backup og meta

Saan Ginagamit ang Lovastatin? Heto ang Dapat mong Tandaan

Ang Lovastatin ay generic statin na gamot. Ito ay nagpapababa ng lebel ng blood cholesterol sa pamamagitan ng pag-interfere sa HMG-CoA reductase, isang enzyme na responsable para sa synthesizing ng cholesterol.

Paraan ng Paggamit

Saan Ginagamit ang Lovastatin?

Ang Lovastatin ay nagpapababa ng lebel ng cholesterol kung hindi na sapat ang diet at ehersisyo. Maaaring magreseta ang doktor nito kung ikaw ay may:

Paano ko ikokonsumo ang Lovastatin?

Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Para sa oral dosage form, lunokin ito nang buo nang hindi nginunguya, pinipiraso, o tinutunaw sa tubig. Mainam na inumin ito kasama ng isang basong tubig matapos kumain.

Paano ko itatago ang Lovastatin?

Ang produktong ito ay mainam na itago sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.

Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Lovastatin?

Ngayon alam na natin kung saan ginagamit ang Lovastatin, heto ang dapat mong malaman sa paggamit nito.

Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Gumagamit ng iba pang gamot, kabilang na rito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
  • May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
  • May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon

Ligtas bang inumin ang Lovastatin habang buntis o nagpapasuso?

Hindi, ang gamot na ito ay contraindicated (hindi pinapayagan) habang buntis o nagpapasuso. May ebidensya na ang gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng congenital abnormalities. Kaya’t inirerekomenda sa mga babae na gumamit ng contraception habang ginagamit ang gamot na ito upang makaiwas sa pagbubuntis. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na mga benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot. 

Ang gamot na ito ay may pregnancy risk category X ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Nasa ibaba ang sanggunian ng FDA pregnancy risk:

  • A= No risk
  • B= No risk in some studies
  • C= There may be some risk
  • D= Positive evidence of risk
  • X= Contraindicated
  • N= Unknown

Alamin ang side effects

Bukod sa kaalaman kung para saan ang Lovastatin, mahalaga rin malaman ang posibleng side effects nito. Heto ang dapat mong malaman:

Ano ang side effects ng Lovastatin?

Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kadalasan ito ay mild at nasosolusyonan pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:

  • Gastrointestinal discomfort
  • Sakit sa ulo
  • Pagkahilo
  • Insomnia
  • Myopathy o rhabdomyolosis
  • Muscle o joint pain
  • Cramping
  • Pagdagdag ng timbang
  • Malabong paningin
  • Skin rash
  • Abnormal liver enzyme levels

Humingi agad ng medikal na atensyon kung nararanasan ang mga nakamamatay na reaksyon na ito:

  • Malalang rhabdomyolysis (malalang sakit sa muscle)
  • Pagbabago sa pattern ng pag-ihi o sakit sa ibabang bahagi ng likod (senyales ng pinsala sa bato)
  • Jaundice, tender abdomen (senyales ng pinsala sa atay)
  • Sakit sa tiyan matapos kumain, lagnat, pagkahilo, pagsusuka (senyales ng pancreatitis)
  • Steven-Johnson syndrome (SJS), toxic epidermal necrolysis (TEN)
  • Anaphylaxis

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang interactions

Bukod sa kaalaman kung saan ginagamit ang Lovastatin, mahalaga ring alamin ang interactions ng gamot na ito. Heto ang mga dapat mong malaman:

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Lovastatin?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom.  Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects.

Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interactions:

  • Amiodarone
  • Colchicine
  • Ranolazine
  • Danazol
  • Diltiazem
  • Verapamil
  • Warfarin
  • CYP3A4 inhibitors
  • Gemfibrozil
  • Ciclosporin
  • St. John’s wort

Kung naranasan ang pagbabago ng bisa ng gamot, sabihan agad sa doktor upang mataya muli ang plano sa paggamot. Kabilang sa mga paraan ay dose adjustment, drug substitution, o pagtatapos ng therapy.

Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa Lovastatin?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Huwag uminom ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Limitahan ang konsumo ng grapefruit na produkto habang umiinom ng lovastatin. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Lovastatin?

Maaaring mag-interact ang gamot sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan lalo na kung may:

  • Aktibong sakit sa atay
  • Banta para sa myopathy
  • Alcoholism
  • Hypothyroidism
  • Malalang renal impairment

Dosage

Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Simulan na uminom ng 10 hanggang 20 mg kada araw, mas mainam kung tuwing gabi. Ang dose ay maaaring tumaas kada 4 na linggo, na hindi tataas ng 80 mg kada araw.

Para sa sakit sa atay na may creatinine clearance na mas mababa sa 30 mL/min, i-monitor nang mabuti kung ang dose ay tumaas ng 20 mg kada araw.

Ano ang dose para sa bata?

Ang mga bata na may edad 10 hanggang 17, magbigay ng 10 hanggang 20 mg isang beses kada araw. Ang dose ay maaaring tumaas kada 4 na linggo, ngunit hindi tataas ng 40 mg kada araw.

Paano nabibili ang Lovastatin?

Ang Lovastatin ay nabibili sa sumusunod na dose at tapang:

  • Tableta 10 mg, 20 mg, 40 mg, 60 mg

Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?

Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?

Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lovastatin https://www.mims.com/philippines/drug/info/lovastatin?mtype=generic Accessed July 25, 2021

Lovastatin (Oral Route) https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/lovastatin-oral-route/description/drg-20069029 Accessed July 25, 2021

Lovastatin https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Lovastatin Accessed July 25, 2021

Lovastatin https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK540994/ Accessed July 25, 2021

Lovastatin. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 25, 2021. http://online.lexi.com

 

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement