Ang Dextromethorphan hydrobromide (HBr) ay isang generic na gamot sa ubo. Ito ay derivative ng codeine na available over the counter (OTC). Mayroong iba’t ibang mga tatak at paghahanda na naglalaman lamang ng dextromethorphan o kasama ng iba pang mga gamot. Alamin pa kung para saan ang dextromethorphan.
Mga Gamit
Ano ang gamit ng dextromethorphan?
- Pinipigilan ang pag-ubo dahil sa sipon
- Pangangati sa lalamunan
- Mga tuyong ubo
Paano ko iinumin ng dextromethorphan?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon kung para saan ang dextromethorphan. Suriin ang label at petsa ng expiration.
Para sa mga oral na kapsula o tableta, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinunaw sa likido.
Ang mga lozenges ay dapat ilagay sa bibig at hayaang dahan-dahang matunaw. Huwag lunukin nang buo, nguyain, o i-dissolve ito sa tubig.
Ang mga syrup at elixir ay dapat sukatin gamit ang isang medical-grade na panukat, hindi isang kutsarang pambahay.
Paano ako mag-store ng dextromethorphan?
Itago ang produktong ito sa controlled room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi dapat ilagay sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang paraan ng pagtatago. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak. Tanungin din ang iyong pharmacist kung para saan ang dextromethorphan. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o itapon sa mga kanal maliban kung ito ang instruction. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Mga pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang dextromethorphan?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/may:
- Buntis o nagpapasuso.
- May iniinom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal na remedyo.
- Isang allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
- Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Palaging kumunsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at risk bago uminom ng anumang gamot at kung para saan ang dextromethorphan.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Sanggunian sa risk category sa pagbubuntis ng FDA:
A= Walang panganib
B= Walang panganib sa ilang pag-aaral
C= Maaaring may ilang risk
D= Positibong ebidensya ng risk
X= Contraindicated
N= Hindi alam
Mga side effect
Anong side effect ang maaaring mangyari mula sa dextromethorphan?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at malulutas kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dosage. Ang ilang naiulat na mga side effect ay:
- Pananakit ng tiyan
- Pagtatae
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagkahilo
- Pagka-antok
- Pag Kumbulsyon
- Pagka nerbiyos o pagkabalisa
- Insomnia
- Pagkalito
- Respiratory depression
- Serotonin syndrome
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung may anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist kung para saan ang dextromethorphan.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring may interaction sa dextromethorphan?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaction sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom. Maaari din na magbago kung paano gumagana ang iyong gamot o tumaas ang risk para sa malubhang epekto.
Upang maiwasan ang anumang potensyal na interaction sa gamot, dapat may listahan ka ng lahat ng gamot na iyong ginagamit (kabilang ang mga inireresetang gamot, hindi iniresetang gamot, at mga produktong herbal). Sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist.
Mga gamot na kilalang may interactions:
- Antihistamines
- Psychotropics
- Iba pang CNS depressants
- Fluoxetine
- Paroxetine
- Quinidine
- Terbinafine
- MAOIs
- SSRIs
Kung nakakaranas ka ng masamang interaction sa gamot, sabihin agad sa iyong doktor para sa treatment plan. Kasama dito ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.
May interaction ba ang pagkain o alkohol sa dextromethorphan?
Ang gamot na ito ay maaaring makipag-ugnayan sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paggana ng gamot o pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Huwag uminom ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Kausapin ang iyong doktor o pharmacist sa ang anumang potensyal na epekto sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong health conditions ang maaaring may interaction sa dextromethorphan?
Ang gamot na ito ay maaaring mag interact sa mga underlying condition. Ito ay maaaring magpalala ng iyong health condition o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng health conditions na mayroon ka sa kasalukuyan, tulad ng:
- Hika
- Emphysema
- Sakit sa atay
- Paninigarilyo
Dosage
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang laging kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa isang adult?
Uminom ng 5 hanggang 10 mL tuwing 4 na oras, o ayon sa direksyon ng iyong doktor.
Ano ang dose para sa isang bata?
Para sa mga batang may edad na 6 hanggang 12 taon, magbigay ng 2.5 hanggang 5 mL bawat 4 na oras, o ayon sa direksyon ng isang pediatrician. Huwag ibigay sa mga batang wala pang 6 taong gulang.
Mga batang edad 12 at mas matanda: katulad ng dose ng pang-adult.
Paano magagamit ang dextromethorphan?
Ang dextromethorphan ay makukuha sa mga sumusunod na porma at lakas ng dosage:
- Kapsula: 15 mg
- Syrup: 10mg/5mL
- Lozenge o cough drop: 5 mg
Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong lokal na mga serbisyong pang-emergency o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ng isang dose?
Kung nakalimutan mo ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Pero, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag mag double dose. Mahalagang malaman kung para saan ang dextromethorphan.