Mga Gamit
Para saan ang Pau d’Arco?
Ang Pau d’Arco (Tabebuia avellanedae) ay isang puno na native sa mga bansa ng Timog America, tulad ng Brazil. Ang halaman na ito ay may matingkad at pink na kulay na bulaklak, ngunit ang pinakamahalagang parte nito ay ang balat ng puno.
May dalawang aktibong constituents sa Pau d’Arco: lapachol at beta-lapachone. Ang compounds na ito ay kilala bilang naphthoquinones at mayroong antimicrobial at anti-inflammatory properties sa pag-aaral ng in-vitro.
May mga sumusunod na gamit ang Pau d’Arco:
- Antifungal
- Antiviral
- Anthelmintic
- Antibacterial
- Antineoplastic
Paano ito nagiging mabisa?
Ang nilalaman ng Pau d’Arco na naphthoquinone ay naglalaman ng antimicrobial properties sa pag-aaral sa human lab. Kabilang ang aksyon ng mekanismo sa pagbawas ng mitochondrial membrane na potensyal na magti-trigger sa pagsisimula ng apoptosis o pagkamatay ng cell.
Konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mas maraming impormasyon.
Pag-iingat at babala
Para saan ang Pau D’Arco: Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Pau d’Arco?
Ang mga halamang gamot ay karaniwang ligtas na ikonsumo sa moderasyon na dami na may gabay ng health professional. Gayunpaman, dahil karamihan ng halamang gamot at food supplements ay hindi aprubado ng FDA para sa paglunas at pag-iwas ng tiyak na sakit, ang inirerekomendang pang-araw-araw na values ay hindi laging eksakto.
Kahit na ina-advertise bilang “all-natural” o “safe”, ang natural at food supplement ay kailangan na kabilang sa conventional medication. Ang mga tiyak na paghahanda sa halamang gamot ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kinokonsumo, na nagpapataas ng banta ng pagbabago ng reaksyon ng gamot at toxicity.
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay:
- May allergic reaction sa Pau d’Arco o ibang supplements
- May history ng allergy sa ibang mga gamot, pagkain, o ibang substances
- Kung umiinom ng ibang mga gamot
- May kasalukuyang kondisyon sa kalusugan
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Walang sapat na impormasyon tungkol sa paggamit at pagiging ligtas ng supplement na ito habang nagbubuntis. Dahil ang Pau d’Arco ay nagpapataas ng banta ng pagdurugo, hindi ito nirerekomenda na gamitin habang nagbubuntis. Ang supplement na ito ay kailangan na gamitin habang nagbubuntis kung ang potensyal na pakinabang nito ay makatarungan sa potensyal na banta sa fetus, na may gabay ng doktor.
Hindi lumalabas ang supplement na ito mula sa gatas ng ina. Kailangan lamang na gamitin ang supplement na ito habang nagpapasuso kung ang potensyal na pakinabang nito ay makatarungan sa potensyal na banta sa bata, na tiniyak ng doktor.
Side Effects
Ano ang side effects na maaaring mangyari mula sa Pau d’Arco?
Lahat ng supplements ay may potensyal na tiyak na side effects kahit na normal na ginagamit. Maraming mga side effects na tungkol sa dose at mareresolba kung ia-adjust o tatapusin ang therapy.
Kabilang sa potensyal na side effects habang ginagamit ang supplement na ito ay:
- Gastrointestinal discomfort
- Pagdurugo
- Pagkairita ng balat (kung ilalagay sa balat)
Maaari kang makaranas ng ilan, o walang mga side effects na binanggit sa itaas. Kung ikaw ay may inaalala tungkol sa side effects o nag-aalala, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Pau d’Arco?
Upang maiwasan ang potensyal na drug interaction, kailangan mong maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na ang nireseta na gamot, hindi nireseta, at ang halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Ilang mga gamot na maaaring mag-interact sa Pau d’Arco:
- Warfarin
- Clopidogrel
- Aspirin
- Ilang blood thinners
Ang liquid extraction ng gamot na ito ay naglalaman ng alcohol. Iwasan na ikonsumo nang sabay ang mga sumusunod:
- Antihistamines
- Sedatives
- CNS depressants
Kung nakaranas ng pagbabago ng epekto ng interaction sa gamot, iwasan ang paggamit ng gamot at ipagpatuloy na inumin ang iba mo pang gamot. Sabihan agad ang iyong doktor upang matayang muli ang iyong plano sa gamutan. Ang iyong dose ay maaaring kailangan i-adjust, palitan ng ibang gamot, o itigil ang paggamit ng gamot.
Ang pagkain at alak ba ay nag i-interact sa Pau d’Arco?
Ito ay maaaring inumin nang hindi pa kumakain. Kung nakaranas ka ng kahit na anong sakit sa gastrointestinal, ang pag-inom nito matapos kumain ay makatutulong na makaiwas sa sintomas. Mahalaga na uminom ng sapat na tubig habang gumagamit ng gamot na ito.
Ang liquid extract na paghahanda ng gamot na ito ay naglalaman ng alcohol kaya’t ang pagkonsumo ng alak ay kailangan na limitado upang makaiwas sa intoxication, lalo na sa mga bata o matanda na kailangan na magmaneho o magpatakbo ng makina.
Sabihan ang iyong doktor o pharmacist kung may mga tanong tungkol sa food-drug interactions.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Pau d’Arco?
Ang supplement na ito ay kailangan na ikonsumo na may pag-iingat kung mayroon ka ng mga sumusunod na kondisyon o banta:
- Allergy sa kahit na anong sangkap
Sabihan ang iyong doktor o pharmacist kung may mga inaalala tungkol sa tiyak na kondisyon sa kalusugan.
Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa propesyonal na medikal na payo. Kailangang LAGING komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Pau d’Arco.
Ano ang dose ng Pau d’Arco para sa matanda?
Ang inirerekomendang dosage ng gamot na ito ay hindi pa tiyak para sa paggamot ng kahit na anong kondisyon ng sakit. Konsultahin ang iyong doktor para sa tamang indikasyon at dosage.
Ano ang dose ng Pau d’Arco para sa bata?
Ang supplement na ito ay hindi nirerekomenda na gamitin ng mga bata at hindi pa tiyak ang inirekomendang dose nito. Konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa alternatibo at marami pang impormasyon.
Para saan ang Pau D’Arco: Paano mabibili ang Pau d’Arco?
Ang supplement na ito ay mabibili sa mga sumusunod na dosage at porma:
- Liquid extract
- Tea
- Oral tablet
Anong gagawin kung may emergency o overdose?
Kung magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakaligtaan ang dose?
Kung nakaligtaan ang dose ng supplement na ito, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, hayaan ang nakaligtaang dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.