Alamin ang mga pangunahing kaalaman
Para saan ang flanax: Saan ito ginagamit?
- mild hanggang moderately-severe pain
- Lagnat
- Pamamaga dahil sa musculoskeletal trauma, pananakit pagkatapos ng operasyon, at post-dental extraction
- Dysmenorrhea at pananakit ng tiyan
- Migraines
Paano ako iinom ng Flanax?
Available ang Flanax bilang mga oral tablet. Ang mga oral tablet ay dapat inumin sa pamamagitan ng bibig nang hindi nginunguya o dinudurog ito. Ang mga tablet ay dapat inumin kasama ng pagkain para maiwasan ang pangangati ng sikmura.
Paano ako mag-iistore ng Flanax?
Ang gamot na ito ay dapat na naka-istore sa room temperature (<30°C) at protektado dapat mula sa liwanag at moistures. Huwag itago ito sa refrigerator o freezer. Palaging suriin ang label bago gamitin ang produktong ito. Para sa kaligtasan, iwasang maabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag gamitin kung ang naka-print na expiration date ay lagpas na. At ang selyo ng produkto sira na, o ang produkto ay nagbago sa kulay, amoy, o consistency.
Bilang karagdagan, huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos nito sa drain, palikuran, o sa kapaligiran. Tanungin ang iyong pharmacist tungkol sa tamang paraan at lokasyon ng pagtatapon.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Para saan ang flanax: Ano ang dapat kong malaman?
Ang NSAIDs, kabilang ang naproxen, ay nauugnay sa mas mataas na risk ng pagdurugo at gastric ulceration. Ang risk na ito ay higit para sa mga matatandang pasyente na kadalasang higit sa 60 taong gulang. At sa mga umiinom ng mga pampalabnaw ng dugo, sa mga may mga sakit sa pamumuo ng dugo.
Ang ilang grupo ng mga taong may mga kondisyon tulad ng hika o allergic rhinitis ay maaaring makaranas ng paglala ng mga sintomas pagkatapos gumamit ng NSAIDs.
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa’yong doktor kung ikaw ay:
- Nagkaroon ng allergic reaction sa Flanax o iba pang mga NSAID
- History ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap
- Pag-inom ng iba pang mga gamot, lalo na ang iba pang NSAIDs at pampalabnaw ng dugo
- Mga underlying health conditions
Para saan ang flanax: Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Ang Naproxen ay ikinategorya bilang isang gamot sa kategorya ng pagbubuntis B sa panahon ng 1st at 2nd trimester. At kinokonsidera rin sa isang pregnancy category D na gamot at contraindicated. Para sa paggamit nito sa panahon ng 3rd trimester. Ang gamot na ito ay dapat gamitin lamang sa panahon ng pagbubuntis kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran. Sa potensyal na risk sa fetus, gaya ng tinutukoy ng iyong doktor.
Ang naproxen ay maaaring mailabas sa breastmilk. Ang gamot na ito ay dapat gamitin habang nagpapasuso lamang kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran. Sa potensyal na risk sa bata, ayon sa tinutukoy ng iyong doktor.
Alamin ang mga side effect
Ano ang mga side-effects ng Flanax?
Ang lahat ng mga gamot ay may potensyal na magkaroon ng mga side effect. Kahit na sa normal na paggamit. Gayunpaman, maraming mga side effect ay dose-related at malulutas ito sa pagtatapos ng therapy o kaya’y kapag inaayos.
Ang mga potensyal na epekto habang ginagamit ang gamot na ito ay kinabibilangan ng:
- Pagduduwal
- Pagtatae
- Sumasakit ang tiyan
- Sakit sa tiyan
- Hindi pagkatunaw ng pagkain
- Sakit ng ulo
- Pagkahilo
- Allergy reaction
- Bronchospasm
- Mga abnormalidad sa dugo
- Pagdurugo
- Anemia
- Thrombocytopenia
- Leukopenia
- Eosinophilia
- Edema
- Pangangati ng mata
- Photosensitivity
- Malaise
- Tinnitus
- Pag-aantok (huwag uminom bago magmaneho o magpatakbo ng makinarya)
Humingi kaagad ng medikal na atensyon kung makaranas ka ng alinman sa mga seryosong potensyal na nakamamatay na reaksyon ng gamot na ito:
- Arterial thrombotic events
- Myocardial infarction (atake sa puso)
- Gastrointestinal damage
- Peptic ulceration
- Dumudugo
- Matinding hypersensitivity reaction
- Lagnat
- Toxic epidermal necrolysis (TEN) o Stevens-Johnson Syndrome (SJS)
- Vasculitis
- Serum sickness
- Hepatitis
- Jaundice
- Nephrotoxicity
- Hematologic abnormalities
- Anemia
- Thrombocytopenia
- Leukopenia
- Agranulocytosis
- Pancytopenia
- Seizures
Maaari kang makaranas ng ilan, wala, o iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect o ito ay nakakaabala. Kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga pakikipag-interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring makipag-interact sa Flanax?
Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa ibang mga gamot. Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interaksyon sa gamot. Dapat kang magtago ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription, at produktong herbal. At ipaalam ito sa’yong doktor at pharmacist.
Ang mga kilalang gamot at ang kanilang interaksyon sa Naproxen ay kinabibilangan ng:
- Iba pang NSAIDs
- Salicylates
- Anticoagulants
- Corticosteroids
- Hydantoins
- Lithium
- Diuretics
- Decreased sodium excretion
- Methotrexate
- Antihypertensives
- Decreased control of blood pressure
- Selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs)
- Sulfonylureas
- Pagtaas ng panganib ng hypoglycemia
Kung nakakaranas ka ng masamang interaksyon sa gamot. Itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Ipaalam kaagad sa’yong doktor para muling suriin ang iyong treatment plan. Maaaring ayusin ng iyong doktor ang dosis, palitan ito ng ibang gamot, o direkta kang pahintuin sa paggamit ng gamot.
Para saan ang flanax: Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa naproxen?
Ang naproxen ay slightly less absorbed kapag tinake kasama ng pagkain. Gayunpaman, ang pag-inom nito kasama ng pagkain ay pumipigil sa gastrointestinal distress. Katulad nito, ang gamot na ito ay hindi dapat inumin kasama ng alkohol. Dahil maaari itong mapataas ang risk ng gastrointestinal ulceration, pagdurugo, at hepatotoxicity.
Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin. Tungkol sa interaksyon sa pagkain at gamot.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa naproxen?
Gamitin ang gamot na ito nang may pag-iingat. Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon o mga kadahilanan ng panganib:
- Active bronchial asthma
- Nasal polyps
- Rhinitis
- Hindi makontrol na hypertension
- Congestive heart failure (CHF)
- Iba pang mga sakit sa cardiovascular
- Gastrointestinal disease Peptic ulcer disease (PUD)
- Gastroesophageal reflux disease (GERD)
- Mga kondisyon na nangangailangan ng operasyon
- Pagkasira ng bato o hepatic
- Mga babaeng may fertility issue o sumasailalim sa tritment
Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa mga partikular na kondisyon ng kalusugan.
Unawain ang dosis
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang palaging kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist. Bago gumamit ng anumang gamot.
Para saan ang flanax: Ano ang dosis para sa isang adult?
Para sa mild hanggang moderately-severe pain, lagnat, pamamaga
Magsimula sa 2 tablet para sa unang dosis. Pagkatapos ay uminom ng 1 tablet tuwing 8 oras.
Para sa sakit ng postpartum
Uminom ng 2 tablet bilang isang dosis.
Para sa acute migraines
Uminom ng 3 tablet sa simula ng pag-atake. Maaaring uminom ng karagdagang 1-2 tablet pagkatapos ng higit sa 30 minuto.
Ang maximum na pang-araw-araw na dosis para sa Flanax ay 1375 mg. At ang maximum na pang-araw-araw na dosis para sa Flanax Forte ay 550 mg dalawang beses sa isang araw.
Para saan ang flanax: Ano ang dosis para sa isang bata?
Walang established na pediatric dose. Maaaring hindi ito ligtas para sa’yong anak. Mahalaga na laging lubos na unawaain ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Mangyaring kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.
Paano magiging available ang Flanax?
Available ang Flanax sa mga sumusunod na form ng dosis at strenght:
- (OTC) Flanax 275 mg ng naproxen
- (Rx) Flanax Forte tablet 550 mg ng naproxen (Rx-strength)
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose. Isaalang-alang ang activated charcoal, emesis (pagsusuka), osmotic cathartic, o gastric lavage sa loob ng 1-4 na oras. Pagkatapos ng paglunok. Bilang karagdagan, agad na tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room.
Ang mga sintomas ng overdose ay maaaring kabilang ang mga sumusunod:
- pagkahilo
- matinding pagod
- antok
- sakit sa tyan
- heartburn
- pagduduwal
- pagsusuka
- mabagal o mahirap na paghinga
Ano ang dapat kong gawin kung makalimutan ko ang isang dosis?
Kung napalampas mo ang isang dosis.Take it as soon as possible. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.