Ang mefenamic acid ay parte ng klase ng gamot na tinatawag na nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Ang NSAIDs tulad ng mefenamic acid ay ginagamit sa paggamot ng mild hanggang moderate na sakit. Maaari itong mabili bilang over-the counter na gamot na walang reseta.
Alamin ang basics
Para saan ang mefenamic acid?
- Panandaliang lunas sa sakit
- Sakit sa sa ulo
- Sakit sa pagreregla, dysmenorrhea
- Muscle at joint pain
- Pain at inflammation
- Post-surgery pain
Paano ko ikokonsumo ang mefenamic acid?
Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa oral dosage form, lunokin ito nang buo nang hindi nginunguya, pinipiraso, o tinutunaw sa tubig. Inumin ito matapos kumain upang maiwasan ang gastric irritation.
Paano ko itatago ang mefenamic acid?
Ang produktong ito ay mainam na itago sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng mefenamic acid?
Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang gamot, kabilang na rito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon
Ligtas bang inumin ang mefenamic acid habang buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot habang buntis o nagpapasuso.
Ang gamot na ito ay hindi dapat ibigay sa mga buntis. Maaaring maapektuhan ang fetus, lalo na kung nasa pangalawa at pangatlong trimester. Karagdagan, ang gamot na ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagpapasuso ng gatas sa sanggol, kaya’t huwag magpasuso habang umiinom ng gamot na ito.
Alamin ang side effects
Ano ang side effects ng mefenamic acid?
Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kadalasan ito ay mild at nasosolusyonan pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Sakit sa tiyan
- Pagkahilo, pagsusuka
- Heartburn
- Constipation, diarrhea
- Rash
- Dizziness
- Tinnitus
Humingi ng medikal na atensyon kung nararanasan ang mga sumusunod:
- Atake sa puso o stroke
- Edema
- Peptic ulcer
- Problema sa atay
- Skin reactions
- Allergic reactions
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa mefenamic acid?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interactions:
- ACE inhibitors (hal. captopril, enalapril)
- Methotrexate
- Magnesium hydroxide
- Lithium
- Blood thinners (hal. aspirin, warfarin, coumarin)
- Diuretics
Kung naranasan ang pagbabago ng bisa ng gamot, sabihan agad sa doktor upang mataya muli ang plano sa paggamot. Kabilang sa mga paraan ay dose adjustment, drug substitution, o pagtatapos ng therapy.
Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa mefenamic acid?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Huwag komonsumo ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa mefenamic acid?
Maaaring mag-interact ang gamot sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan lalo na kung ikaw ay may:
- Anemia
- Asthma
- Bleeding problems
- Blood clots
- Edema (pananatili ng fluid o pamamaga ng katawan)
- Sakit sa puso (hal. Congestive heart failure)
- Hypertension (mataas na presyon ng dugo)
- Sakit sa bato
- Sakit sa atay (hal. hepatitis)
- Stomach o intestinal ulcers o pagdurugo
- Stroke
- Aspirin-sensitive asthma
- Malalang sakit sa bato
- Inoperahan sa puso (hal. Coronary artery bypass graft [CABG] surgery)
Unawain ang dosage
Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Pain relief
Uminom ng 500 mg tatlong beses kada araw. Inumin ito sa maiksing panahon lamang.
Ano ang dose para sa bata?
Pain relief
Sa mga bata na may edad 14 pataas: Magbigay ng 500 mg tatlong beses kada araw.
Huwag ibigay sa mga bata na mas bata sa edad na 14.
Paano nabibili ang mefenamic acid?
Ang mefenamic acid ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:
- Capsule: 250 mg, 500 mg
- Tablet: 250 mg, 500 mg
- Oral suspension: 50 mg/5mL
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.