backup og meta

Para Saan ang Ganaton? Alamin Dito ang Kasagutan

Para Saan ang Ganaton? Alamin Dito ang Kasagutan

Ganaton ang brand name ng gamot na itopride hydrochloride (itopride HCI). Gumagana ang itopride sa pamamagitan ng pagpawi ng mga sintomas na dulot ng problema sa GI system. Para saan ang Ganaton?

Mga Gamit

Para saan ang Ganaton?

Karaniwang ginagamit ang Ganaton sa paggamot ng non-ulcer dyspepsia (chronic gastritis), tulad ng pakiramdam na kinakabag, maagang pagkabusog, sakit ng tiyan, anorexia, heartburn, pagduduwal at pagsusuka.

Paano ko dapat gamitin ang Ganaton?

Bilang oral tablet, lunukin nang buo ang tableta. Huwag durugin, nguyain, o tunawin ang tableta. Pinakamainam na inumin ito nang walang laman ang tiyan.

Paano ko dapat iimbak ang Ganaton?

Pinakamabuting iimbak ang glucagon sa temperature na malayo sa direktang liwanag at halumigmig. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong i-freezer o ilantad sa liwanag.

Maaaring may ibang brand ang itopride na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

Mga Pag-iingat at Babala

Anong dapat kong malaman bago gumamit ng Ganaton?

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Gumagamit ng iba pang gamot. Kabilang dito ang mga gamot na ginagamit mo na puwedeng bilhin nang walang reseta, tulad ng herbal at complementary medicine.
  • Allergy sa alinman sa mga sangkap ng Ganaton o iba pang gamot.
  • May iba pang karamdaman, disorder, o medikal na kondisyon

Hindi pa naitatakda ang kaligtasan ng gamot na ito sa mga batang wala pang 16 na taong gulang.

Sa pangkalahatan, kailangan ang tamang pag-iingat sa paggamit at pagsubaybay ng Ganaton sa matatandang pasyente na nagpapakita ng mas mataas na frequency ng decreased hepatic, renal function, at concomitant disease o iba pang drug therapy.

Ligtas ba ito sa mga buntis at nagpapasuso?

Wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng Ganaton sa mga buntis at nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago gumamit ng anumang gamot.

Mga Side Effect

Ano ang mga side effect ng Ganaton?

Ang mga side effect na puwedeng mangyari sa paggamit ng gamot na ito ay:

  • Anaphylaxis
  • Leukopenia at thrombocytopenia
  • Pagtaas ng prolactin level at gynecomastia
  • Pagkahilo
  • Pagsakit ng ulo
  • Panginginig
  • Pagtatae
  • Constipation o pagtitibi
  • Pagsakit ng tiyan
  • Paglalaway
  • Pagduduwal
  • Paninilaw ng balat
  • Pantal, pamumula at pangangati

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Ganaton?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, itigil, o baguhin ang dosage ng kahit na anong gamot nang walang pahintulot ng doktor.

May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Ganaton?

Maaaring magkaroon ng interaksyon ang Ganaton sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaksyon sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Ganaton?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.

DOSAGE

Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?

Ang inirekomendang dose ay isang tableta (50 mg) tatlong beses sa isang araw hanggang walong linggo.

Para sa isang beses kada araw (OD) tableta (150 mg), uminom ng isang tableta kada araw hanggang 8 linggo.

Ano ang dose para sa mga bata?

Hindi pa naitatakda ang dosage para sa mga batang pasyente na wala pang 16 na taong gulang. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Palaging mahalaga ang lubos na pag-unawa sa kaligtasan ng gamot bago gamitin. Palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.

Paano nakakukuha ng Ganaton?

Available ang Ganaton sa mga sumusunod na dosage form at strength:

  • Film coated tablet 50 mg
  • OD film-coated tablet 150 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ganaton https://www.mims.com/philippines/drug/info/ganaton Accessed May 31, 2021

Itopride https://www.mims.com/philippines/drug/info/itopride?mtype=generic Accessed May 31, 2021

Long-Term Safety and Efficacy of Itopride Hydrochloride (HCl) in Patients Suffering From Functional Dyspepsia
https://clinicaltrials.gov/ct2/show/NCT00112203 Accessed May 31, 2021

GANATON® (Itopride Hydrochloride) https://www.medicine.abbott/pk/products/ganaton.html Accessed May 31, 2021

Itopride hydrochloride  https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Itopride-hydrochloride Accessed May 31, 2021

Kasalukuyang Version

09/08/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement