backup og meta

Saan Ginagamit ang Mucuna Pruriens? Alamin Dito

Ang Mucuna pruriens o “velvet bean” ay isang halaman sa Fabaceae family. Ito ay isang herb na ginagamit ng ilang siglo sa Ayurveda, o tradisyonal na Indian na gamot.

Mga Gamit

Saan ginagamit ang Mucuna pruriens?

Sa tradisyonal, ito ay naggagamot ng pagkabaog ng mga lalaki, nervous disorders, at nagpapabuti ng libido (aphrodisiac). Sa kasalukuyan, ito ay nagpapakita ng potensyal laban sa Parkinson’s disease at ibang neurodegenerative disorders.

Paano ito gumagana?

Walang sapat na pag-aaral sa kung paano gumagana ang herbal na ito. Pakiusap na talakayin ito kasama ng iyong herbalist o doktor para sa mas maraming impormasyon. Gayunpaman, kilala ang Mucuna pruriens na naglalaman ng levodopa (L-dopa), na ginagamit upang lunasan ang Parkinson’s disease.

Ang L-dopa ay nagbabago bilang chemical dopamine sa utak. Ang mga sintomas ng Parkinson’s disease ay nangyayari sa mga pasyente dahil sa mababang lebel ng dopamine sa utak. Sa kasamaang palad, karamihan ng L-dopa ay napipiraso sa katawan bago ito makarating sa utak liban na lamang kung may espesyal na chemical na ginagamit kasama ng levodopa. Ang mga kemikal na ito ay hindi makikita sa Mucuna pruriens.

Pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong gawin bago gumamit ng Mucuna pruriens?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Gumagamit ng ibang mga gamot. Kabilang dito ang inireseta, OTC, at herbal na gamot.
  • May allergy sa kahit na anong sangkap ng kahit na anong produktong ito.
  • May ibang mga sakit, disorders, o medikal na kondisyon.

Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit nito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay ligtas na gamitin. Laging konsultahin ang doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Side effects

Anong mga uri ng side effects ang maaaring maranasan mula sa Mucuna pruriens?

Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay maaaring may side effects. Kung naranasan ito, ang side effects ay mild lamang sa pangkalahatan at mawawala kung ang lunas ay natapos na o ang dose ay bumaba. Ilan sa mga iniulat na side effects ay kabilang ang:

  • Allergic reaction
  • Pagkahilo
  • Bloating o gassiness
  • Pagsusuka
  • Muscle spasms
  • Insomnia
  • Sakit sa ulo
  • Pounding heartbeat
  • Sintomas ng psychosis kabilang ang pagkalito, agitation, hallucinations, at delusions

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranas ang ibang side effects. Kaya’t kung may inaalala tungkol sa side effects, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Mucuna pruriens?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring magpabago ng pagiging epektibo ng gamot o magpataas ng banta ng seryosong side effects.

Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na drug interactions, kailangan mong maglista ng lahat ng mga gamot na ginagamit (kabilang ang inireseta, hindi iniresetang gamot, at herbal na produkto) at ibahagi ito sa iyong doktor at pharmacist.

Mga gamot na may kilalang interactions sa levodopa:

  • Tricyclic antidepressants
  • Antipsychotic agents
  • Reserpine
  • Papaverine
  • Phenytoin
  • Isoniazid
  • Pyridoxine (vitamin B6)
  • Anticholinergics
  • Antihypertensive agents
  • Methyldopa
  • Metoclopramide
  • MAOIs
  • Cyclopropane
  • Halogenated anesthetics

Kung naranasan mo ang adverse drug interaction, agad na ipaalam ito sa iyong doktor upang matukoy muli ang plano sa paggamot. Ang mga gagawin ay kabilang ang dose adjustment, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

Nag-iinteract ba ang pagkain o alcohol sa Mucuna pruriens?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa mga pagkain o alcohol sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng epekto ng gamot o pataasin ang banta ng seryosong side effects. Maaaring magpabagal ng absorption ang pagkain. Iwasan ang pagkain ng beans, liver, gatas, yeast, at wheat germ. Pakiusap na talakayin kasama ng iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na interactions sa pagkain o alcohol sa paggamit ng gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Mucuna pruriens?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o magpabago ng epekto ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na mayroon ka.

Dosage

Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit para sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t kailangan mo laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Walang standardized dosing para sa supplement na ito. Sundin ang panuto at dosing na nakalagay sa packaging ng supplement o kausapin ang iyong doktor para sa akmang dose.

Ano ang dose para sa bata?

Walang itinalagang pediatric dose. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na ganap na maunawaan ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mas marami pang impormasyon.

Paano mabibili ang Mucuna pruriens?

Maaaring mabili ang Mucuna pruriens sa mga sumusunod na dosage forms:

  • Capsules
  • Tablets
  • Extract (powder)

Ano ang dapat kong gawin kung magkaroon ng emergency o overdose?

Kung magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makalimot ng dose?

Kung nakalimot ng dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, ipagpaliban ang nakalimutan na dose at inumin ito sa regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Magic Velvet Bean of Mucuna pruriens https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3942911/ Accessed July 15, 2021

Mucuna pruriens (velvet bean) https://www.cabi.org/isc/datasheet/35134 Accessed July 15, 2021

Mucuna pruriens in Parkinson disease https://n.neurology.org/content/89/5/432 Accessed July 15, 2021

Mucuna pruriens in Parkinson’s disease: a double blind clinical and pharmacological study  https://jnnp.bmj.com/content/75/12/1672 Accessed July 15, 2021

MUCUNA PRURIENS – A NATURAL REMEDY FOR PARKINSON’S DISEASE? https://www.apdaparkinson.org/article/mucuna-pruriens-for-parkinsons-disease/ Accessed July 15, 2021

Carbidopa and Levodopa. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 15, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement