Ang Psyllium, o ispaghula husk, ay pinagmumulan ng soluble fiber na nagmula sa mga buto ng halamang Plantago ovata. Subalit marami pa rin sa atin ang hindi nakakaalam kung para saan ang psyllium. Basahin ang artikulong ito upang maunawaan ang benepisyo nito sa kalasugan.
Para Saan ang Psyllium? Ano ang Gamit Nito?
Bilang isang bulk-forming laxative, itinataguyod ng psyllium ang pagkakaroon ng isang malusog na digestive system, regular na pagdumi, at pinapaginhawa rin nito ang paninigas ng dumi at ilang mga kaso ng pagtatae. Dahil dito, nabubuo nang maayos ang dumi ay mas madali itong nailalabas sa katawan.
Bukod sa laxative na mga katangian nito, tumutulong din ang psyllium sa pag-reregulate ng blood sugar sa katawan, pagpapabagal ng pagtunaw ng pagkain, at pagbabawas ng cholesterol absorption mula sa mga pagkain. Maaari rin itong makatulong sa diyeta sa pamamagitan ng pagkontrol ng gana sa pagkain at pagtataguyod ng pagbaba ng timbang.
Paano Dapat Ito Inumin ang Psyllium?
Matapos alamin kung para saan ang psyllium, nararapat namang malaman kung paano ito iniinom.
Ang psyllium ay maaaring makita sa merkado bilang isang pulbos na kinakakailangang tunawin sa isang buong baso ng tubig o juice. Mayroon din mabibiling bilang kapsula na dapat namang lunukin nang buo. Huwag buksan, nguyain, durugin, o i-dissolve ang mga nilalaman ng kapsula dahil makaapekto ito sa magiging bisa sa katawan. Para sa ganap na pagpapababa ng lipid at pagkontrol ng gana sa pagkain, mainam na inumin ito bago kumain.
Paano Itinatago ang Psyllium?
Tulad ng karamihan sa mga medisina, nararapat na itago ang psyllium sa lugar na mayroon room temperature ay malayo sa malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira nito, hindi mo ito dapat iimbak sa banyo o sa freezer.
Ngunit, mayroon iba’t-ibang mga tatak ng gamot na maaaring may iba’t-ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kung kaya, importanteng masuri ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Dagdag pa rito, hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung inutusan ng mga professionals na gawin ito.
Mahalagang itapon nang maayos ang produkto kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Mga Precautions at Warnings
Ano ang dapat ko malaman bago gumamit ng psyllium?
Bago gamitin ang gamot na ito at matapos malaman kung para saan ang psyllium, sambitin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso.
- Umiinom ng iba pang mga gamot. Kabilang ito ang kahit anong reseta, over-the-counter drug (OTC), at mga herbal remedies.
- Mayroong allergy sa alinmang mga sangkap ng produkto.
- Mayroong iba pang mga sakit, karamdaman, o medikal na kondisyon.
Ligtas ba ang psyllium para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso?
Ang gamot na ito ay karaniwang ligtas na gamitin anumang oras — bago, habang, o pagkatapos ng pagbubuntis. Dapat lamang ito ay gagamitin sa panahon ng pagbubuntis kung mayroong malinaw na pangangailangan at ang mga potensyal na benepisyo ay mas malaki kaysa sa mga potensyal na panganib, ayon sa iyong doktor.
Ang psyllium ay hindi na nailalabas sa pamamagitan ng pagpapasuso sa anak. Maaari mong simulan o ipagpatuloy ang pagpapasuso habang gumagamit ng psyllium.
Side Effects
Ano-ano ang mga side effects na maaaring mangyari kapag gumamit ng psyllium?
Tulad ng lahat ng gamot, ang psyllium din ay maaaring magdulot ng mga side effect. Ngunit, ang mga ito ay karaniwang banayad at malulutas kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dosage.
Ang ilang naiulat na epekto ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Pakiramdam na nanlalaki ng tiyan (bloating)
- Abdominal discomfort
- Flatulence (kabag)
- Gastrointestinal impaction o obstruction
- Hypersensitivity reactions
- Runny nose
- Conjunctivitis
- Bronchospasm
- Anaphylaxis
- Mga sintomas sa balat
Gayunpaman, hindi naman lahat ay nakararanas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga side effect. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Ano ang mga gamot na maaaring isabay sa pag-inom ng psyllium?
Upang malaman kung maaari ba itong ipagsabay sa iba pang mga gamot, nararapat na alamin kung para saan ang psyllium.
Ang gamot na ito ay maaaring may interkasyon sa iba pang mga gamot na iyong kasalukuyang iniinom, na maaaring makapagpabago kung paano nagiging epektibo ito o maaari ring madagdagan ang panganib sa mga malubhang side effect.
Para maiwasan ang ibang potensyal na drug interactions, magtago ng listahan ng lahat ng mga iniinom mo, kabilang ang mga inireseta sayo, mga hindi inireseta, at maging mga herbal na produkto at ipakita ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na may maaring may interaksyon sa psyllium:
- Cardiac glycosides
- Coumarin derivatives
- Lithium
- Vitamin B complex
- Minerals (e.g. calcium, iron, or zinc)
Kung ikaw ay nakararanas ng adverse drug interaction, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang treatment plan para sa iyo. Kabilang sa pagpaplano ang pagaayos ng angkop na dosage para sa iyo, drug substitution, o maging ending therapy.
May interaksyon ba ang pagkain at alkohol sa psyllium?
Ang oral form ng gamot na ito ay dapat inumin nang walang laman ang tiyan para sa optimal absorption, dahil maaaring bawasan ng pagkain ang dami ng gamot na naaabsorb ng katawan. Maaari itong inumin 1-2 oras bago o 2-3 oras pagkatapos kumain. Walang mga kapansin-pansing interkasyon ang alkohol kaugnay ang gamot na ito.
Para saan ang psyllium at ano ang mga medikal na kondisyon na maaaring maiugnay dito?
Ang gamot na ito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga ilang medikal na kondisyon. Ang pakikipag-ugnayan na ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na:
- Mga kondisyon na nagpapahirap sa paglunok
- Pre-existing fecal impaction
- Pagbara ng bituka
- Reduced gut motility (e.g. paralytic ileus)
- Colonic atony (e.g. senile megacolon)
Dosage
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, nararapat pa ring kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang angkop na dose para sa isang adult?
Constipation
Oral
- Lusawin ang 3.5g sa isang basong puno ng tubig o juice at inumin ito ng 1-3 beses sa isang araw.
Mild-to-moderate hypercholesterolemia (high cholesterol)
Oral
- Lusawin ang 7.5-10g sa isang basong puno ng tubig o juice at inumin ito bilang isang supplement sa low-fat or lipid-lowering diet.
Ano ang angkop na dose para sa isang bata?
Treating constipation
Oral
- Children <12 years: lusawin ang ½ to 1 kutsarita sa tubig o juice at ibigay ito isang beses sa umaga at gabi. Ang bawat antas ng kutsarita (5 mL) ay naglalaman ng 1.75 g ng psyllium.
Para saan ang psyllium at saan makakakuha nito?
Ang gamot na ito ay makukuha sa mga sumusunod na brand, dosage form at strengths:
- C-Lium Fibre powder for oral suspension 5 g
- C-Lium Fibre capsule 5 g
- Fibro-Lium for oral suspension 5 g
- Mucofalk powder for oral suspension 5 g
- Trufit capsule 5 g
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o isang overdose, tawagan ang iyong lokal na mga serbisyong pang-emergency o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin ko kung nakaligtaan ko ang isang dose?
Kung napalampas mo ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag uminom ng dobleng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot.
Alamin ang iba pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.