kadahilanang ang sun exposure ay nagdudulot ng produksyon ng vitamin D. 

Sinuri ng mga mananaliksik sa Michigan State University (MSU) sa East Lansing ang datos mula sa mga randomized controlled trials na nagkumpara sa mga taong uminom ng vitamin D supplement at sa mga kumuha lamang ng placebo nang hindi bababa sa tatlong taon.

Sa panibagong pag-aaral na ito, iminungkahi na ang vitamin D ay nakapagbibigay ng mga makabuluhang benepisyo maliban sa pag-aambag lamang sa malulusog at matitibay na mga buto. 

Natuklasan nila na mas mababa ang panganib ng mga taong uminom ng vitamin D supplement upang maiwasan ang sakit sa loob ng 4 na taon, na ang pinakamababang panahon ng pafollow-up. Higit pa rito, ang vitamin D supplementation ay pinag-aralan din bilang pangunahing paraan laban sa mga sumusunod na karamdaman:

Inilahad nila ang detalyadong pagsusuri at mga resulta sa taunang pagpupulong ng American Society of Clinical Oncology noong 2019.

Ang Natatanging Kombinasyon ng Pag-eehersisyo, Omega-3, at Vitamin D Laban sa Cancer 

Ang isang bagong pananaliksik na inilimbag sa journal na Frontiers of Aging ay nagpatunay na mabisa ang vitamin D laban sa cancer katuwang ng pag-inom ng omega-3 supplements at pageehersisyo. Ayon sa pananaliksik, maaari makatulong ang pinagsama-samang mga komponent upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga invasive cancer ng 61% mula sa 2,157 na kalahok ng nasabing pag-aaral.

Ito ay natatanging pag-aaral na may layunging tuklasin ang paggamit ng tatlong magkakaibang taktika upang mabawasan ang panganib ng isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo, ang paglaganap ng iba’t-ibang cancer.  

Mahalagang Mensahe

Sa kabuuan, napatunayan ng iba’t-ibang mga pag-aaral mula noon mapasahanggang ngayon kung gaano kaepektibo ang vitamin D laban sa cancer. Kung kaya, idagdag na ito sa iyong diyeta at sa mga supplements na inyong iniinom. Maari ring makatanggap ng vitamin D mula sa sikat ng araw, ngunit huwag kalimutan gumamit ng sunscreen upang maprotektahan naman ang sarili sa panganib ng skin cancer. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Drugs at Supplements dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are You Getting Enough Vitamin D?, https://www.cancer.org/latest-news/are-you-getting-enough-vitamin-d.html Accessed May 4, 2022

Vitamin D and Cancer Prevention, https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/diet/vitamin-d-fact-sheet Accessed May 4, 2022

Role of vitamin D supplementation for primary prevention of cancer: Meta-analysis of randomized controlled trials – Varun Samji, Tarek Haykal, Yazan Zayed, Inderdeep Gakhal, Vijay Veerapaneni, Michelle Obeid, https://ascopubs.org/doi/10.1200/JCO.2019.37.15_suppl.1534  Accessed May 4, 2022

Vitamin D could help cancer patients live longer, https://msutoday.msu.edu/news/2019/vitamin-d-could-help-cancer-patients-live-longer Accessed May 4, 2022

Vitamin D Supplements and Prevention of Cancer and Cardiovascular Disease – JoAnn E. Manson, M.D., Dr.P.H., Nancy R. Cook, Sc.D., I-Min Lee, M.B., B.S., Sc.D., William Christen, Sc.D., Shari S. Bassuk, Sc.D., Samia Mora, M.D., M.H.S., Heike Gibson, Ph.D., David Gordon, M.A.T., Trisha Copeland, M.S., R.D., Denise D’Agostino, B.S., Georgina Friedenberg, M.P.H., Claire Ridge, M.P.H., et al., for the VITAL Research Group, https://www.nejm.org/doi/full/10.1056/nejmoa1809944 Accessed May 4, 2022

Vitamin D and Cancer, https://www.news-medical.net/health/Vitamin-D-and-Cancer.aspx  Accessed May 4, 2022

Vitamin D supplements may reduce risk of invasive cancer, https://www.health.harvard.edu/cancer/vitamin-d-supplements-may-reduce-risk-of-invasive-cancer  Accessed May 4, 2022

Combined Vitamin D, Omega-3 Fatty Acids, and a Simple Home Exercise Program May Reduce Cancer Risk Among Active Adults Aged 70 and Older: A Randomized Clinical Trial – Heike A. Bischoff-Ferrari, Walter C. Willett, JoAnn E. Manson, Bess Dawson-Hughes, Markus G. Manz, Robert Theiler, Kilian Braendle, Bruno Vellas, René Rizzoli, Reto W. Kressig, Hannes B. Staehelin, José A. P. Da Silva, Gabriele Armbrecht, Andreas Egli, John A. Kanis, Endel J. Orav, and Stephanie Gaengler, DO-HEALTH Research Group, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fragi.2022.852643/full Accessed May 4, 2022

Cancer, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/cancer Accessed May 4, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement