Para Saan Ang Erceflora?
Ano ang Erceflora (Bacillus clausii)?
Ang Erceflora ay isang produkto na naglalaman ng spores ng Bacillus clausii, isang uri ng bakterya na hindi tinatablan ng antibiotic. Nakatutulong ito para dagdagan at patibayin ang normal flora ng gut. Kinikilala rin itong probiotic. Kabilang sa mga dahilan ng paggamit ng probiotic ang post-antibiotic use, chronic diarrhea o constipation, at partikular na vitamin malabsorption disorder.
Paano dapat gamitin ang Erceflora?
Oral suspension
– Karaniwan lang ang may makita na ilang buo-buo o butil dito. Haluin nang maigi bago inumin.
– Para mabuksan ang bote, ikutin at hilain ang takip.
– Tunawin ang mga laman ng maliit na bote sa isang baso ng tubig o iba pang inumin (tulad ng juice, gatas, formula).
– Panghuli, inumin kaagad ang lahat ng laman ng bote para maiwasan ang contamination.
Paano itabi ang Erceflora?
Pinakamainam na ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at kahalumigmigan. Para mapanatili ang magandang kalidad ng produkto, gamitin ito sa loob ng tatlong linggo matapos buksan.
Maaaring nangangailangan ng ibang storage needs ang iba pang tatak ng Bacillus clausii. Kaya mahalaga na parating tignan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o kaya magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa.
Komunsulta sa parmasyutiko para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Ngayong alam na natin kung para saan ang Erceflora, ating alamin kung paano ito ginagamit.
Paano ginagamit ang Erceflora?
Hindi dapat ginagamit ito kung hypersensitive sa active ingredient o anumang formulated substances.
Habang naggagamot ng antibiotic, maaaring ibigay ang Erceflora sa pagitan ng pagbibigay ng antibiotic.
Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapagatas?
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), pregnancy risk category A ang gamot na ito. Samakatuwid, ligtas ang paggamit nito tuwing nagbubuntis at nagpapagatas.
Ngunit komunsulta pa rin sa iyong doktor bago uminom ng gamot na ito.
Sumusunod ang FDA pregnancy risk category reference:
A = Walang panganib
B = Walang panganib sa ilang mga pag-aaral
C = Maaaring may ilang panganib
D = Tiyak na may datos ng panganib
X = Contraindicated
N = Hindi alam
Alamin ang mga side effect
Bukod sa kaalaman kung para saan ang Erceflora, mahalaga ring malaman ang side effects nito. Heto ang dapat mong malaman:
Ano ang mga side effect na maaari magmula sa Erceflora?
Wala pang naitatalang masamang epekto ng paggamit nito kung gagamitin ayon sa payo ng doktor. Ngunit mangyari mang makaranas ng anumang side effect o paglala ng kondisyon, ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o parmasyutiko
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Erceflora?
Walang gamot o pagkain ang sinasabing nakakapagpabago sa epekto ng gamot na ito. Ngunit kung umiinom ng iba pang gamot, komunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko.
Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa Erceflora?
Walang gamot o pagkain ang sinasabing nakakapagpabago sa epekto ng gamot na ito. Ngunit kung umiinom ng iba pang gamot, ipagbigay-alam sa iyong doktor o parmasyutiko.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaari mag-interact sa Erceflora?
Maaari mag-interact ang Erceflora sa kondisyon ng iyong kalusugan. Maaaring palubhain ng interaksyon ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na parating ipagbigay-alam sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong medical history bago inumin ang gamot na ito.
Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Samakatuwid, parating komunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang gamot na ito
Ano ang dose ng Erceflora para sa matanda?
Regular na uminom ng 2 hanggang 3 bote kada araw, o ayon sa payo ng doktor.
Ano ang dose ng Erceflora para sa bata?
Regular na magbigay ng 1 hanggang 2 bote sa isang araw, o ayon sa payo ng doktor.
Paano nakukuha ang Erceflora?
Nakikita ang Erceflora sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:
– Oral suspension, naglalaman ng 2 bilyon ng Bacillus clausii spores ang isang 5mL na bote
Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?
Sa kabutihang-palad, wala pang naitatalang pangyayari ng overdose o toxicity sa Erceflora. Ngunit makipag-ugnayan sa iyong doktor o emergency medical services mangyaring makaranas ng sakit o seryosong side effect
Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito kaagad sa pagkakataon na maalala. Ngunit kung malapit na sa oras ng sunod na dose, isang dose na lang ang inumin. Huwag uminom ng dalawang dose.