backup og meta

Para Saan Ang Fusafungine? Alamin Dito

Para Saan Ang Fusafungine? Alamin Dito

Para saan ang fusafungine? Paggamit nito

Paalala: Ang fusafungine at iba pang gamot na naglalaman nito ay tinanggal na sa mga pamilihan simla noong 2016. Ang mga impormasyong ito ay para lamang magbigay ng kaalaman.

Para saan ang fusafungine?

Ang fusafungine ay isang lokal na antibiotic na may mga sangkap na anti-inflammatory upang gamutin ang mga impeksyon sa ilong at lalamunan.

Paano gamitin ang fusafungine?

Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Paganahin ang panloob na pump sa pamamagitan ng pagpindot sa canister nang apat na beses.

Para sa oromucosal na paggamit: Tanggalin ang nasal adaptor at palitan ito ng puting oral adaptor. Ilagay ang adaptor sa bibig at ipalibot dito ang iyong labi. Madiin itong pindutin nang isang beses habang humihinga nang normal.

Para sa nasal na paggamit: Ilagay sa butas ng ilong ang dilaw o transparent na adaptor. Pindutin ang canister habang humihinga ng normal. Ulitin ito kung kinakailangan.

Paano itago ang fusafungine?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Para saan ang fusafungine? Mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng fusafungine?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas ba itong gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pagamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.

Para saan ang fusafungine? Side effects

Anu-anong side effects ang maaaring maranasan sa paggamit ng fusafungine?

Katulad ng lahat ng mga gamot, ang fusafungine ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:

  • Pagbahing
  • Hindi masarap na lasa
  • Naluluhang mga mata
  • Panunuyo ng lalamunan at ilong
  • Ubo
  • Pagduduwal
  • Pagkakaroon ng pakiramdam na tila may tumutusok
  • Anaphylaxis

Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Para saan ang fusafungine? Mga interaksyon

Ano-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa fusafungine?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

May interaksyon ba ang pagkain at alak sa fusafungine?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Anu-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa fusafungine?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Para saan ang fusafungine? Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano ang dose para sa isang nakatatanda?

Langhapin ang 4 puffs sa pamamagitan ng bibig at 2 puffs sa bawat butas ng ilong 4 na beses kada araw.

Ano ang dose para sa isang bata?

Para sa mga batang 30 buwang taon at higit pa: Magbigay ng 2 puffs sa bibig at 1 puff sa bawat butas ng ilong 4 na beses kada araw.

Anong fusafungine ang maaaring mabili?

Ang fusafungine ay hindi mabibili sa mga pamilihan. Ito ay nabibili noon bilang nasal at oromucosal spray solution.

Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?

Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fusafungine, https://www.mims.com/philippines/drug/info/fusafungine?mtype=generic, Accessed July 25, 2021

Locabiotal Package Leaflet, http://www.hpra.ie/img/uploaded/swedocuments/2148152.PA0068_015_001.0277806d-1fea-4c23-bf6d-00f33f4ec284.000001Locabiotal%20PIL.140703.pdf, Accessed July 25, 2021

Fusafungine containing medicinal products for oromucosal and nasal use, https://www.ema.europa.eu/en/medicines/human/referrals/fusafungine-containing-medicinal-products-oromucosal-nasal-use, Accessed July 25, 2021

Locabiotal (MY). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed July 25, 2021

Fusafungine. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed July 25, 2021

Kasalukuyang Version

10/13/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement