Saan ginagamit ang Nystatin? Available ang Nystatin sa iba’t ibang dosage form na ginagamit bilang gamot sa tiyak na mga uri ng fungal infection. Mayroon nitong syrup na panggamot sa candidiasis sa bibig at tabletang iniinom panggamot sa candidiasis sa bituka. Mayroon din nitong mga pamahid at pulbos bilang panggamot sa fungal infection sa balat, at bilang vaginal tablet (maliit na tabletang natutunaw) at cream na panggamot sa sa may candidiasis sa ari ng babae.
Saan Ginagamit ang Nystatin: Mga Pangunahing Kaalaman
Saan ginagamit ang Nystatin?
Ginagamit ang Nystatin bilang gamot sa mga fungal infection ng bibig (oral candidiasis). Isang antifungal ang Nystatin na nagpapahinto sa pagtubo ng fungus.
Paano ko dapat gamitin ang Nystatin?
Aluging mabuti bago gamitin. Gamitin ang ibinigay na medication dropper upang maingat na masukat ang dose. Gawin ito maliban kung may ibang sinabi ang iyong doktor: Ilagay ang kalahati ng dose sa isang side ng bibig. Mumugin ito saka lunukin o idura. Patagalin ang likido sa iyong bibig hangga’t maaari. Saka ulitin ito sa kabilang side naman ng bibig. Iwasang kumain o uminom sa loob ng 5-10 minuto matapos gumamit ng gamot na ito.
Gamitin ang Nystatin apat na beses sa isang araw o ayon sa sinabi ng iyong doktor. Maaaring abutin ng ilang araw o ilang buwan upang makompleto ang gamutan. Regular na gamitin ang gamot na ito upang makuha ang buong benepisyo. Tandaan, gamitin ito sa parehong mga oras sa bawat araw. Ang dosage ay batay sa iyong medikal na kondisyon at kung paano rume-responda ang iyong katawan sa gamutan.
Gamitin ang gamot na ito hanggang sa matapos ang makompleto ito ayon sa nireseta, kahit na mawala na ang sintomas. Ang maagang paghinto ng gamot ay maaaring maging daan upang magpatuloy ang impeksyon, na nagreresulta sa pagbalik ng impeksyon. Asahan ang paggamit ng gamot na ito sa loob ng 48 oras matapos maabot ang klinikal na lunas.
Ipaalam sa iyong doktor kung nagpatuloy ang iyong kondisyon matapos ang ilang araw na gamutan o lumala ito anumang oras.
Paano ko dapat iimbak ang nystatin?
Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa temperaturo na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito
Saan Ginagamit ang Nystatin: Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang nystatin?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang/ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- May iniinom na iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, on-the-counter na mga gamot (OTC drugs), at herbal na remedyo
- May allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
- May iba pang karamdaman, disorders, o kondisyong medikal
Ligtas bang gamitin ang nystatin ng mga buntis at nagpapasuso?
May mga patunay na maaaring magdulot ng nakamamatay na pinsala ang nystatin sa pag-aaral sa hayop, gayunman, wala pang sapat na datos sa mga tao. Palaging kumonsulta sa inyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago gamitin ang gamot na ito.
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), ang gamot na ito ay pregnancy risk category C.
Narito ang batayan ng FDA pregnancy category:
- A = walang panganib
- B = walang panganib sa ilang pag-aaral
- C = maaaring may ilang panganib
- D = May positibong patunay ng panganib
- X = contraindicated
- N = hindi alam
Saan Ginagamit ang Nystatin: Alamin ang mga side effect
Ano ang mga side effect ng Nystatin?
Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Hypersensitivity o iritasyon
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Saan Ginagamit ang Nystatin: Alamin ang mga interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa nystatin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Nystatin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Nystatin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.
Saan Ginagamit ang Nystatin: Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya dapat parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Karaniwang Adult Dose para sa Oral Thrush
1 hanggang 2 oral lozenges (200,000 – 400,000 units) 4 – 5 beses kada araw o
500,000 units ng oral suspension 4 na beses sa isang araw.
Karaniwang Adult Dose para sa Intestinal Candidiasis
500,000 to 1,000,000 units orally 3 beses kada araw.
Ano ang dose para sa bata?
Karaniwang Pediatric Dose para Oral Thrush
Sanggol: 100,000 units ng oral suspension 4 na beses sa isang araw.
>1 m <12 m:: 200,000 units ng oral suspension 4 na beses sa isang araw.
>=1 taon <18 taon: 1 hanggang 2 oral lozenges (200,000 to 400,000 units) 4 hanggang 5 beses kada araw o 500,000 units ng oral suspension 4 na beses sa isang araw.
Paano makakakuha ng nystatin?
Makakakuha ng nystatin sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Cream 100,000 units/gram
- Ointment 100,000 units/gram
- Oral suspension 100,000 units/mL
- Oral tablet 500,000 units
- Lozenge (pastille) 200,000 units
- Vaginal suppository (pessary) 100,000 units
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, maglagay nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag mag-dobleng dose.