backup og meta

Para Saan Ang Primolut N? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Primolut N? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para saan ang Primolut-N? Ginagamit ang Primolut N bilang gamot para sa regla at dysfunctional bleeding, kakulangan ng dugong lumalabas tuwing may regla (primary and secondary amenorrhea), at sa mga sakit bago pa man magkaroon (premenstrual syndrome).

Para saan ang Primolut N (norethisterone)? Paano ito inumin?

Laging sundin ang reseta ng doktor sa pag-inom ng norethisterone. Kung hindi ka sigurado sa pag-inom nito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Lunukin ang gamot nang hindi nginunguya o dinudurog. Maaari itong inumin nang walang tubig o kahit hindi pa kumakain.

Dapat lamang inumin ito kapag inireseta ng doktor. Kung natapos na ang pag-inom nito, kadalasang magkakaroon ka ng regla dalawa hanggang tatlong araw matapos inumin ang huling tableta. Kung ikaw ay walang buwanang dalaw, siguraduhing ikaw ay hindi buntis bago uminom ng norethisterone.

Para saan ang Primolut N (norethisterone)? Paano ito itago?

Ang Primolut N ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng Primolut N na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Para saan ang Primolut N (norethisterone)? Mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago uminom ng Primolut N?

Bago uminom ng gamot na ito, maaaring kailanganim mo munang sumailalim sa ilang mga sumusunod na pagsusuri:

Gayundin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • May allergy sa anomang sangkap ng gamot na ito
  • Buntis o nagpapasuso

Dagdag pa, huwag uminom ng norethisterone kung ikaw ay buntis at nakararanas ng mga sumusunod na konsisyon:

  • Paninilaw  ng balat (idiopathic jaundice ng pagbubuntis)
  • Pangangati ng buong katawan (pruritus ng pagbubuntis)

Ligtas ba ito sa mga buntis at nagpapasuso?

Para sa mga buntis

Ang gamot na ito ay isang pregnancy category X drug  at talagang hindi dapat inumin kung nagbubuntis. Ito ay kilalang teratogen na may mataas na tyansa na maging sanhi ng malubhang problema sa kalusugan ng sanggol o ng pagkamatay nito.

Pagpapasuso

Ang gamot na ito ay maaaring maipasa sa gatas ng ina. Kaya dapat iwasan ang pag-inom nito kung nagpapasuso.

Para saan ang Primolut N (norethisterone)? Side effects

Kung nakaramdaman ng alinman sa mga sintomas na ito, sabihin sa agad sa iyong doktor:

  • Genital at urinary (pagdurugo bago o pagkatapos ng buwanang dalaw, kawalan na pagdurugo, hindi normal na pagdurugo, pagbabago sa cervical secretions, cervical erosions, matagal na anovulation, pagkakaroon ng maraming gatas sa suso, pananakit at paninigas ng suso)
  • Gastrointestinal
  • Puso (pamumuo ng dugo sa hita at binti, baga, o mata; pagtaas ng presyon ng dugo; pamamamaga ng mga ugat)
  • Paggana ng atay
  • Nervous system (depresyon, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkapagod, problema sa pagtulog, inaantok, kawalan ng konsentrasyon, problema sa paningin at sa paggamit ng contact lenses)
  • Metabolic and nutritional (pagbabago sa lebel ng cholesterol sa dugo, pagbabago sa pagkontrol ng insulin at glucose, diabetic cataract, paglubha ng diabetes mellitus, sugar sa ihi)
  • Balat (tigywat, pagtubo ng buhok, panlalagas ng buhok, rashes na may kasamang pangangati, paglubha ng kasalukuyang sakit sa balat)
  • Hypersensitivity reactions (matinding allergic reaction tulad ng rashes sa balat, pamamaga ng mukha, labi, dila, at lalamunan, o nahihirapang huminga o lumunok)
  • Iba pa (fluid retention, pagiging bloated, pagtaas ng timbang, pagbabago sa ganang kumain, paglalim ng boses, pagbabago sa sex drive)

Itigil ang pag-inom ng norethisterone at agad na kumonsulta sa iyong doktor kung naranasan ang mga sumusunod:

  • Pagtaas ng presyon ng dugo
  • Jaundice (paninilaw ng balat o pamumuti ng mga mata)
  • Migraine-type na sakit ng ulo
  • Malubhang hypersensitivity (anaphylaxis) (halimbawa: pamamaga ng bibig, dila, mukha, lalamunan, nahihirapang huminga, wheezing, matinding rashes sa balat, pangangati, pamumula
  • Buntis
  • Hindi pangkaraniwang sakit ng ulo
  • Matinding pangangati (pruritus)
  • Iba pang senyales ng problema sa atay (halimbaw: pagsakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pagkapagod, dark brown na kulay ng ihi)
  • Biglang pagbabago sa paningin, pandinig, o pagsasalita
  • Pagbabago sa pang-amoy o pandama
  • Matinding sakit ng tiyan

Hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Maaaring may iba pang side effects bukod sa mga nabanggit sa itaas. Kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Para saan ang Primolut N (norethisterone)? Mga interaksyon

Ano-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Primolut N?

Ang Primolut N ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, itigil o baguhin ang dosage ng anomang gamot nang walang pahintulot ng iyong doktor.

Ang mga produktong maaaring may interaksyon sa Primolut N ay ang mga sumusunod:

  • Antidepressants: Ang St John’s wort ay maaaring makapagpababa ng serum levels ng progestogens sa pamamagitan ng pagpapabuti ng metabolism.
  • Anticoagulants: Ang Progestogens ay maaaring makapagpabuti o makapagpababa ng anticoagulant effect ng coumarins at antagonise anticoagulant effect ng pheninidione.
  • Antidiabetics: Ang norethisterone ay maaaring makapagpatigil sa epekto ng antidiabetics.
  • Antidepressants: Ang sabay na pag-inom ng St. John’s wort at progesterone ay dapat na iwasan.
  • Antiepileptics: Ang Hepatic enzyme-inducing antiepileptic drugs, (halimbawa: eslicarbazepine, rufinamide, carbamazepine, oxcarbazepine, phenytoin, topiramate at barbiturates (kabilang ang phenobarbital at primidone) ay maaaring makapagpabuti sa metabolism ng progestogens. Ang Norethisterone ay maaaring mapababa ang lamotrigine plasma concentration.
  • Antifungals: Ang epekto ng norethisterone ay maaaring mapababa ng griseofulvin, maaaring dahil sa pagbilis ng metabolism ng progestogen.
  • Antituberculous drugs: Ang Rifamycins ay maaaring makapagpabilis sa metabolism ng progestogen.
  • Antiviral drugs: Ang Nevirapine, nelfinavir o ritonavir ay maaaring makapagpabilis sa metabolism ng norethisterone. Tumataas ang norethisterone plasma concentration dahil sa sabay na pag-inom ng amprenavir. Bumababa naman ang amprenavir plasma concentration dahil sa sabay na pag-inom ng norethisterone.
  • Dopaminergics: Napatataas ng progestogens ang plasma concentration ng selegiline (sabay ng mataas na tyansa ng pagkakalason).
  • Mga gamot para sa reversal ng neuromuscular blockade: Maaaring bumaba ang plasma concentration ng progestogens dahil sa paggamit ng sugammadex.
  • Immunosuppressants: ciclosporin. Ang metabolism ay pinipigilan ng progestogens.
  • Lipid regulating drugs: Ang atorvastatin ay nakapagpapataas ng plasma concentration ng norethisterone.
  • Muscle relaxants: Ang progestogens ay maaaring makapagpataas ng plasma concentration of tizanidine (sabay ng mataas na tyansa ng pagkakalason).
  • Vasodilator antihypertensives: Ang sitaxentan ay nakapagpapataas ng plasma concentration ng progestogens.
  • Ang Cytochrome P450 hepatic enzymes ay ang enzymes na ikinababahala. Maaari itong maapektuhan ng drug interaction na maaaring magresulta sa  induction o inhibition ng drug metabolism.

May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Primolut N?

Ang Primolut N ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Ano-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Primolut N?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Ang mga medikal na kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

  • Problema sa sirkulasyon ng dugo (kabilang ang pamumuno ng dugo, atake sa puso, stroke)
  • Migraine na may kasamang problema sa paningin
  • Sakit sa atay o liver tumors
  • Diabetes na may sirang blood vessels
  • Anomang uri ng kanser na maaaring lumubha dahil sa exposure sa female sex hormones (kabilang ang kanser sa suso)
  • Pagdugo ng pribadong bahagi ng katawan
  • Endometrial hyperplasia
  • Altapresyon
  • Heart valve disorder o tiyak na heart rhythm disorder (problema sa puso)
  • Thrombosis/embolism
  • Asthma
  • Problema sa bato
  • Epilepsy
  • Pamamaga ng ugat (superficial phlebitis)
  • Varicose veins
  • Kanser sa suso
  • Chloasma
  • Depresyon
  • Systemic lupus erythematosus (SLE)
  • Sickle cell disease
  • Crohn’s disease
  • Ulcerative colitis
  • Haemolytic uremic syndrome (‘HUS)’
  • Hereditary angioedema
  • Intolerance sa ibang uri ng sugar (galactose intolerance, Lapp lactase deficiency o glucose-galactose malabsorption)

Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng Primolut N (norethisterone).

Ano ang dose para sa isang nakatatanda?

Metropathia hemorrhagica (dysfunctional uterine bleeding)

Ang irerekomendang dose ay 5 mg tatlong beses sa isang araw sa loob ng sampung araw. Kadalasang tumitigil ang pagdurugo sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Ang withdrawal bleeding na katulad ng normal na regla ay nangyayari sa loob ng dalawa hanggang apat na araw matapos ang hindi itinuloy na gamutan.

Pre-menstrual syndrome (PMS; including premenstrual mastalgia)

Ang irerekomendang dose ay 10 hanggang 15 mg araw-araw simula sa ika-19 hanggang ika-26 araw ng siklo.

Dapat na ulitin ang gamutan sa loob ng maraming siklo. Kung itinigil ang gamutan, ang pasyente ay maaaring manatiling walang sintomas sa loob ng ilang buwan.

Postponement ng menstruation

Ang irerekomendang dose ay 5 mg tatlong beses sa isang araw, tatlong araw bago ang inaasahang araw ng pagsisimula ng regla. Ang normal na regla dapat na magsimula dalawa hanggang tatlong araw matapos tumigil ang pasyente sa pag-inom ng gamot.

Dysmenorrhea

Ang irerekomendang dose ay 5 mg tatlong beses sa isang araw sa loob ng 20 araw, simula sa ika-5 araw ng siklo (ang unang araw ng regla ay ibinibilang na unang araw).

Dapat tuloy-tuloy ang gamutan sa loob ng tatlo hanggang apat na siklo, na susundan ng siklo na walang gamutan. Ang karagdagang pag-inom ng gamot ay maaaring ibigay kung bumalik ang mga sintomas.

Endometriosis (pseudo-pregnancy therapy)

Ang irerekomendang dose ay iinumin sa ikalimang araw ng siklo. 10 mg ang iinumin araw-araw sa loob ng mga unang linggo.

Kung magkaroon ng pagdurugo bago o pagkatapos ng buwanang dalaw, itataas ang dose sa 20 mg, at kung kinakailangan ay 25 mg araw-araw.

Matapos ang pagdurugo, ang inisyal na dose ay muling ibibigay sa pasyente.

Ang haba ng gamutan ay umaabot sa apat hanggang anim na buwan nang tuloy-tuloy, o mas hahaba pa kung kinakailangan.

Menorrhagia (hypermenorrhea)

Ang irerekomendang dose ay 5 mg tatlong beses sa isang araw simula sa ika-19 hanggang sa ika-26 na araw ng siklo (ang unang araw ng regla ay ibinibilang na unang araw).

Ano ang dose para sa isang bata?

Walang tiyak na dose ng gamot na ito para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na lubos na maunawaan ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago ito inumin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang mga impormasyon.

Anong Primolut N ang maaaring mabili?

Ang Primolut N ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Tableta na 5 mg

Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?

Kung nakalimutang uminom ng Primolut-N, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Primolut N®, https://www.medicines.org.uk/emc/medicine/23891, Accessed December 13, 2016

Primolut N®, http://www.rxwiki.com/norethisterone, Accessed December 13, 2016

Kasalukuyang Version

08/31/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Buo-Buong Dugo Sa Menstruation, Bakit Nga Ba Nagkakaroon Nito?

Matagal Na Regla, Paano Ito Mapipigilan? Heto Ang Home Remedies


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement